Chapter 4

1942 Words
Chapter 4 CASSIE'S POV "Kamusta na Cassie?" "Ito okay lang naman ako Eunice." Kasalukuyan nasa paborito sila ngayon na Cafe. Ginala ko ang tingin sa paligid at konti lamang ang tao na naroon ng sandaling iyon dahil mag alas dos pa lang nang hapon. Napili nilang maupo sa two-seater seat na malapit sa glass windows na tanaw na tanaw nila ang taong nag daraan sa paligid, at mga sassakyan. Pinatong ko ang aking siko sa lamesa at malayang pinag mamasdan ang tao na nag daraan. "Oh bakit ganiyan ang mukha mo? May problema ba?" Tinig ni Eunice dahil sa kanilang mag kaibigan, ito lang talaga ang malapit sakaniya "Nag alala ako sa kapatid ko." Tumingin siya sa kaibigan na hindi pinutol ang titig sa'kin. "Hanggang ngayon hindi pa din siya lumalabas sa kaniyang silid. Labis siyang nasaktan sa break-up nila ni Kuya Leo." "Kawawa naman pala ang kapatid mo. Ano ba daw ang dahilan ng break-up nilang dalawa?" Nag kibit-balikat na lamang ako sakaniya. "Hindi ko din alam eh. Hindi ko pa nakaka-usap hanggang ngayon si Ate Clover." Kinuha ko ang tasa ng kape, at marahang sinisimsim ang laman noon. "Sana maging maayos din siya Cassie. Siya nga pala bakla, kamusta ang pag hahanap mong trabaho?" Nilapag niya ang tasa ng kape at tinitigan ang kaibigan. "Ito nag job-hunting pa rin ako, pero hanggang ngayon wala pa din akong natanggap na message o tawag sa mga inapplyan ko. Parati nilang sinabi sa'kin na tatawagan na lang raw ako doon," napa-nguso kong saad. Ganun din ang parating sinasabi ng mga inapplyan kong mga trabaho na, tatawagan na lang ako, pero hanggang ngayon wala pa din. Nag hanap rin ako ng hiring sa internet at alam kong nag hahanap ng trabaho, pero wala din nangyayari. Hindi ko alam na napaka hirap pala mag hanap ng trabaho. "Bakit hindi kana lang kasi pumasok na trabaho sa kompaniya niyo? Diba marami naman kayong business diba? May sarili din na kompaniya ang Daddy mo." Suhesyon nito na mapa-labi ako sa sinabi niya. Well totoo nga naman siya sa sinabi niya, pero ayaw ko pa rin. "Sa katunayan nga sa kompaniya niyo din nag tra-trabaho ang Ate Clover mo. Bakit mo ba kasi pinapahirapan ang sarili mo Cassie sa pag hahanap ng trabaho, na abot kamay mo na ang trabaho oh. Tamang-tama sa kompaniya niyo na lang ikaw." "Ayaw ko." "At bakit naman?" Pinanlakihan niya ako ng mata at umayos ako nang pag-kakaupo. "Gusto kong mag hanap ng trabaho, na walang tulong ng mga magulang ko Eunice... Ayaw kong umasa na lang ako sakanila, na maka pasok ako sa gano'ng posisyon dahil anak ako ng may-ari ng kompaniya.. Gusto kong mag sumikap, na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa." Tumango na lang ito sa aking sinabi, "Correct ka diyan bakla. Siya nga pala, maiba tayo. Ano palang nangyari sa'yo no'ng gabi na pumunta tayo sa Zambales?" Anito na natigilan ako sa sinabi nito. Ewan ko, bigla akong kinabahan ng buksan niya ang topic na iyon.. "Grabe ka bakla, wala ka man lang na iku-kwento sa'kin? Anong nangyari sainyong dalawa ni Leo?" Bahid ng pag uusisa nito. Hindi ako naka ligtas sa mapa nuri at nangingilatis niyang pag titig sa'kin. Alam niya? May alam ba siya? Ganun na lang ako kinabahan sa naging tanong niya sa'kin. "H-ha? Wala. W-Walang nangyari s-saamin ni Leo." Nag kadabuhol-buhol na ang aking salita, sa labis na panic. "Meron bakla." Sumilay ang nakaka lokong ngiti sa labi nito na pang-hinaan ako. "Alam ko kaya ang nangyari sainyong dalawa ni Leo. Akala mo, hindi ko alam iyon?" Umayos siya sa pag kakaupo at pakiramdam ko naubusan na ako ng dugo sa katawan. Alam mo Eunice? Paano na ito? Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko aakalain na malalaman niya ang nangyari sa'ming dalawa ni Leo. "Pasensiya na Eunice, lasing lang talaga ako nang gabing iyon. A-At tapos ayon may nangyari saming dalawa ni Leo." Napa-sapo ko sa aking mukha. "What? May nangyari sainyong dalawa ni Leo?" Kong may iinom sana ito nabuga niya sa harapan ko. "You mean, ikaw at si Leo n-nag s-s*x?" Napa tutop ito sa labis na gulat sa sinabi ko. Sandali. Ano ito? "Akala ko, alam mo E-Eunice? Hindi mo a-alam?" "Hindi noh?" Tila ba, binagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. "Ang gusto ko lang sabihin kong anong nangyari sainyo ni Leo. Yong dare namin sa'yo na sexy dance, 'yon ang tinatanong ko sa'yo.... Ang gaga mo bakla, may iba pa palang nangyari sainyong dalawa? Grabe ha? Hindi kita kinakaya." Napa-sapo na ito sa mukha, sa nakaka gulat na balita na kaniyang narinig. "I'm so sorry Eunice, hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isipan ko nang sandaling iyon. Lasing na lasing din ako." Tuluyan na nga akong napa-amin sa aking kaibigan. "Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sayo bakla, ginulat mo naman ako masyado. So ano nagawa mo ba? Nakuhanan mo ba ng video yung sexy dance mo kay Leo?" "Oo nagawa ko Eunice, na record ko sa phone ko ang buong nangyari, na nag sexy dance kay Leo. Tapos ayon pagkatapos no'n, na may nangyari na saming dalaw---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin na tila ba sinuntok ako sa aking naalala. Nabalat ang aking puso nang may maalala akong isang bagay. No. Hindi pwede. "You mean, nakuhanan din sa video ang s*x video niyong dalaw---" hindi, na natapos ni Eunice ang kaniyang sasabihin, ng mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag. Hinaloghog ko ang laman ng aking bag para lamang mahanap ang phone ko sa loob. "Bakit Cassie? Oh my god!" Gusto kong malaman, na mali lamang ang aking iniisip. Mali, na nakuhanan ko ang pangyayari na nangyari sa'min ng gabing iyon. Nakuha ko na ang phone ko sa bag at nanginginig ang aking kamay na, binuksan ang phone at napunta ako sa gallery para lamang tignan kong may nakuhanan ba akong record at wala. Sa bawat segundo na lumilipas, lalo akong kinakain ng takot at pangamba sa aking puso. Huwag naman sana. Huwag naman sana nakuhanan ng video lahat. Nakita ko ang latest video sa gallery ko na nag consist lamang ng almost 20minutes. Sandali? Ito na ba iyon? Malimit lamang ako mag karoon ng video sa aking phone, pero malakas ang kutob ko na ito na nga ito. Pero bakit? Bakit napaka haba? Nilunok ko ang laway sa aking lalamunan at nanginig na pinindot ng play button ang video. At tuluyan na akong nanghina sa aking kina-uupuan nang makita lamang iyon. Hanggang nakuhanan nga ang pangyayari na sinet-up ko ang phone ko, at ilang minuto pa dumating na si Leo sa silid. Doon na ako nag simulang sumayaw sa harapan ng binata, ng sexy dance. Hindi ko kinayang panuorin ang aking ginagawang pag sayaw sa harapan ng binata. Iba pa rin pala sa pakiramdam, na makita ko ang aking sarili na inaakit ito. Nag tagal lamang ng almost 5 minutes ang video, at nakuhanan pa nang umiyak ako sa kandungan ng binata ng matapos ko ang aking sayaw. Ito na ang pagkakataon na kinausap na ako ni Leo na ihahatid niya ako sa Cabin. Maya-maya pa nag simula na kaming mag halikan sa video at inalis ng binata ang saplot sa aking katawan. Nabitawan ko ang phone ko sa table na maka likha iyon ng tunog, dahil hindi ko na kaya pang panuorin pa kong ano man ang sumunod na nangyari.. "Bakit anong nangyari Cassie? Cassie?" Tinig ni Eunice at lumapit siya sa'kin. Doon na namuo ang luha sa aking mga mata dahil hindi ko na kaya. Ang tanga-tanga ko. Bakit ko ba kasi ginawa ang bagay na iyon? Bakit? Kinuha ni Eunice ang phone ko, at tinignan iyon na patuloy na nag pla-play. Rinig na rinig ko ang unggol naming dalawa ni Leo sa video, "Please t-tama na." Naiiyak kong sambit habang naka-takip sa aking taenga dahil ayaw ko ng pakinggan pa kong ano man ang nangyari sa'ming dalawa. "Oh my god Cassie." Tuluyan na akong mapa-iyak sa harapan nito. "Eunice, hindi ko sinasadya. H-Hindi ko ginusto ang bagay na ito.. N-Nadala lang ako ng emosyon ko, pero alam mo naman na matagal ko ng gusto si Kuya Leo diba?" Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa aking mga mata. "Kahit mahal ko siya Eunice, lumayo ako dahil lamang sa kapatid ko. N-Natatamot ako Eunice, natatakot ako. P-Paano na lang kong malaman 'to ng kapatid ko? Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw kong magalit siya sa'kin. B-Baka sabihin niyang inagaw ko sakaniya si Kuya Leo. Inagaw ko si Kuya L-Leo sakaniya E-Eunice.." Hinawakan ni Eunice ang aking pisngi at pinunasan niya ang aking luha. "Shh, huwag kanang umiyak." Patahan nito sa'kin. "Wala kang kasalanan okay? Diba sinabi mo sa'kin na dalawang linggo na silang break? Wala kanang kinalaman pa doon Cassie." Anito na mapa titig ako sa mukha ng aking kaibigan na may bakas na din ng pag-alala. "Wala kang sinira na relasyon okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo, dahil break na sila no'ng may nangyari sainyong dalawa ni Leo." Anito. "A-Anong gagawin ko Eunice? Lalo ngayon nasasaktan pa din si Ate sa break-up nilang dalawa.. Paano kong malaman niya ang nangyari sa'aming dalawa?" "Hey calm down okay?" Pag papakalma nito sa'kin. "Wala siyang malalaman unless, hindi tayo mag salita. For sure, hindi rin mag ku-kwento si Leo, tungkol sa nangyari sainyong dalawa, hindi ba? Naka-usap mo na pala siya?" Umiling na lang ako "Hindi pa Eunice. Simula no'ng may nangyari saming dalawa, hindi ko na siya muling nakita at naka-usap pa." "Tiyak na malaking gulo nga 'to kapag nag kataon na malaman nila. Lalong-lalo na ang Ate Clover mo, tiyak na aawayin ka niya kapag nag kataon." Ewan ko ba, kong bakit bigla akong natakot sa sinabi ni Eunice. "Wala siyang malalaman Eunice. Hindi malalaman 'to ni Ate." Final na tinig ko at kinuha ko ang phone ko na hawak niya. Nanginig kong dinelete ang video. "Promise me, that you won't tell this to anyone Eunice. Kahit na rin kay Ate." Hinawakan ni Eunice ang aking kamay at marahang pinisil iyon. "Oo, makakaasa ka Cassie." Ngumiti siya sa'kin, na napanatag ang aking kalooban. Nag tagal lamang ng ilang oras pa ang pag-uusap nilang dalawa ni Eunice, hanggang nag kayayaan na silang dalawa na umuwi. "Ihahatid na kita Cassie," "Huwag na Eunice may dadaanan pa kasi ako, at isa pa tumawag na ako sa driver na mag papasundo ako." "Are you sure? Okay ka lang ba talaga?" Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon dito. "Oo, okay lang talaga ako Eunice." "You can count on me Cassie, kong kailangan mo nang kausap tawagan mo lang ako ha? Pasensiya na kong kailangan ko nang umalis dahil emergency din kasi sa bahay." "Naiintindihan ko naman iyon Eunice." Lumapit siya sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Siya na ang unang kumalas sa pag-kakayakap naming dalawa. "Tawagan mo ako kapag naka-uwi kana ha? Ingat ka ha? Bye!" Sumakay na siya sa sasakyan na naka parada lamang sa gilid nang shop at maya'-maya pa tuluyan na itong maka-alis. Nag pakawala lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at inayos ko ang hawak kong chanel bag. Humarap sa kabilang dako para mag lakad, dahil may daraanan pa akong shop. Nawala ang aking matamis na ngiti ng makita kong sino ang naka tayo sa aking harapan. Buong seryoso at lamig niya ako tinitigan, na mawala ang dugo sa aking katawan nang unti-unti kong makilala kong sino ito. Sandali. Anong gagawin ko? "K-Kuya Leo?" Yan na lang ang aking nabigkas, habang naka titig sa walang bahid na emosyon sa kaniyang mga mata. Sandali. Hindi ba ako nananginip? Talaga bang nandito siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD