Chapter 3

2217 Words
Chapter 3 CASSIE'S POV "Ate? Buksan mo naman ang pinto." Patuloy niyang pag kausap sa kapatid pero wala pa din akong nakuhang sagot mula sakaniya. Pinihit ko ang dooknob pero naka-lock lamang iyon. "Ate, buksan mo naman ang pinto oh. Kausapin mo ako. Ate? Ate?" Kinakatok ko ang pintuan nito pero gaya nang dati wala din akong nakuhang sagot mula sakaniya. Ate naman. Please pag buksan mo na ako nang pinto. Matapos nang madatnan ko itong umiiyak sa silid kagabi, doon ko lamang siya nakitang nag kaganun sa tanang buhay ko. Umiyak siya na tila ba walang bukas. Kitang-kita ko kong paano siya mag wala at mag hagolhol nang pag-iyak habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Kuya Leo. Hindi ko alam kong ano ang nangyari sakanilang dalawa. Mahal na mahal nang kapatid ko si Kuya Leo, kaya't naiintindihan ko kong bakit ganun na lang ang kaniyang nadarama nang iwan siya nito. Kinausap siya ni Dad kagabi, at hanggang doon na lang ang aking nalaman dahil nag kulong na si Ate Clover, sa kaniyang silid at hindi na lumabas. Pinapadalhan na lang siya ng pag-kain nang mga kasambahay sa kaniyang silid gaya ng utos ni Dad, pero iniiwan na lang nito sa labas ng pinto ni Ate. Walang pinapapasok na ibang tao sa kaniyang silid, maliban na lang kay Daddy. Labis akong nasasaktan na nag kakaganun na lamang si Ate. Malapit siya sa'kin kaya't naawa din ako sakaniya. "Ate, lumabas kana diyan oh. Miss na miss na kita." Malungkot kong tinig at pilit pa din siyang kina-kausap kahit alam kong hindi naman siya sasagot pang muli sa'kin. "Hihintayin kita lumabas Ate," matamlay kong tinig at nag lakad na ako pababa ng hagyan. Tanaw na tanaw ko pa din sa aking kinatatayuan ang silid ni Ate, at nakaka lungkot dahil hindi pa din siya lumalabas hanggang ngayon. Nang maka baba na ako, malaya kong pinag mamasdan ang mga katulong na abala sa kanilang ginagawa. Maya't-maya, nakita ko si Mom, na nag lakad papunta sa direksyon ko at naka suot ito ng magandang damit. "Oh, bakit ganiyan ang mukha nang bunso namin?" Malambing na tinig ni Mom ng tuluyan na siyang maka lapit sa'kin. "Si Ate po kasi Mom." Pag susumbong ko dito. "Hindi pa din ba lumalabas sa silid ang kapatid mo?" Bakas ang pag alala sa tinig nito at napa baling ang tingin nito sa ikalawang palapag, na animo'y nag aalala din siya sa kapatid ko. "Labis akong nalulungkot dahil nag kakaganiyan siya. Wala man lang tayong magawa kundi pagaanin ang loob niya." "Mom? Ano kaya kong hiramin ko saglit ang spare keys sa room ni Ate? Gusto ko lang siyang puntahan. Gusto kong alamin kong okay lang ba siya." "Huwag na Hija." Anito at hinawakan ang aking balikat. "Bakit Mom?" "Hayaan na lang muna natin ang Ate mo makapag-isa okay? Naka-usap na siya nang Daddy mo kagabi, at gusto niya nang space. Alam ko labis ang pag aalala mo sa Ate Clover mo, pero huwag kang mag alala dahil lalabas din siya kapag okay na siya." Anito na malambing na tinig, at nakumbinsi niya din ako. "Sige Mom," "Maiwan muna kita Hija," tumango na lang ako sa sinabi niya at nag lakad na ito paalis. Nang mawala na sa tingin ko si Mom, tumunggo na ako sa kitchen. Nadatnan ko si Manang Sabel, na abala sa pag luluto. Siya din kasi ang pinaka matandang katulong dito sa bahay namin at naka suot lamang siya ng blue and white na uniforme. Tahimik lamang akong nag lalakad at kumuha ng baso. Tumunggo ako sa ref, para kumuha nang malamig na tubig, at sinalinan ko ang baso na hawak ko. Sinimsim ko ang tubig sa baso at nilagay muli iyon sa lababo. "Hi Manang Sabel, ano po ang niluluto niyo?" Sambit ko sa matanda nang malanghap ko ang masarap na sinigang na niluto nito. Bigla ako naka ramdam ng matinding gutom sa sarap na niluluto nita. "Nag request si Sir na gusto niya daw kumain nang sinigang." Lumapit ako sa gawi niya at kasalukuyan, malapit na nga itong maluto. "Wow, ang sarap naman niyan Manang." Kulang na lang mag ningning ang aking mga mata dahil pork sinigang laman no'n. Sumandok si Manang ng sabaw at bahagyang nilapit sa'kin para ipatikim iyon. Tinikman ko lamang iyon na kahit mainit-inig pa. Sumilay na lang ang matamis ng ngiti sa aking labi dahil napaka sarap no'n. "Tama na ba ang timpla ng lasa Cassie?" Tila ba bata itong nag hihintay ng aking sagot. "Opo Manang napaka sarap pa din. Napaka sarap niyo talaga mag luto," nag thumbs-up lang ako sakaniya at niyakap ko nang sobrang higpit. Napa pikit ako lalo ng maramdaman ko ang mainit niyang katawan na dumapo sa'kin. Malapit ako kay Manang Sabel, dahil siya din ang nag alaga at bantay sa'kin no'ng bata pa lamang ako. "Juskong bata ka, bakit ka yumakap sakin? Napaka pawis ko na!" Anito at inaalis nito ang aking katawan na naka yakap sakaniya pero mas hinigpitan ko pa lalo iyon. Wala eh. Na-miss ko lang mag lambing sakaniya. Na-miss ko kong paano niya ako kulitin. Para ko na rin siyang pangalawang Ina, na naiku-kwento ko sakaniya ang mga bagay na nag papasaya sa'kin. Ang mga bagay, na hindi ko naiku-kwento kay Ate Clover. "Ayos lang sa'kin iyon Manang, kahit napaka dugyot mo pa, still mabango pa din kayo sa pang-amoy ko." Rinig ko ang mahinang pag tawa nito sa sinabi ko at kumalas na ako sa pag-kakayakap sakaniya. "Ang kulit mo talagang bata ka. Siya nga pala nandiyan pala ang Daddy mo." Anito. "Po? Nandito siya? Akala ko pumasok siya ngayon sa trabaho?" "Hindi siya pumasok ngayon, ayon sa pag kakarinig ko. Siguro nag alala din siya kay Mam Clover kaya't mas pinili niya na lang huwag pumasok." Napa tango na lang ako sa sinabi niya. "Ganun po ba Manang?" "Oh Sheila, nakuha mo ba ang pinakukuha ko sa'yo?" Natigilan ako dahil pumasok ang isa pa naming kasambay sa loob ng kusina, na mukhang nag mamadali. Mag kasing-edad lamang kami ni Sheila pero mas malaki ang kaniyang katawan kumpara sa'kin. Kayumanggi lamang ang balat nito, at medyo kulot ang buhok. "Isusunod ko na lang Manang, inutusan kasi ako ni Sir, na ipag timpla ko siya nang kape." Napakamot pa ito sa buhok, habang sinasabi iyon. "Kape po para kay Dad?" Sagot ko at tumango na lang siya sa'kin. "Opo Mam Cassie," "Teka Sheila, ako na lang gagawa." Suhesyon ko dito. Tamang-tama, alo na lang ang gagawa ng kape para kay Dad. "Po? Seryoso po ba kayo Mam?" "Oo naman. Gawin mo na ang gagawin mo. Ako na lang ang mag hahanda ng kape para kay Daddy." Hindi na maipinta ang lawak ng aking ngiti. "Sige po Mam." Nag vow na lang si Sheila at nag papanhik na ito mag lakad palabas ng kusina. Nang kami na lang natira ni Manang Sabel, kinuha at inayos ko na ang aking mga kailangan para sa pag-timpla nang kape para kay Daddy. Lingid kasi sa kaalaman na mahilig talaga si Daddy uminom ng kape at nakuha ko na rin ang gusto nitong lasa at texture. Pinag aralan ko talaga nang maigi na makuha ang tamang lasa na kaniyang gustong inumin. "Mukhang ang tamis ng ngiti mo Mam Cassie?" Saad ni Manang na napansin nito ang ngiti sa aking labi. Sinimulan ko nang tumimpla para maihatid na kaagad iyon sakaniya. "Oo naman po. Galit po kasi Daddy sa'kin, non'g inaya ko si Ate Clover sa Mall ng naka raang araw, kaya't gusto ko siyang timplahan para naman maka hinggi ako nang sorry sakaniya." Saad ko dahil hanggang ngayon masama pa din ang loob niya sa'kin at hindi pa rin ako iniimik. Well, sanay naman ako, na malamig ang trato niya pero hindi pa din ako sumusuko hanggang sa magustuhan niya din ako. "Napaka bait mo naman na bata... Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kong bakit napaka layo nang loob sayo ng Daddy mo. Kong totoosin mas mahal niya ang ate Clover mo, na kahit gumawa ka nang tama, pero mali pa din sa paninggin niya.." Anito na ako'y matigilan. "Pareho niya kami mahal ni Ate, Manang.. Kilala mo naman si Daddy masakit lang mag salita, pero alam kong mahal niya din ako." Matamis kong ngiti dito.. Sa wakas natapos ko na din magawa ang tinitimpla ko at nilagay iyon sa tray. "Sige Manang ibibigay ko na po ito sakaniya." Tumanggo ito sa'kin at excited akong lumabas ng kusina para ibigay iyon kay Daddy. Ginala ko ang aking tingin para hanapin si Daddy pero hindi ko siya makita. Asan kaya siya? "Sandali Inday, si Dad?" Pigil ko sa katulong na dumaan lamang sa tabi ko. "Nandon po Mam sa kabilang sala." Anito at hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi habang tinunggo ang ikalawang sala namin. Malawak talaga ang bahay namin, na kahit mag laro kayo ng taguan at mag habulan sa loob ng bahay namin ay, hindi kayo mag kakasalubong talaga. Naragdagan ang kaba na lumukob sa dibdib ko ng makita ko si Daddy na perinting naka upo sa couch at naka tuon lamang ang kaniyang atensyon sa binabasa niyang dyaryo. Naka-kunot ang kaniyang mukha at nakaka takot ang kaniyang itsura. Kaya kang panginginigin sa takot kapag binigyan kana nito ng matalim na tinig at nakakatakot na boses. Nag pakawala na lamang ako ng malalim ba buntong-hiningga, bago ko ihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniyang kinarooronan. Damang-dama ko ang panginginig ng aking mga kamay sa pag kakahawak ng tray, na pinag papawisan na ang aking palad sa labis na kaba. Nang maka lapit na ako at nilapg ko na ang tray sa bakanteng table na mdali lamang niya iyon maabot. Kamutikan ko ng matilapon ang ginawa kong kape, dahil sa labis na kaba. "Good morning Dad, pinag handan ko nga pala kayo ng c-coffee," kabado kong turan, pero wala man lang akong nakuhang sagot sakaniya na animo'y hangin lang ako sa presinsya niya. Bakit ganito? Bakit ganito ang aking nadarama? "Pasensiya na, kong ako na ang nag hatid sainyo ng c-coffee Dad... Gusto ko lang maka hinggi ng formal na tawad sa'yo sa nangyari no'ng naka raang araw. Pasensiya na talaga Da-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pabagsak niyang nilapag ang hawak niyang newspaper sa table at maka likha iyon ng malakas na tunog. Kulang na lang mapa talon ako sa labis na kaba at takot ng mag tama ang aming mga mata. Nanlilisik ang iyon, na kulang na lang mag lupasay ako sa harapan niya. "Ilayo mo na ang kapeng iyan dahil nawalan na ako nang gana!" Matalim nitong tinig na mapa-piyok ako sa sinabi niya. "P-Po?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Cassandra? Ilayo mo sa'kin iyan at baka kong ano pa ang makuha ko diyan sa tinimpla mo!" Sinuntok ng dibdib ko sa paraang tinig niya. Bakit ganun? Bakit ganun niya ako tratuhin. "Hindi mo iaalis iyan?! Manang!" Tawag nito sa katulong. "P-Po Sir?" Kabado na turan ng katulong sa labis na takot. "Ipag timpla mo ako nang kape! At ialis mo na din ito sa harapan ko!" Padabog na turan nito, at nasaktan ako lalo dahil tinutukoy niya ang ginawa kong kape para sakaniya. "P-Po Sir?" "Anong tinu-tunganga mo diyan?! Iligpit mo na ito!" "O-Opo Sir." "Hindi mo man lang titikman D-Dad? Masarap iyan. Huwag kang mag alala dahil wala naman akong nilagay diyan." Garalgal kong tinig at kinuha ko ang tasa nang kape para iabot lamang iyon sakaniya. "Masarap iyan, kuhang-kuha ko ang gusto mong las---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng padabog niyang tinabig sa aking kamay ang tasa na hawak ko. "Putangina! Hindi mo iyan aalis sa harapan ko?!" Umalingawngaw na sigaw nito at kasabay ang malakas na pag kabasag ng tasa sa sahig na maka likha iyon ng malakas na tinig. "A-Aray!" Daing ko sa sakit ng mapaso ako ng mainit na kape, pero lahat ng iyon tiniis ko ang hapdi at sakit. Pero walang makakapantay ang sakit na aking nadarama nang makita ko si Daddy na ngayon naka tayo sa harapan ko, at kay talim na titig ang pinukulan niya sa'kin! "D-Dad," tawag ko at kasabay ang pamuong luha sa aking mga mata. "Ano ba Cassandra! Ayusin mo nga ang ginagawa mo?! Puro na lang kapalpakan at kamalasan ang dinadala mo sa pamilya kong ito! Kong wala kana man na gagawin na matino, huwag kang mag papakita sa'kin!" Matalim na tinig nito at tila ba kinurot ang puso ko sa katagang binitawan niya. "Ayaw kong lumalapit ka kay Clover at niyaya siya kong saan-saan!" Lumapit siya sa harapan ko at dinuro ako. "Baka mahawa pa siya sa karingkingan mo! Naiintindihan mo ako Cassandra?!" Malakas na asik nito at tinalikuran na ako. Rinig ko ang yabag ng kaniyang paa paaalis, at nanatili lamang akong naka tayo at tulala sa nangyari. "Paki-linis nang kalat Inday! Pesting malas sa buhay ko!" Rinig kong himutok ni Daddy bago siya tuluyang naka alis. Doon na sunod-sunod na pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Mam Cassie, ayos ka lang po? Nasaktan ka ba?" Tinig ni Inday at napa hawak na lang ako ng mariin sa aking kamay na ngayon namumula na ito sa sakit. Bakit ganun? Bakit Daddy? Bakit malas pa din ako sa paningin mo? Kaylan ba ako magiging tama sa'yo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD