CHAPTER 3 NO CHOICE

1945 Words
Angel's POV WALANG NANGYARI sa pakiusap ko. Pinalayas pa rin ako ni Alden. Hindi siya pumayag na tumira ako sa bahay niya. Hindi ako umalis sa labas ng building. Hinintay kong lumabas si Alden para harangan siya sa daraanan niya at makiusap. Hindi man lang siya naawa sakin. Saan na ako ngayon? Saan ako titira? Kung babalik ako sa bahay baka pagbalik ko pa lang ay ipakasal na kaagad ako kinabukasan ni Kuya Arnold sa manloloko kong EX. Ang totoo, tumakas lang ako. Hindi naman talaga ako pinalayas ng mga kapatid ko kundi tinulungan ako ni Kuya Arjay na makalabas. Siguro sa mga oras na ito ay hinahanap na ako ni kuya Arnold. Gabi na pero walang Alden na lumabas mula sa building. Nang tanungin ko ang guard ay ang sagot lang nito ay kanina pa lumabas ang kanilang boss. Sigurado akong nakita niyang nandito ako kaya dumaan siya sa back exit. Sa susunod, sa back exit ko siya hihintayin. Hindi na rin kasi ako makapasok dahil ibinilin niya na sa mga guard na huwag akong papasukin. Pangalawang araw ko na sa labas ng building. Hindi na ako umuwi kahit pa nasa labas na lang ako ng building natutulog. Kahit pa nga pinapaalis ako ng guard ay hindi ko sinusunod ito. Aalis lang ako kapag nakausap ko na si Alden. "Ang kulit mo naman." sabi sakin ng guard. "Stress ka na ba, Manong guard? Kaya pala wala ka ng buhok. Ito oh, palamig ka muna." ibinigay ko sa kaniya ang plastik na may lamang palamig. "Hindi na. Baka nilagyan mo pa 'yan ng pampatulog." Inirapan ko ito. "Papasukin mo na kasi ako. Promise, kakausapin ko lang ulit yung boss niyo." "Ayaw niyang magpa-isturbo. Alam mo palaging busy yung boss namin dito kaya walang time yun na makipag-usap sa' yo. Kaya kung ako sa 'yo umalis ka na. Wala ng pag-asa na kausapin ka pa no' n." "Kahit anong sabihin mo, manong guard, hindi ako aalis rito. Maghihintay ako kahit ilang taon pa ako rito." Napailing si manong guard tsaka ito bumalik sa kaniyang pwesto. Mag-gagabi na naman pero walang Alden na lumabas ng building. Napaupo na lamang ako habang bagsak ang aking mga balikat. Nawalan na ako ng pag-asa na makita siya. Lalo na ng bumagsak na lang ang ulan. Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya wala na talagang pag-asa. Nanlaki na lang ang aking mga mata ng makitang bumaba mula sa kotse si Kuya Arnold. Oh my gosh, my carabao brother is here? Dali-dali akong tumayo at hinila ang aking maleta. Umikot kaagad ako sa building at dinala ako ng aking mga paa sa back exit hanggang sa parking lot. Hindi na siguro ako makikita ni Kuya Arnold dito. Pero paano si Alden? Pupuntahan ni Kuya si Alden. Habang nag-iisip ako ay may natanaw akong lalaking kalalabas lang. "Alden?" sambit ko nang makilala ito "Si Alden nga." abot tenga ang mga ngiti ko at tinakbo ang kinaroroonan niya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako napapansin. Habang naglalakad ay nasa likuran niya ako. "Alden..." tawag ko sabay karipas ng takbo palapit sa kaniya at niyakap ang likuran niya. Natigilan ito na tila na-estatwa. Unti-unti niyang tinatanggal ang mga braso kong nakapulupot sa bewang niya. Nang makaharap sakin ay kaagad na kumunot ang noo niya sabay sapo nito. "Ikaw na naman?" Ngumisi ako. "A-ako nga." "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo umalis ka na? Wala kang mapapala sa kasusunod sakin. Gusto mo ba ng pera? Sabihin mo lang para lubayan mo na' ko. Puro kamalasan lang dala mo sakin." "Hindi pera ang gusto ko." napanguso ako. Mukhang iniisip niyang mukha akong pera. "Gusto ko lang naman sana makitira muna sa bahay mo. Kahit gawin mo na lang akong katulong. Ayos lang sakin. Ayaw ko rin naman na bigyan mo 'ko ng pera na hindi ko naman pinaghirapan' yung perang ibibigay mo sakin." Tumalikod ako. Mukhang wala siyang puso. Sayang lang ang gwapo niya. Nang maka-ilang hakbang ako ay narinig ko ang pagtawag niya. "Teka... sandali." kagat labi akong natigilan tsaka unti-unting humarap sa kaniya. "B-bakit?" "Sige na." "A-anong sige na?" kagat labi na tanong ko sa kaniya. Napakamot siya sa kaniyang batok. Mukhang napipilitan pa. "Puwede ka na mag-stay sa bahay." habang kamot pa rin niya kaniyang batok. Alam ko naman na tutol yung isip niya pero dahil feeling ko nakaramdam siya ng guilty kaya siya pumapayag ngayon. Napangiti kaagad ako. "Talaga?" "Bilisan mo na. Pumasok ka na sa loob ng kotse ko. Baka magbago pa isip ko at iwan kita dito." Kaagad akong gumalaw. Hinila ko muli ang aking maleta at dinaanan siya. Nang makapasok ako tsaka lang din siya sumunod na pumasok. Iiling-iling pa ito habang pinapaandar ang kaniyang sasakyan. "Malapit lang ba dito ang bahay mo?" tanong ko sa kaniya. "Twenty minutes ride." sagot niya. "Kung gano'n pagdating na pagdating natin ipagluluto kaagad kita." "Huwag ka ng magsalita. Ayaw ko ng madaldal." Napanguso na lamang ako. Pero hindi ako mapakali kapag hindi bumubuka ang bibig ko. Feeling ko kasi mapapanis ang laway ko kapag hindi ako magsasalita. "Ahm... may kasama ka ba sa bahay mo? Ilan kayo ro'n? Kasama mo ba mommy, daddy mo or kapatid?" Sinamaan niya kaagad ako ng tingin. "I told you to shut up! Ayaw ko ng maingay kaya puwede ba huwag ka ng magsalita. Kahit minsan itikom mo rin 'yang bibig mo. Ibang-iba ka sa babaeng gusto ko." iiling-iling na sabi niya. May ibang babae na siyang gusto? Kaya ba ang ilap niya sakin? Kaya ba hindi siya nag-eentertain ng ibang babae dahil may iba siyang gusto. "Ang tanong gusto ka ba ng babaeng gusto mo? " Mali yata ang tanong ko dahil mas lalong kumunot ang noo niya ng tumingin sakin. "Kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita at pagtatanong. Kakaladkarin kita palabas sa kotse ko. Hahayaan na lang kita na mabasa ng ulan." Itinikom ko kaagad ang bibig ko. Maulan pa naman. Kapag kinaladkad niya ako palabas baka magmukha akong basang sisiw. "Ito na." Ipinakita ko sa kaniyang itinikom ko ang aking bibig. Sinulyapan niya lang ako sandali at muli ng tumingin sa unahan. Marami pa sana akong gustong itanong sa kaniya pero baka mainis lang siya at baka hindi niya na ako patitirahin sa bahay niya. Itatanong ko sana sa kaniya kung nagkita sila ni Kuya Arnold? Pero 'wag na lang. Hayaan ko na nga lang. Baka naman hindi sila nagkita. Napansin kung nag-iba siya ng direksyon. Namalayan ko na lang nasa harapan na kami ng malaking gate. Bumukas ito at tuluyan niyang pumaharurot papasok sa loob. "Bahay mo?" habang nakasilip ako sa labas ng bintana. "Ano pa ba sa tingin mo?" Hindi na ulit ako umimik pa. Para kasing kaunting imik ko na lang ay sasabog na siya. Baka palayasin pa niya ako. Hindi niya ako pinagbuksan kaya ako na lang ang nagbukas nito para lumabas. Nauna na rin siya sakin naglakad kaya para tuloy akong aso na sumusunod sa kaniya. "Talaga bang ganiyan ka? Hindi ka umiimik?" hindi ko tuloy maiwasan na itanong 'yon sa kaniya. "Sa iyo lang ako ganito. Wala ako sa mood makipag-usap sa' yo. Pakiramdam ko, ano man oras ay may dala ka na naman na kamalasan sakin." "Anong kamalasan naman ang dadalhin ko?" "Ewan ko, hindi ko alam." Nakapasok na kami sa loob. Malaki yung bahay niya. Feeling ko buong pamilya nakatira rito. Nakasunod pa rin ako sa kaniya. "Ilan kayong nakatira rito?" hindi talaga maiwasan ng bibig kong hindi magtanong. Lumingon siya sakin. "Sorry, gusto ko lang kasi malaman para alam ko kung gaano karami ang lulutuin ko." nakangiwing sabi ko. "Huwag ka ng mag-abala pa magluto. Isang gabi ka lang dito. Wala akong balak na patirahin ka rito sa bahay ko ng matagal. Hindi ako nag-aampon ng nagdadala sa akin ng kamalasan." Napanguso kaagad ako. Akala ko kasi magtatagal ako rito. "Hindi naman ako malas. Wala naman akong balat sa puwet. Nakita mo naman 'di ba? Makinis yung puwet ko." Kaagad siyang napatingin sakin. Nakita niya naman siguro yun ng gabing inangkin niya ako, yun nga lang' di natuloy kaya kalahati lang naipasok niya. "Wala akong nakita." sagot naman niya. Kunwari pa 'to. Sa isip - isip ko. Tumikhim siya at muling nagsalita. "Dalawa lang kami sa bahay na ito. Isang maid at ako kaya hindi ko kailangan ng isa pang katulong dahil sapat na sakin ang isang maid." Ang sungit. Muli siyang lumingon sakin. "You stay here, I'm just going to get something in my room for a while. After that, I'll take you to the guest room." bilin niya ngunit humakbang ako para sana sumunod sa kaniya. "Hindi ba tayo magtatabi?" habol ko sa kaniya. Unti-unti siyang lumingon sakin gamit ang naiirita niyang tingin. Napakamot tuloy ako ng wala sa oras. "Sabi ko nga sa guest room ako matutulog at maghihintay ako rito." kaagad na sabi ko. Hindi na ito nagsalita pa. Tinalikuran niya na lang ulit ako para tahakin ang hagdanan. Dahil na-bored ako sa paghihintay sabi niya sandali lang siya ay nag-explore ako hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kusina. Nadatnan kong nagluluto ang isang babae. "Wow! Ang bango naman po niyan." laagad akong lumapit dito. Gulat na gulat ito nang makita ako. "Sus maryusep! Sino ka?" gulat na gulat na tanong nito. Hindi yata inaasahan na may kasama ang boss niya. "Ako po si Angel, isinama ako rito ni Alden." "Aba! Pangalawang beses nagdala ng babae rito ang sir ko. Matagal na rin na hindi nakapagbisita si Venus dito kaya siguro ikaw ang bago niyang girlfriend." "Hindi po. Magiging girlfriend pa lang po. Liligawan ko pa kasi." Bigla itong natawa. "Bakit naman ikaw ang manliligaw?" "Kasi mukhang hindi marunong manligaw ang sir niyo." pabulong na sagot ko. Nagtawanan tuloy kami. "Ako nga pala ang all around yaya rito sa bahay ni sir Alden. Ako si Mosi. Tawagin mo lang akong yaya Mosi." pakilala niya. Nakakatuwa naman. Mukhang magkakasundo kaagad kami. Tinulungan kong magluto si yaya Mosi. Ako nagluto ng adobo. After thirty minutes natapos kaming magluto. Tinulungan ko na rin ito na ayusin ang dining table. Nakahanda na ang pagkain pero wala pa rin si Alden. Kailan pa kaya naging sandali ang isang oras? "Nakita mo ba ang babaeng—" Sabay kaming napatingin ni yaya Mosi sa kapapasok lang na si Alden. Natigilan ito ng makita ako. Mukhang hinahanap niya ako. "Nandito ka lang pala. Hindi ba't sabi ko hintayin mo lang ako sa sala?" "Ang tagal mo kasi. Yung sandali mo kasi umabot ng isang taon kaya napagpasyahan kong maglakad lakad at dinala naman ako ng mga paa ko rito sa kitchen. Nakilala ko tuloy si yaya Mosi." Sinulyapan niya ang dining table. "Nakapagluto ka na pala, yaya." sambit niya. "Kumain na ho kayo sir." pag-imbita ni yaya Mosi. Umupo si Alden tsaka siya tumingin sakin. "Umupo ka na. Alam kong gutom ka na." sabi niya sakin. Hindi naman ako nagpakipot at kaagad na umupo sa tabi niya. "Gutom na nga ako kanina pa." sabi ko at nauna pa 'kong magsandok ng kanin kaysa sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang dahil tinitingnan niya ako. Nakalimutan ko na yatang hindi ko naman bahay' to. Napangiwi ako ng mapatingin sa kaniya. "Sorry." kaagad akong nag-peace sign. "Go on. You're obviously hungry" saad niya. Ngumiti ako at pinagpatuloy ko ang pagsandok ng kanin at ulam. Nang lingunin ko si yaya Mosi ay wala na siya sa dining area, siguro abala na naman ito sa kusina. Napansin kong nilantakan niya yung adobo na niluto ko. "Masarap ba? " nakangiting tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot pero alam kong sarap na sarap siya. "Ako nagluto niyan, tsaka mas masarap ako diyan." nakangiting sabi ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD