Angel's POV
HIHIKAB - hikab ako na umupo sa kama. Umaga na pala. Kaagad kong tiningnan ang cell phone ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang alas syete pa lang naman ng umaga.
Tumayo na rin ako ng tuluyan dahil gusto kong tulungan si yaya Mosi. Makatulong man lang ako at maging kay Alden.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si yaya Mosi na naglilinis ng living area.
"Good morning!" bati ko rito sa masiglang tono. Maganda ang araw ko dahil masarap ang tulog ko kagabi.
"Good morning hija. Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Sobra po. Tulungan ko na po kayo maglinis ng bahay."
"Naku! Ang bilin nga pala ni sir Alden ikaw na raw ang maglilinis ng kwarto niya. Ibinilin niya rin na ikaw ang magdidilig ng halaman niya sa harden."
"Hindi ba dapat ako yung didiligan niya?"
"Ano kamo hija?" tila naglinis ng tenga si Manang Mosi.
"Wala ho ang ang sabi ko po talagang mahilig sa halaman si Alden?"
"Oo, napakahilig no'n sa halaman. May kwento kasi 'yan eh! Kaya siya mahilig sa halaman dahil sa mommy niya. Nangako siya noon sa Mommy niya bago ito mawala na aalagaan niya ang mga tanim ng Mommy niya. Kaya simula no' n palagi niyang tinatanaw sa kwarto niya ang harden."
"Gano'n po ba? Eh? Hindi na raw po ba niya ako paaalisin, Manang?" mas lumapit pa ako sa kaniya pra ibulong iyon.
"Hindi ko alam, hija. Basta't ang bilin lang niya ay ikaw ang maglilinis ng kwarto niya at ikaw na rin magluluto ng pagkain para sa kaniya. Dalawang araw ang day off ko simula bukas kaya ikaw na bahala sa sir ko."
"Talaga, Manang? Day-off mo? Ayos 'to."
"Bakit mukhang ang saya-saya mo yata na day off ako?"
"Eh, kasi masosolo ko si Alden." nakangiting sabi ko.
"Aba talaga naman. Kumikiriw ang tumbong natin ngayon ah!"
"Ano po yun?" Inilapit ko ang aking mukha kay Manang. Nagkamali yata ako ng narinig.
"Wala, ang sabi ko pag-igihan mo para sagutin ka ni Sir Alden." tatawa-tawang iniwan ako ni Manang Mosi kaya ang tagal nag-sink in sa isip ko ang sinabi niya.
Maglilinis nga pala ako ng kwarto ni Alden. Sa wakas naman, makakapasok ako sa kwarto niya. Ano kaya ang meron do'n.
Uunahin ko na lang munang diligan ang mga halaman sa harden bago ako maglilinis ng kwarto niya.
Tinahak ko ang flower garden.
"Wow!" namangha ako sa ganda at sari-saring bulaklak ang tumambad sakin. "Ang ganda." napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ko sila.
"Ako ang makakasama niyo today kaya humanda kayo. Bubusugin ko kayo sa paraang pagdidilig sa inyo. Pero sana yung nagmamay-ari sa inyo diligan rin ako para naman mamukadkad rin ako ng ganiyan kaganda sa inyo." biro ko sabay tawa na lang.
Kinuha ko ang water sprinkler na nasa tabi. Nilagyan ko ng tubig tsaka ko diniligan ang mga halaman. Ang saya pala kapag ginagawa ito habang kumakanta.
Kumuha ako ng iilang bulaklak. Pagkatapos kong magdilig ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Alden.
Pagbukas ko ng pintuan ay kaagad sumalubong sakin ang napakabango nitong silid.
"Ang bango." sambit ko habang patuloy na nilalanghap ang mabangong tumatama sa ilong ko.
Umupo ako sa malambot na kama tsaka kinuha ang unan ni Alden at niyakap iyon. "Ang bango mo! Para ko na rin nayakap si Alden."
Feel na feel ko pa na yakapin ang unan ni Alden.
Pagkatapos kong pagpantasyahan lahat ng puwede kong pagpantasyahan ay nilagyan ko ng totoong bulaklak ang nag-iisang vase na naka-display sa kwarto ni Alden.
"Ayan! Diyan ka nababagay. Sa flower vase ng mahal ko, my little Peony." inamoy ko muna ang kulay rosas na bulaklak na ito.
"Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili kong pitasin sa harden? Dahil ang sabi nila makakatulong ka sa mga single na taong makahanap ng mamahalin. Nasa kabilang kwarto lang ako ha. Baka naman ituro mo pa sa iba ang boss mo." kausap ko rito.
Pagkatapos kong ayusin iyon ay nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ni Alden na nagkalat sa sahig. May iilang nagkalat sa sahig.
T-teka? Bakit parang black underwear yata itong nasa sahig?
Pinulot ko iyon. Tama nga ang hinala ko dahil black underwear iyon ni Alden at mukhang kahuhubad niya lang no'n.
Baliw ba 'ko kung amuyin ko' to?
Dahil adik ako sa amoy niya sinuot ko na lang yun sa ulo ko para maamoy ko ng maayos.
Teka, amoy eggplant na inihaw. Ganito ba talaga yung amoy nito?
Kinuha ko ito at itinaas para mas lalo pa na amuyin at silipin.
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang bumukas ang pinto.
Nabigla at nagulat na lang ako ng makitang hinihingal na pumasok si Manang Mosi. Nagbago ang expresyon niya nang makitang hawak-hawak ko ang underwear ni Alden.
"Anong ginagawa mo?" tanong kaagad ni Manang Mosi. Nagpalipat -lipat ang kaniyang paningin sa aking mukha at sa kamay kong hawak ang brief ni Alden.
"W-wala..." kaagad kong itinapon iyon sa sahig. Baka isipin pa nito pinagpantasyahan ko ang brief ni Alden. Bakit hindi ba? Asar ko na lang sa sarili. Napangiti ako ng wala sa oras.
"Huwag kang ngingiti-ngiti diyan. Si Sir Alden nasa labas may mga pasa. Hawak siya ng dalawang lalaki at hinahanap ka."
Kaagad nanlaki ang mga mata ko. Dalawang lalaki? Hindi kaya ang mga kapatid ko 'yon. Naku! Lagot!
"Kilala mo ba ang mga' yon?" halata sa mukha ni Manang Mosi ang pag-aalala sa sir niya.
"Hindi ako sure pero—siguro mga kapatid ko 'yon." wala akong inaksayang oras. Tinakbo ko kaagad ang pinto para kaagad na makalabas at mapuntahan ang mga ito.
Nakipagkarera pa nga sakin si Manang Mosi pababa.
Paglabas ko ay natanaw ko ang mga kuya' s ko. Hawak nila si Alden. May mga pasa si Alden at mukhang napuruhan talaga ito ng bugbog.
"Alden..." Tinakbo ko kaagad ang kanilang kinaroroonan.
"Kuya Arnold..." tawag ko.
"Mabuti na lang at lumabas ka bunso. Dahil kung hindi ay tutuluyan na talaga namin ang lalaking ito."
"Kuya Arnold anong ginawa mo?"
Halos nanghihina si Alden habang hawak niya ito sa kwelyo.
"Hindi naman siya mamamatay sa mga suntok lang. Mamamatay lang siya kung hindi ka niya pakakasalan ngayon din."
"A-ano?"
Mukhang magandang idea iyon. Kung magpapakasal ako kay Alden. 'Di ba 'yon naman ang gusto ko?
"Ano bunso? Tutunganga ka na lang ba diyan? Magpapakasal ka ba sa lalaking ito o tutuluyan na namin ito. May isa pa pala, pakakasalan mo si Del, pumili ka?
Mas maganda ng magpakasal ako kay Alden kaysa sa manloloko kong EX.
"Ano bunso? Nakapagpasya ka na ba? Bilisan mo na. Tutuluyan ko itong lalaking ito."
"Ah-huh?" nataranta ako ng sabihin iyon ni Kuya Arnold. "H-huwag! Pakakasalan ko si Alden. Pakakasalan ko siya! Siya ang gusto kong pakasalan!" sigaw ko.
Alam kong ayaw ni Alden sakin kaya ang sama ng mga tingin niya sakin ng siya ang piliin ko. Sigurado akong habang buhay niya akong sisisihin dahil sa nangyari sa kaniyang ito.
Lumapit ako sa kanila. Nang makalapit ako ay tsaka ko lang napansin na pumutok ang labi ni Alden.
"Alden..." kaagad akong lumapit sa kaniya pero itinulak niya ako.
"Sabi ko na nga ba. May dala ka na kamalasan. I regret meeting you and letting you live here in my house. Akala mo ba ikatutuwa kong ako ang pinili mong pakasalan? Marrying you is the worst thing that will happen in my life." sabi niya sakin habang nakatingin sa ibang direksyon.
Natulala na lamang ako sa sinabi niya. Bakit ba mas minahal ko yata siya kaysa sa EX kong si Del. Mahal? Sa sandaling panahon minahal mo na ba agad siya huh? Angge? Tanong ko na lang sa aking sarili.
"Pagkatapos mo makuha ang gusto mong makuha sa kapatid ko ganyan mo lang siya kung tratuhin. Ano ba dapat ginagawa ng lalaki at babae sa iisang bubong? Ngayon din pakasalan mo ang kapatid ko." maawtoridad na sabi ni Kuya Arnold.
Walang emosyon na tiningnan ako ni Alden. Labag na labag sa loob niya ito alam ko.
"S-sorry Alden..." hingi ko ng pasensya ngunit sinamaan niya lang ulit ako ng tingin. Winakli niya ang kamay ng kuya Arnold ko tsaka muling lumapit sakin.
With his evil looks. He lifted my chin and spoke. "Sa tingin mo ba nakuha mo na ang gusto mo? Pakasalan man kita ngayon pero hindi mo makukuha ang pag-ibig ko. Iisang babae lang ang tinitibok ng puso ko at kahit kailan ay hindi mababaling sa iyo. Remember that!" Napaawang na lang ang labi ko ng talikuran niya ako.
"Kung gusto niyo ng kasal ngayon din ibibigay ko' yan sa inyo!" sigaw ni Alden habang naglalakad papasok sa loob ng bahay niya.