Chapter 2

3552 Words
Chapter 2 CASSIE'S POV "Ate?" Tawag ko sa pangalan ng ate Clover ko. Mainggat ako nag lakad papasok sa kaniyang silid at labis akong nalungkot dahil nakita ko ang kapatid ko na naka higa at napaka tamlay. "Ate? Kakain na daw tayo ng tanghalian." Aya ko sakaniya pero hindi pa din ito sumagot at uminggos man lamang. Labis akong nasasaktan at nalulungkot, na makita itong labis na naapektuhan sa break-up nilang dalawa ni Kuya Leo. Hindi naman kasi pala-kwento si Ate Clover, nang mga bagay-bagay sa aking mga magulang. Sa'kin lamang siya nag ku-kwento kaya't paminsan alam ko din ang tunay nitong nararamdaman. Saksi din ako sa pag mamahalan nilang dalawa ni Kuya Leo na mahal na mahal nila ang isa't-isa, na hindi na nga sila napag-hihiwalay noon. Buong akala ko, silang dalawa na talaga ang mag kakatuluyan, at labis akong nagulat nang sabihin sa'kin ni Ate na wala na silang dalawa. Hindi ko alam kong anong rason ng kanilang break-up, tikom pa din ang bibig ni Ate Clover. Ayaw ko na siyang kulitin pa sa bagay na iyon dahil ayaw ko na siyang masaktan pang muli. Nag lakad ako patungo sa direksyon nito at huminto ako sa gilid ng kama na madali niya akong makita. "Ate, bumangon kana diyan. Labis na akong nag alala sa'yo dahil kanina ka pa hindi lumalabas. Hindi ka din kumain ng almusal kanina." Malungkot kong tinig at bumangon siya sa pag-kakahiga. "Cassie," pag susumbong na tinig nito. Naka tamlay ng kaniyang itsura at mamula-mula din ang mga mata, na galing niya lang sa kakaiyak. "Wala akong ganang kumain. Mauna na lang kayong kumain." Tangka sana itong babalik sa kaniyang kinahihigaan pero hinatak ko na naman siya pabalik. "Ate, naman. Huwag mo namang gawin ito sa sarili mo. Tara na, kain na tayo pretty please?" Nag pa-cute lamang ako para pag-bigyan niya lamang ako. "Wala ako sa mood Cassie," "Bilis na. Gusto ko lang pagaanin ang nararamdaman mo? Ano bang gagawin ko para lang ngumiti kana muli? Ano bang gusto mo? Sumayaw ako?" Sinimulan kong igalaw ang aking katawan para lamang sumayaw sa harapan niya. Hindi kasi ako sanay na makita siyang nalulungkot dahil pakiramdam ko, nalulungkot na rin ako. "Stop Cassie," saway nito sa'kin, pero patuloy lamang akong sumayaw sa harapan niya. Alam kong weakness nito ang aking pag-sasayaw. "Haha! Stop it." Saway nito at napa ngiti ako ng napangiti ito. "Oh ngumiti kana Ate!" Para akong nanalo sa lotto, sa wakas nakita ko na din siyang ngumiti. "Oo na, sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti na, ang tigas ng katawan mo kong sumayaw. Daig mo pa ang alimango katigas." Natatawa nitong tinig. "Oo na, pag tawanan mo pa ako." Napa simangot kong sambit, dahil hindi naman talaga ako marunong sumayaw. Ika nga, matigas ang aking katawan sa pag sasayaw. Kaya't sa tuwing nakikita ako ni Ate Clover, palagi niya akong tinatawanan dahil para daw akong robot. "Sorry Cassie, I can't help it. Haha." Natatawa nitong tinig at umayos ito ng kaniyang pag-kakaupo sa kama at tinignan ako ng diretso. "So ibig bang sabihin niyan, sasamahan mo na kami mananghalian? Siya nga pala Ate, gusto mong mag Mall tayong dalawa? Matagal-tagal na rin simula no'ng nag bonding tayong dalawa. Ayaw kong mag mokmok kana lang dito sa silid mo buong mag hapon." Suhesyon ko. "Okay, I like that Idea.. Gusto mo sa Mall na lang tayo mag lunch at bonding. What do you think?" Pinagalaw nito ang kilay at sumang-ayon naman ako sa gusto niya. "Talaga Ate? Gusto ko iyan." Nag ningning ang mga mata ko sa saya nang sabihin niya ang katagang iyon. "Sige na. Mag ayos kana, at mag-aayos na rin ako!" Tumayo na ito. . "Promise iyan ha? Sandali mag aasikaso ako Ate! Bye!" Binigyan ko siya nang mahigpit na yakap bago lumabas nang kaniyang silid para makapag-ayos. Pasado alas dose pasado at naka rating na kami sa Mall para mananghalian sa favorite naming restaurant. Nang matapos na kaming kumain, sinulit namin ang sandali at oras na mag kapatid na mag kasama at mag-enjoy sa gusto naming puntahan. Nag window shopping, pumunta sa arcade, shopping dito, shopping doon at kong ano-ano pang ginawa namin para lamang malibang man lang kahit ang kapatid ko. Ayaw kong mag mukmok na naman siya pag dating sa bahay kapag naalala niya muli ang nangyari sa kanilang dalawa ni Kuya Leo. Labis kasi siyang naapektuhan sa break-up nilang dalawa. "Wow! This day was a blast!" Tinaas ni Ate Clover ang kaniyang kamay sa labis na saya nang matapos kaming manuod ng movie sa sinehan. Punong-puno din ang aming mag kabilang kamay bitbit ang mga paper-bag na aming pinamili namin sa sikat na mga stores sa Mall. "Thank you so much Cassie, dahil napa saya mo ako kahit sandali man lang." Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. "Look twinning pa tayong dalawa sa nails!" Pinakita nito ang kaniyang kamay. Kanina kasi galing sila sa salon at nag paayos na rin sila ng kanilang buhok at kuko. Napa ngiti ako, na pinag mamasdan si Ate Clover na hindi na maipinta ang saya sa kaniyang labi. "Ate?" "Hmm?" Dapat ko bang sabihin sakaniya ang nangyari sa'aming dalawa ni Kuya Leo? Pano kong magalit siya sa'kin? Pano kong kamuhian niya ako? Ayaw kong sirain ang araw na ito, na masaya siya. Ayaw kong masaktan kapag sinabi ko sakaniya ang totoo. "Ano iyon Cassie?" "Wala ate." Peke na lang akong ngumiti at pinakita na wala lamang iyon. Napa tingin ako sa relo, ganun na lang ang gulat ko ng makita na pasado alas otso na nang gabi. Hindi namin namalayan na ganun pala kabilis ang oras. "Kailangan na nating umuwi ate, late na rin pala." "Hm sige." Sabay na silang nag lakad umuwi. Pasado alas nuwebe na sila naka rating nang Mansyon dahil narin naipit pa sila sa byahe, "Good evening Mam." Bati sakanila ng katulong ng maka pasok sila. Abala din ang mga katulong sa kanya-kanya nilang ginagawa. "Paki-dala na lang nito Manang sa room ko, nangangalay na kasi ang kamay ko sa buong oras na hawak ito." Binigay ni Ate sa katulong ang paper-bag. "Sige po Mam. Siya nga po pala Mam, kanina ka po hinahanap ng iyong Daddy." Anito. "Ganun ba? Sabihin mo na lang na naka-uwi na ako. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Maliligo lang muna ako saglit." Bumaling sa'kin si Ate. "Cassie, akyat muna ako ha? Maraming salamat, at nag enjoy ako nang husto. Thank you sis!" Nag flying-kisses pa siya sa'kin bago umakyat sa hagyanan. Sinundan ko na lang si Ate Clover hanggang sa mawala siya sa aking paningin. "Janine?" Tawag ko sa katulong sa isang tabi. "Po Mam?" Mabilis siyang tumungo sa direksyon ko at nag vow para mag bigay galang. "Nandiyan po ba si Mom?" "Nasa silid po at nag papahingga po Mam Cassie," napa tingin ako sa hawak ko na paper-bag at gusto ko sanang ibigay sakaniya ang binili ko para sakaniyang regalo. Tiyak na magugustuhan niya ito at sabik na akong ibigay ito kay Mom. "Good evening po Sir." Bati ni Janine sa bagong dating at naka tingin ito sa likuran ko. Nilingon ko naman at nakita ko si Dad na naka tayo sa harapan ko. Naka kunot ang kaniyang noo at hindi ako naka ligtas sa mapa-nuri niyang pag titig sa'kin, mula ulo hanggang paa. "Dad, good evening po." Masaya kong bungad kay Daddy at lumapit ako sakaniya para bigyan siya nang halik sa pisngi. "Dad, binilhan ko nga pala kayo ng gif---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang binigyan niya ako nang malakas na sampal sa pisngi na labis ko naman kinabigla. Damang-dama ko ang malakas na pag kakasampal niya sa'kin na nahilo ako sa lakas nang-impact. Tila ba kinurot ang puso ko na napa baling kay Dad na ngayon umaapoy ang mga mata niya habang naka titig sa'kin? Bakit? Anong kasalanan ko? Bakit galit na naman siya sa'kin? Tila ba may naka pasan na mabigat sa aking dibdib na hindi ako maka- hingga, na pinag mamasdan siya na walang bahid na emosyon sa mga mata. "Saan ka galing? Saan kayo galing ni Clover ha?!" Umalingawngaw ang malakas na tinig nito, na ako'y maka dama nang hindi tama. "P-Pumunta lang kami Dad ni Ate sa Mal----" "Hindi ko kailangan ang paliwanag mo! Hindi mo ba alam kong anong oras na?! Putanginang, oras pa ba ito ng uwi ng matitinong babae?!" Bawat katagang lumalabas sa kaniyang dibdib, lahat ng iyon tumarak sa puso ko. "Pasensiya na po D-Dad, naipit lang po kami sa b-byahe kaya't ngayon lang kam----" "Putangina! Sasagot ka pa!" Anito at dinuro niya ako. "Sa susunod huwag mong yayain si Clover kong saan-saan baka mahawa pa siya ng kalandian mo!" Malakas niyang asik sa'kin at tila ba kinurot ang puso ko sa katagang binitawan niya. Bakit ganun? Bakit ganun ang tingin niya sa'kin? "Ayaw ko nang malaman na lumalapit ka pa sakaniya! Huwag mo siyang itulad sa'yo! Naiintindihan mo ako Cassie?!" Inis siyang nag martsa paalis at naiwan akong tulala at kasabay nang pag agos nang luha sa aking mga mata. Bakit Dad? Bakit kasalanan ko na naman? Gusto ko lang naman mapa saya ang kapatid ko? Bakit anong gawin ko? Mali pa din ako sa paningin mo? LEONARDO'S POV "Ts, hindi mo ba sasagutin ang tumatawag sa'yo? Kanina pa iyan ha?" Iritadong tinig ng kaniyang kaibigan na si Connor at sinulyapan niya ang phone ko na naka lapag sa bar counter, at kanina pa tumatawag. Kinuha ko iyon at bahagyang silipin, at si Clover lang pala iyon. "Ts. It's Clover." Iritado kong tinig at pabagsak kong nilapag ang phone ko, at hinayaan lamang patuloy itong nag vibrate. "Talaga bang wala nang pag asa sainyong dalawa? Sayang naman pare, mahigit tatlong taon na kayong mag kasintahan. Kong ako sa'yo i-save niyo dahil ako nag hihinayang sa pag sasama niyo." Cool na turan ni Connor. Connor Hughes, ang kaniyang matalik na kaibigan. Pag ma- may-ari ng isang sikat na MCH Corporation, na pinapamala nito. Connor was cold blooded beast, at wala itong sinasanto na kahit na sino na gusto niyang kalabanin. Gagawa siya nang paraan para lamang makuha ang kaniyang wants, and his desire. Sa labis na matinik ng kaniyang kaibigan, he even kidnapped the Mayor's only daughter and keep it, as his hostage. Nandito sila sa paborito nilang Bar, para lamang mag pakasaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pasado alas singko pa lang nang hapon pero, marami na kaagad ang mga taong nag iinum sa iba't-ibang parte ng Bar para aliwin lamang ang kanilang sarili. "Kong nasasayang ka, di ikaw ang mag patuloy nang relasyon namin!" Iritado kong tinig. "Whoa easy bro, hindi ako ang kaaway mo ngayon ha?" Napa iling na lang ako sa sinabi nito at nilagok ko ang alak. Napa-pikit na lamang ako ng malasahan ang pait at tapang na nanunuot sa aking lalamunan. Gusto kong maka limot kahit sandali lamang. "Kamusta pala ang bakasyon mo sa Zambales? Rinig kong mahigit dalawang araw ko doon. Kamusta? Nag-enjoy ka ba?" Anito. "Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka doon, para nasamahan kita hindi ba? Tiyak na maraming mga magagandang babae doon!" Pinagalaw nito ang kaniyang kilay. "Ts, boring!" "Paano naman naging boring? Sa pag kakaalam ko, maganda doon." Sambit ni Lucas Walker, na halatang kanina pa nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. "Siya nga pala, sabi sakin ni Lara, nakita niya sa Zambales si Cassie, hindi ba kayo nag kita doon? Diba siya iyong kapatid ng ex-girlfriend mong si Clover?" Seryosong tinig ni Lucas at umayos siya nang pag kakaupo sa silya. Shit! He's Lucas Walker, he owns Hotel, Casino, and Company all over the world. Siya ang tipong lalaki na bihira mo lamang maka-usap at mag bigay nang opinyon. "s**t. Seryoso? Sandali hindi ba kayo nag kita doon ni Cassie?" Anito ni Connor, na kilala din ng mga ito si Cassie, nang minsan kong sinama ito sa bakasyon namin ni Clover noon. "Maganda din si Cassie. She's innocent and beatiful. Sa mukha pa lang ni Cassie, she's f*****g good in be--" hindi na natapos ni Connor ang kaniyang sasabihin ng binigyan ko siya ng matalim na titig. f**k. "Ayusin mo ang pananalita mo Connor!"matalim kong tinig. Ewan ko ba kong bakit ganun na lang ang aking reaksyon ng sabihin niya ang bagay na iyon! Ayaw kong ganun-ganun na lang ang dalaga sa harapan ko! "What? Easy bro." Tumayo na ako sa aking kina-uupuan. "Nawalan na akong gana!" Nilapag ko ang blue bills sa table at iniwan ko na silang dalawa. "Sandali? Saan ka pupunta Leo? Leo?" Rinig kong tawag sakin ni Connor pero hindi ko na sila pa, tinapunan nang tingin pa. Bagkus taas-noo akong nag lakad palabas ng bar. What the f**k is wrong with me? Yea, mahal ko si Cassie. Una ko pa lang siyang makilala, ewan ko ba kong bakit tumibok ang puso ko. Maganda siya, simpleng manamit. Kahit ang kaniyang galaw at kaniyang pag sasalita, ay napaka hinhin. There's something, on her that make me like this! Akala ko normal lamang ang aking nadarama, at pilit kong kinalimutan ang pag mamahal ko sakaniya. But every time, na napapalapit ako sakaniya, lalo lamang akong nahuhulog. Shit! Niluwagan ko ang tie na aking suot at dire-diretso na akong nag lakad palabas nang Bar. "The fuc----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may humawak sa'king kamay. Nakita ko si Clover sa harapan ko. What the f**k? "Clover?" "We need to talked Leo!" Final na tinig nito. "Wala na tayong dapat pang pag usapan pa Clover." Diretso na akong mag lakad para iwan lamang ito at hinigit nito ang aking kamay. "Ano ba?!" "Meron... Meron tayong dapat pag usapan. It's about us Leo." Pagak akong napa tawa sa kaniyang sinabi. "Us? Wala na tayo Clover. Baka nakakalimutan mo, break na tayo 2 weeks ago. Remember? Wala na tayong dalawa." Final na tinig ko at nalungkot ito sa sinabi ko. "Ikaw lang ang may gustong mag break tayong dalawa pero hindi ako pumayag sa gusto mo hindi ba?" Pang kukulit pa nito muli sa'kin. "Please pag-usapan natin ang bagay na ito. Sabihin mo sa'kin ano bang mali? Ano ba ang nagawa kong pag kakamali? B-Babaguhin ko, para lang bumalik ka lang sa'kin Leo. Ayusin natin ang relasyon n-nating dalawa. Please come back to me." Pag mamakaawa nitong tinig at nag simula na itong umiyak sa harapan ko. What's this? Yea. I already broke up with her, because I'm tired. Pagod na ako. Alam kong mali ang mag kaguto sa kapatid niya, kaya't ako na lang ang nakipag-break sakaniya dahil ayaw ko na siyang masaktan. I'm out of love on her. Yea. That's exist. Nang sumapit ang ika dalawang anniversary naming dalawa, tuluyan nang nawala ang pag mamahal ko para sakaniya. Pero pinag patuloy ko ang aming relasyon at umabot pa nang mahigit tatlong taon, dahil umaasa akong babalik pa muli ang nararamdaman ko para sakaniya. Baka nadadala lamang ako, dahil napa baling na ang atensyon ko sa iba. Pilit ko na lang sinasalba ang relasyon namin at binalik ko ang sarili ko bilang nobyo para sakaniya. Pero hindi na eh. Kaya tuluyan na akong nakipag-break dahil ayaw ko na siyang masaktan pa. Ayaw kong mag dusa pa, kapag pinag-patuloy ko lamang ang aking pag-papanggap na masaya ako sa aming relasyon, kahit ang totoo hindi na ako masaya. Ayaw ko na ring lokohin pa ang sarili ko. Maayos akong nakipag-break sakaniya. But she keeps, coming back. Patuloy niya pa din akong kinukulit! Alam kong mali ako. Aaminin ko iyon, hindi naman ako nag mamalinis! Pero ayaw ko na siyang masaktan, kaya't ginagawa ko ang bagay na ito! "Alam mo naman ang maisasagot ko diyan hindi ba? Walang mali sa'yo Clover, because you are perfect. Mabait ka, malalahanin. Na sa'yo na ang lahat ng katangian.." malumanay kong saad. 'Ako ang may mali Clover.. Kaya't sana, please ayaw ko nang saktan ka, kaya ako na mismo ang umiwas." Nanatili pa din siya naka tayo sa harapan ko at walang bahid ng emosyon. "I'm sorry, pero hanggang dito na lang tayo siguro Clover, tanggapin mo na rin na hindi na tayo babalik pa sa dati. Pasensiya na." "No, no. Don't do this to me hm?" Hinawakan niya ang aking kamay at kasabay ang pag bagsak ng luha sa kaniyang mga mata. "Mahal na mahal kita L-Leo. Please, huwag mo naman akong saktan nang ganito.. Hindi ako naniwala na 'out of love kana sakin kaya't iniwan mo na ako. Baka kaya pa nating i-save ang relationship n-natin. Ayaw kong mawala ka sa'kin Leo. Please." Patuloy na pag-iyak nito sa harapan ko at inalis ko ang kamay ko na hawak niya, na labis niya naman kinagimbal. "I'm so sorry Clover." Saad ko at nag simula na akong mag lakad para iwan siya. "Bakit may iba k-kana bang mahal?" Napa tigil ako sa pag lalakad nang marinig ang katagang iyon. "May iba na bang babae ang nag papasaya sa'yo? May iba p-pa bang babae ang mas higit pa para sakin kaya't iniiwan mo ako sa ire? Ganun ba 'yon Leo?" Pagak niyang asik at rinig ko ang yabag ng kaniyang paa palapit sa'kin. Huminto siya sa harapan ko at sa pag kakataon na ito, puno ng galit ang kaniyang mga mata. "Sagutin mo ako Leo! Diba iniwan mo ako dahil may iba nang babae na nag papasaya sa'yo?!" Malakas niyang tinig at malamlam ko siyang tinigan. Nabalot nang katahimikan sa panig naming dalawa at puno ng sakit ang gumuhit sa kaniyang mga mata."So totoo nga?" Basag na tinig nito at kasabay ang pag-agos muli ng luha sa kaniyang pisngi. "So, may iba kang mahal! I hate you! I hate you Leo!" Malakas niyang sigaw at hinampas niya nang paulit-ulit ang aking dibdib. "Bakit mo nagawa ito sa'kin ha? B-Bakit? Akala ko mahal na mahal mo ako? Pero bakit g-ganito ang ginawa mo sa'kin? B-Bakit?" Patuloy nitong pag-iyak at inis kong hinuli ang kaniyang pulsuhan. "Stop it Clover. Ano ba!" "Hinding-hindi kita mapapatawad Leo!" Matalim niyang tinig at binawi nito ang kaniyang kamay. Sa huling pagkakataon, buong talim niya akong tinignan at nag martsa siya paalis. Sinundan ko na lang siya ng tingin palayo, at napa sabunot ako sa aking buhok sa labis na iritasyon. Fuck! CASSIE'S POV "Good evening Manang." Bati ni Manang ng maka rating ako sa bahay. Pasado alas siyete pa lang ng gabi, at kakauwi niya lamang sa pinag- applyan niyang trabaho. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan sa mag hapon, na mag hanap ng pwedeng pasukan. "Good evening din Mam Cassie." Anito. "Kumain na po ba kayo Mam? Ipag hahanda ko kayo ng makakain." "Mamaya na siguro Manang dahil busog pa din ako eh. Kakain na lang ako mamaya. Sige, maiwan ko na kayo." "Mam?" Aalis na sana ako ng marinig itong muli mag salita. "Hmm?" "Nakita ko kasi si Mam Clover na umiiyak kanina, nauna lang siya ng ilang minuto sa'yo umuwi." Ha? Umiiyak ang Ate ko? Bakit naman kaya? "Talaga? Ang Ate Clover ko?" "Opo Mam." Natigilan ako nang marinig ang malakas na pag kabasag ng kong ano sa itaas, at kasabay ang malakas na sigaw ng Ate ko. "Ate?" Anito ko sa labis na takot. Anong nangyari?. "Ako na ang bahala sakaniya Manang." Kabado kong turan. Nag mamadali akong umakyat sa silid para puntahan lamang siya. Gusto kong alamin kong ano ang nangyayari sakaniya. Mabilis akong kumilos papanhik sa kaniyang silid. Nang malapit na ako, doon ko narinig ang mas malakas at klarong sigaw at sunod-sunod na binabato ang mga gamit sa loob nang silid nito. "Ate?" Tawag ko, at labis akong nasindak ng makita ang mga basag na mga gamit sa loob ng silid ng kapatid ko. "Ahhh!" Malakas na sigaw ni Ate at binato nito ang figurines sa pader, at umalingawngaw ang malakas na pag kabasag no'n. "Please stop!" Saway ko at lumapit ako sakaniya para pigilan lamang ito sa ginagawa niya. Labis akong natatakot at baka kong ano ang gawin niya sa sunod. Hinawakan ko ang kanyang mag kabilang balikat at hinarap siya sa'kin. "Ano bang nangyayari sa'yo Ate? Talk to me hmm?" Napaka gulo ng buhok nito at kumalat na ang mascara nito sa dulot na pag-iyak. "C-Cassie, ayaw ko nang mabuhay." Anito at kasabay ang pag bagsak ng luha sa mata nito. "Bakit ano bang nangyayari sa'yo ate? Bakit may problema ba?" "Ayaw na sa'kin ni L-Leo." Tila ba balisa na tinig nito. "M-May mahal na siyang iba C-Cassie. Hindi niya na ako mahal, ang saya diba? Mahal na mahal ko siya pero, iba pala ang gusto niya.. B-Bakit niya nagagawa ito sa'kin? Bakit? Hindi ko matanggap Cassie. Sobra na akong nasasaktan." Anito at niyakap ko siya nang mahigpit. Naiiyak na rin ako na makita siya nag kakaganito. Gusto ko din iparamdam sakaniya, na hindi siya nag iisa. May isang taong kayang damayan at makinig sakaniya. "Ginawa ko naman ang lahat p-pero bakit ako pa din ang t-talo? Bakit ako pa ang nahihirapan nang ganito Cassie?" Hinaplos ko ang kanyang likod at patuloy nitong pag hikbi sa aking balikat. "Tahan na ate. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." "Mapapatay ko ang babaeng iyon Cassie!" Puno nang gigil na tinig nito. "Hindi ko mapapatawad kapag nalaman ko lang kong sino ang mahal ni Leo! Mapapatay ko siya! Inagaw niya sa'kin ang mahal ko!" Buong diin na tinig nito at doon na ako natigilan sa katagang binitawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD