Alden's POV
"Kiss the bride." anunsyo ng judge. Napaatras ako ng makitang handa na si Angel na halikan ko. Nakanguso pa nga ito na akala mo ay hahalikan ko.
"Bakit wala?" nagmulat ito ng mga mata. Nagtama ang aming mga paningin. Akala niya siguro ay hahalikan ko siya.
"Halikan mo na ang asawa mo, lalaki." untag ng judge sa akin. Pero hindi pa rin ako gumagalaw. I couldn't believe I was married to this woman. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ang gusto kong makasama habang buhay ay walang iba kundi si Venus, pero bakit ang babaeng 'to ang binigay sakin.
"Ako na po ang hahalik sa asawa ko."
Nagulat na lamang ako ng lumapat ang labi ng babaeng ito sa aking mga labi. Mabilis itong tumingkayad at kaagad na hinalikan ako.
Kung wala kami sa harapan ni judge ay baka itinulak ko na ito.
Tatlo lamang ang saksi sa kasal na naganap. Ang dalawang kapatid ni Angel at si yaya Mosi. Hindi ko na pinaalam kay Allen ang biglaang kasalan na ito. Baka pag nalaman niya ay pagtawanan at aasarin niya lang ako. Dahil nagpakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto.
Sinong hindi magpapakasal kung nakatutok sa 'yo ang dalawang revolver.
After the judge' s wedding we went straight to my house. Wala akong balak na mag-celebrate. Hindi ko e-ce-celebrate ang kasal na hindi ko naman ginusto.
—-—
Angel' s POV
"Sa wakas! Naikasal na rin kami ni Alden, Manang Mosi. Matatawag ko na rin siyang tunay na akin." habang nakaupo sa bilog na upuan sa kusina.
Pag-uwi na pag-uwi kasi namin galing sa aming kasal ay umalis kaagad si Alden. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi naman siya nagpaalam sakin.
"Masayang-masaya ka, hija. Eh, nasaan na nga ba ang amo ko? Hindi ba't honeymoon niyo bakit umalis?"
Napanguso na lamang ako. Honeymoon nga namin ngayon. Sana matutuloy na ang naudlot pero mukhang hindi pa rin dahil wala yatang balak si Alden na ituloy 'yon.
"Hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta. Hindi naman siya nagpaalam sakin."
Hinaplos nito ang aking mga kamay. "Hayaan mo na lang muna iyon. Baka nabibigla lang. Hindi pa niya lubos maisip na kasal na siya sa' yo. Isa pa, baka hindi niya lang talaga trip na makasama ang mga kapatid mo dito sa bahay."
Oo nga pala, nandito ang mga kapatid ko at bukas pa sila uuwi sa bahay.
"Pupuntahan ko lang po ang dalawang kapatid ko sa sala."
Nadatnan kong nakaupo ang aking mga kuya's at sinusuyod ang kabuuan ng sala. Napatayo si Kuya Arnold ng makita ako.
"Ang laki pala ng bahay ni Alden." sabi niya.
"Kuya Arnold, ihahatid ko na po kayo sa matutulugan niyo."
"Hindi na kailangan. Uuwi na rin kami ni Arjay." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Ingatan mo si Alden. Mayaman pala at mukhang mas mayaman kay Del."
"Kuya naman. Hindi ako pumayag na magpakasal dahil lang sa yaman niya. Mahal ko na po si Alden."
"Sinasabi ko lang na jackpot ka sa kaniya. Mabuti na lang talaga at napilit namin ang lalaking iyon na pakasalan ka."
"Siyempre maganda ako kaya niya 'ko pinakasalan."
"Hindi ka niya mahal Angge huwag kang feeling." sabat naman ni Kuya Arjay.
"Matututunan niya rin akong mahalin. Itaga niyo' yan sa bayo."
"Anong bayo?"
"Este bato."
"Umayos ka Angge."
Pilit na lamang akong ngumiti dahil mukhang biglang nagbago ang kanina ay natutuwang awra ni Kuya Arnold.
Hinatid ko na sila sa gate at pumasok na rin. Dumiretso ako sa kwarto ni Alden. Dito na ako matutulog dahil asawa ko na siya. Napansin ko ang little peony kong flowers. Nilapitan ko ito at hinaplos.
"Ang galing mo talaga. Ang bilis mo. Ngayon naniniwala na akong ikaw ay cupid. Kung sa bulaklak pa ikaw ang bulaklak na kupido. Alam mo bang asawa ko na ngayon si Alden?" kinikilig na kwento ko sa bulaklak na hindi ko alam kung nakikinig.
"Tinupad mo yata yung wish ko." nakangiting sabi ko sa bulaklak na ito. Wala akong makausap kaya ito na lang ang kinakausap ko.
Pagkatapos kong kausapin ang little peony ko ay nagtungo ako sa banyo para maligo. Natapos na lang akong maligo ay wala pa ding Alden na dumadating. Uuwi pa kaya siya?
Nagsuot ako ng red lengerie dahil honeymoon namin ngayon. Pag-uwi niya kahit ako na ang gumawa ng move para matuloy ang honeymoon namin.
Paulit-paulit ko ng sinulyapan ang wall clock pero wala pa ring Alden na dumarating.
Hanggang sa humiga ako sa kama. Niyakap ko ang unan ni Alden na sobrang bango. Parang yakap ko na rin siya.
"Ang bango mo!"
Hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata.
—
Kinaumagahan...
Nag-alarm talaga ako para maaga akong magising. Ngunit paggising ko ay walang Alden sa tabi ko. Nasaan siya? Hindi siya umuwi?
Nang suyurin ko ang buong silid ay tumama ang aking paningin sa flower vase. Kaagad akong napatayo at nilapitan ang flower vase na wala ng laman.
Teka? Nasaan ang little peony ko?
Nagmadali akong lumabas kahit wala akong hilamos at magulo pa ang buhok ko.
Habang tinatahak ko ang hagdanan ay tinatawag ko si Manang Mosi. Baka sakaling si Manang Mosi ang nag-alis sa peony ko.
"Manang Mosi nasaan na po ang peony ko?" pagsisigaw ko ngunit walang sumasagot. Hanggang sa marating ko ang living area.
I was shocked to see Alden reading the news while sipping coffee.
Nagmadali akong lapitan ito. Sa harapan niya ay nameywang ako. Napatingala ito sa akin at biglang nabulunan pa yata sa iniinom niyang kape.
"Nasaan ang kipay ko?" tanong ko sa kaniya habang nakapameywang. Mas lalo itong nabulunan sa nasabi ko.
"I mean yung peony ko."
Hindi ito nakasagot. Nakatingin lang siya sakin hanggang sa mapansin kong sa dibdib ko siya nakatingin.
Nagbaba ako ng tingin at ngayon ko lang na-realize na suot ko pa pala ay red lengerie at wala akong suot na bra kaya yung u***g ko bakat na bakat.
"Ano sa tingin mo ginagawa mo? Inaakit mo ba ako?" sa wakas nakapagsalita rin si Alden.
"Kagabi pa sana kita aakitin pero ngayon expired na kahihintay sa 'yo. Ngayon nasaan ang peony ko?" wala akong pakialam kung nakatitig siya sa bakat na u***g ko. Basta' t gusto kong sumigaw sa harapan niya.
Bigla na lang siyang tumayo sa harapan ko kaya ngayon ako na ang nakatingala sa kaniya.
"You know what, hindi ko alam ang sinasabi mong peony or kung anong peony 'yan. Go back upstairs to dress up or wear anything to cover your f*****g n****e. Wala ka bang bra para hindi magsuot no'n!" inis na sabi niya sa aking pagmumukha.
Napalunok ako bago nagsalita. "Sinadya kong walang bra." mahinahon na sabi ko. "Dahil akala ko uuwi ka sa gabi pero anong ginawa mo pinaghintay mo' ko hanggang mapanis ang katawan ko. Ngayon nagrereklamo kang wala akong bra? Bakit inaano ka ba ng dede ko?"
Napailing siya tsaka sarkastikong natawa "What— the— f**k! Ngayon itinatanong mo sakin kung inaano ako ng dede mo? They are shaking every time you speak and that distracts me." sagot niya na tila na-stress na.
"E 'di' wag mong tingnan! Simple as that." pakikipagbangayan ko sa kaniya.
"Paanong hindi ko tingnan? Nasa harapan kita. Natural lang na makita ko."
"Ilipat mo mga mata mo sa likuran." sarkastikang sagot ko.
"What the f**k! Angel!"
"What the f**k! Isa lang ibig sabihin niyan. Just f**k me! Tapos ang usapan!" hamon ko sa kaniya tsaka siya natigilan at tumitig sakin. Ngayon sa aking mukha na siya nakatingin.
Bumaba sa aking labi tsaka ko napansin ang kaniyang paglunok.
"Kung ayaw mo e 'di' wag." sinubukan ko na siyang talikuran ngunit biglang may humapit sa bewang ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahang hahapitin ni Alden ang aking bewang. Kasunod niyang ginawa ay itinulak ako sa couch kaya napahiga ako.
Lumilis ang aking lengerie kaya nasilayan niya ang makinis kong mga hita. Napalunok siya ng makita iyon.