Angel "Manang, pumasok na ho ba si Alden? Kanina ko pa kasi siya inaabangan sa sala pero hindi ko pa rin napansin na bumaba siya." Ang sabi ni Manang Mosi hindi pa daw lumalabas ng kwarto si Alden. Hindi pa daw niya napansin na lumabas ito para pumasok ng office. Maaga naman daw siyang nagising. "Hindi ko rin siya napansin hija. Sabi ko naman sa 'yo maaga akong nagising at palagi kong naaabutan si sir kapag pumapasok na ito ng office." "Nasaan kaya siya? Imposible bang mas maagang pumasok ngayon si Alden, Manang?" "Hindi ako sigurado, hija. Dalawin mo kaya sa kaniyang silid." "Sige po, Manang. Baka hindi rin siya pumasok ngayon." Iniwan ko na muna si Manang sa sala para tahakin ang silid ng asawa ko. Mag-asawa kami pero magkaiba kami ng silid. Bakit kaya hindi na lang kami magtab