Angel's POV
"Ayaw ko na nga sa 'yo hindi mo ba maintindihan' yon!" inis na singhal ko sa pagmumukha ni Del.
Gusto niyang magpakasal kami pero noong nakaraang araw lang ay nakita ko siyang may kasama na ibang babae pero tinatanggi niya iyon. After ng ilang araw ay bigla na lang siyang nag-propose sakin.
"Angel, I want to marry you." Inilabas nito ang singsing. Nagbaba ako ng tingin at tinitigan ang singsing.
"Kahit na anong gawin mo, Del hindi ako magpapakasal sa 'yo. Huwag ka ng magkunwari na wala kang ibang babae dahil kitang-kita ng dalawang mga mata ko. Huwag ka na habol ng habol pa sakin dahil may ipinalit na rin ako sa' yo."
Natanaw ko ang nag-iisang lalaki sa bar counter. Mag-isa at mukhang malaki ang problema.
"Sino naman ang lalaking 'ipinalit mo sakin?"
Umalis ako sa harapan ni Del at nagmadaling lapitan ang nag-iisang lalaking mukhang lasing na.
Ipinulupot ko kaagad ang braso ko rito. Kita ko ang pagkabigla niya pero wala akong pakialam. Infairness, ang gwapo niya. May mga dimple pala ito. Lalo na ng titigan niya ako. Doon ko napansin ang malalago niyang mga pilik mata at mapupula niyang pisngi. Aba, mestiso pala. Mapupungay ang kaniyang mga mata. Halatang lasing na.
Alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
Hinabol ko ito hanggang sa kaniyang kotse ngunit nakasunod pa rin sa akin si Del. Ayaw ko ngang magpakasal sa kaniya pero gusto ng mga nakatatandang kapatid ko na magpakasal ako sa kaniya.
Tinawagan ko kaagad ang mga kapatid ko nang makaalis ang kotse ng lalaking hindi ko naman kilala.
Niligaw niya si Del. Kahit pala lasing ito ay magaling pa rin palang magligaw ng pusa...este ng manloloko.
Sa wakas, nawala sa aming paningin si Del.
—
Problema ko naman ngayon kung paano siya paamuhin na ihatid ako sa bahay. Nakaisip ako ng plano. Naalala kong may dala akong beer. Tamang-tama naman gusto niya yatang magpakalunod sa alak at magpakalasing.
Nasaan na ba kasi ang mga kuya's ko? Bakit ang tagal nila? Sa paraang ito ko lang mapipigilan ang pagpapakasal kay Del.
Naubos na namin ang anim na beer kaya umiikot na ang aking paningin. Ang estranghero naman na ito ay alam kong nahihilo na rin. Kakaiba na ang kaniyang mga tingin sa akin.
Niyaya ko siyang mag-s*x kami. Alam kong malapit na ang mga kapatid ko. Kaya dapat mahuli nila kami sa akto para hindi na matuloy ang plano nilang pagpapakasal nila sa akin kay Del. Hindi ako papayag na maikasal sa manlolokong lalaking 'yon.
Tinitigan niya ako at bigla na lang winasak ang aking mga saplot. Wala siyang itinira. Syete! Ito na. Wala ng atrasan' to.
Ibibigay ko na sa kaniya ang p********e ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng wala man lang siyang pasabi sakin. Kaagad niyang ipinasok sakin ang kaniyang mahaba at malaking alaga.
Napaigik ako kaya natigilan siya. Hindi siya makapaniwalang virgin pa ako. Mukha bang fake ang virginity ko?
Nagawa pa niya akong insultuhin. Mabuti na lang dumating ang mga kapatid ko.
Nataranta ito at biglang hinugot sakin ang kaniyang p*********i at nagsuot ng pants.
"s**t!" mura niya. Mukhang nahimasmasan na yata siya.
Lumabas ito at hinarap ang mga kapatid ko. Narinig ko pa ang sinabi ng aking nakatatandang kapatid.
"Pakakasalan mo ang kapatid namin o ibabaon namin ang tatlong bala diyan sa katawan mo?"
Hindi ko naman intensyon na iyon ang mangyayari. Gusto ko lang na hindi matuloy ang kasal namin ni Del. Hindi ko inaasahang ipapakasal naman nila ako sa estranghero na ito.
Kung sabagay, sa kaniya ko ibinigay ang virginity ko kaya dapat lang na pakasalan niya ako. Mukhang hindi pa nga buo ang ipinasok niya sakin. Kalahati pa lang 'yon pero sobrang sakit na.
"Ano? Pakakasalan mo ba ang kapatid ko o tatadtarin namin ng bala ang katawan mo? Isang sagot lang lalaki." muli ay tanong ni Kuya Arnold.
Kahit punit-punit ang aking saplot ay sinuot ko pa din iyon para makalabas ako sa sasakyan na ito. Nang makalabas, tsaka ko lang nasilayan ang mukha ng estrangherong umangkin sa akin.
Pinagpapawisan yata ito ng malamig.
Nilapitan ko ito. Kanina pa siya tinatanong ng mga kapatid ko kung pakakasalan niya ako pero hindi siya sumasagot.
"Last na tanong lalaki. Pananagutan mo ba ang ka—" pinutol ng estranghero ang pagsasalita ni Kuya Arnold. Naalala ko na, pangalan niya nga pala ay Alden. Masyado na yata akong nalasing dahil kahit pangalan niya ay hindi ko na matandaan.
"Walang nangyari sa amin ng kapatid niyo!" sagot ni Alden.
Anong walang nangyari? Naipasok niya nga tapos sasabihin niyang walang nangyari.
"Totoo ba, Angge? Walang nangyari sa inyo ng lalaking 'yan? Hindi ka pinagsamantalahan ng lalaking' yan?" sa akin na ngayon nakatingin ang nga kuya's ko.
Napatingin ako kay Alden na pinagpapawisan pa rin. Namumutla na rin.
"Hindi totoong walang nangyari sa amin. May nangyari sa amin. Naipasok pa nga niya yung—" pagsasabi ko ng totoo. Dala ba ng kalasingan ko kaya ko nasabi 'yon?
"Pero kalahati lang yung naipasok ko." kaagad naman na pangatwiran ni Alden. Akala ko ba nahimasmasan na' to? Bakit parang mas lasing pa siya sa inaakala ko.
Sinasabi ko na nga ba eh! Kalahati pa lang 'yon. Pero bakit ang sakit?
Nang sulyapan ko ang aking mga nakatatandang kapatid ay natahimik ang mga ito at bagsak ang mga panga na nakatingin sa akin.
Teka, bakit sila nakatingin sakin?
"Angge!" maawtoridad na tawag sa akin ng kuya Arnold ko. "Lumapit ka dito!" dagdag pa niya. Napanguso kaagad ako at napakamot sa ulo.
"Totoo ang sinasabi ko, may nangyari sa amin." pamimilit ko dahil yun naman talaga ang totoo. Nakita ko pa kung paano sumama ang tingin ni Alden sakin.
"Umalis ka na lalaki bago pa magbago ang mga isip namin."
Hindi ako makapaniwalang pakakawalan nila ang lalaking umangkin sa virginity ko.
"Pero... kuya Arnold, may nangyari sa amin ng lalaking gusto niyong paalisin." pigil ko.
"Tumahimik ka na, Angge. Ayaw mo lang magpakasal kay Del kaya pinipilit mong may nangyari sa inyong dalawa. Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Del."
Hinawakan ni Kuya Arnold ang kamay ko sabay hila sa kaniyang sasakyan. Hindi ba nila nakitang punit-punit ang damit ko.
Naghaharumentado pa rin ako kahit nasa loob na ng kaniyang kotse. "Ayaw ko ngang magpakasal kay Del. Bakit ba ayaw niyong sundin ang gusto ko? "
" Kailangan natin si Del, mayaman ang lalaking 'yon at kailangan natin ng pera."
"Kung pera lang ang kailangan niyo sa kaniya. Handa akong magtrabaho araw at gabi para magkaroon tayo ng pera."
"Hindi sapat ang pagtatrabaho lang. Nag-iisang business natin ang nakataya dito. Sa madaling salita, kailangan natin ang nobyo mo."
"Paano kayo nakabili ng guns kung wala na tayong pera?" tinitigan ko ang hawak nilang guns.
"Fake lang 'to. Tinatakot lang namin ang lalaking 'yon."
"Ano?"
Fake pala ang guns na hawak ng mga kapatid ko.
——
Pagdating namin sa luma namin na bahay ay ikinulong kaagad ako ng kuya Arnold sa kwarto.
"Diyan ka lang sa kwarto mo. Hindi ka lalabas hangga' t hindi dumarating ang araw ng kasal niyo ni Del."
Pabalibag niyang sinarado ito. Tumakbo kaagad ako palapit sa pintuan at pinagpupukpok ito. "Kuya! Pakawalan mo 'ko dito! Please! Ayaw kong magpakasal sa lalaking yun. Over my dead body!"
Nagsasayang lang ako ng laway sa kasisigaw dahil wala rin naman silbi. Kahit magmakaawa pa ako ay hindi pa rin naman nila ako pakikinggan.
Isa, dalawa at tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain pero may bantay naman at iyon ay si Kuya Arjay.
"Kuya Arjay, alam kong hindi mo 'ko matitiis... please! Tulungan niyo naman akong makaalis rito. Tulungan mo' kong hindi matuloy ang kasal ko sa Del na 'yon. Hindi niyo lang alam... manloloko ang lalaking' yon. Hahayaan mo bang pakasalan ko ang manlolokong 'yon?" pagmakaawa ko kay Kuya Arjay. Alam kong kaunting makaawa ko lang sa kaniya ay maaawa siya sakin.
Nahahawa lang naman siya kay Kuya Arnold kaya siya naging strikto na rin sakin.
"Hindi mo' ko madadala sa pagmamakaawa mo, Angge. Maghugas ka na ng pinagkainan mo para makapasok ka na sa kwarto mo."
"Kuya naman eh!" kamot ulo na pagmamaktol ko. "Hindi niyo na ba 'ko mahal? Bakit naman ganito? Bakit sapilitan niyo' kong ipakasal sa lalaking manloloko na 'yon?"
Ginawa ko ang lahat para maawa sakin si Kuya Arjay.
——
Alden's POV
"SAAN ka ba galing ng dalawang araw? Bakit ngayon ka lang pumasok sa office mo?" sapo ang noo kong pinapakinggan ang sermon ng kapatid kong si Allen.
Ever since I met that Angel, I've been filled with bad luck. I had a stomach ache for two weeks and even had a fever. I don't know if there were f*****g drugs or what kind of poison that woman put in the beer she made me drink.
May naiwang mantsa pa ng dugo sa upuan ng kotse ko kaya kaagad kong pinalinis ang loob nito.
"Nagkikita pa rin ba kayo ng asawa ni Marco? Asawa na siya ni Marco kaya tigilan mo na yung kahibangan mo sa babaeng 'yon." dagdag pa ni Allen.
Kinakalimutan ko na si Venus pero dahil nasambit niya ang pangalan nito ay muli ko na naman naalala ito at nandito pa rin ang sakit na nararamdaman ko.
" Kung puwede huwag na natin pag-usapan pa ang babaeng' yon."
"Natauhan ka na yata." asar niya
Napailing na lamang ako.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng may kumatok roon.
"Mr. Vinzon, there is a woman looking for you." umawang ang pinto at iniluwa roon ang mukha ng aking assistant.
Sinong babae? Si Venus?
Hindi ko akalaing mapapatayo ako ng wala sa oras. Akala ko ba mag-mo-move on na ako? Bakit sa isang rinig ko lang na babae ang naghahanap sakin, siya kaagad ang naisip ko.
"Akala ko ba nag-mo-move on ka na?" asar ni Allen. Nakalimutan kong nandito pa pala siya.
Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Allen. Binalingan ko na lang ang aking assistant na hanggang ngayon ay nasa pintuan pa rin.
"Sir, papapasukin ko po ba rito?"
"Let her in." kaagad na sagot ko.
Tumikhim si Allen. Alam kong inaasar pa rin niya ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik muli ang aking assistant. "Sir, nandito na po siya." sigaw ng assistant ko mula sa pinto.
Hinihintay kong masilayan ko si Venus.
Nagbago kaagad ang timpla ng mukha ko ng masilayan ko kung sino ang babaeng bisita ko. Ang babaeng ini-expect kong bisita ay hindi pala.
" H-hi! " bati ng babaeng kapapasok lang.
Kung minamalas ka nga naman. Sa daming babae na puweding pumunta rito sa office ko. Bakit ang babaeng napuno ng kamalasan pa ang dumating.
"Hi, ulit." she greeted again. I didn't smile at her. I just glared at her. I'm not in the f*****g mood right now to deal with this girl's misfortune.
Tumikhim si Allen at nagpaalam ng lumabas. Naiwan kami ng babaeng kararating lang dito sa office ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Dala niya ay isang maliit na maleta. Ano naman laman nito? Huwag niya sabihing puno na naman ito ng can beer?
"Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba mga kapatid mo?" sinilip ko ang pinto ngunit wala ng iba pa na tao roon.
"Mali. Hulaan mo kung bakit ako nandito." nakangiting sabi niya.
King ina! Bakit sa tuwing tinitingnan ko ang mukha ng babaeng ito ay naiinis ako.
"Hindi ako manghuhula kaya 'wag mong pahulaan sakin kung bakit ka nandito. You need money? How much? Name it."
"Nope! Hulaan mo pa." may gana pana mag-joke.
Fuckshit! "Sinabi ko na sa iyo hindi ako manghuhula." kunting -kunti na lang sasabog na bungo ko sa babaeng ito.
"Hirit na!" nagawa pa niyang sumigaw.
Bagsak ang mga balikat ko sa babaeng ito.
"Pinalayas na kasi 'ko sa bahay. Ayaw ko kasing magpakasal sa EX ko kaya pinalayas nila ako."
"So? Why are you here? What do you want me to do?"
Napangiwi ito. Parang hindi ko gusto ang susunod na sasabihin nito.
"Kung puwede sa iyo na lang muna ako titira. Tutal, naipasok mo yung kalahati bakit hindi na lang natin isagad' di ba?" nakangiwing sabi nito.
Sapo ang noo kong napatingin sa kaniya. Alam niya ba sinasabi niya o baka hanggang ngayon lasing pa rin ang babaeng 'to?