Angel Ilang beses ko ng sinulyapan ang wall clock na nasa aking harapan ngayon. Nandito pa rin ako ngayon sa sala hinihintay ang pag-uwi ni Alden. Kailangan kong masabi sa kaniya ngayon din na magkaka-baby na kami. Kahit na iniwan niya ako kanina ay excited pa rin akong sabihin sa kaniyang buntis ako. Excited na akong makita ang kaniyang reaction. Tunog na nga lang ng orasan ang naririnig ko. Si Manang Mosi ay kanina pa pumasok sa kaniyang kwarto. Alas dose na rin kasi ng hating gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Kahit nga paghikab ay hindi ko nagagawa. Pakiramdam ko, hindi ako dadapuan ng antok. Mulat na mulat pa rin kasi ang aking mga mata. Parang may gusto akong kainin. Pumunta na lamang ako sa kusina at naghanap ng matipuhang kainin. Nakaagaw sa aking paningin ang marsmall