Chapter 3

1573 Words
Chapter 3   Thana's P. O. V.   Nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko. Mahirap lang din siya kagaya namin pero gawa sa bato ang bahay nila. Buo ang pamilya niya pero may cancer ang kaniyang ama kaya kailangan nila ng pera pampagamot, tatlo silang magkakapatid. Ang ate ng kaibigan ko ay nakapangasawa na ngunit naghihirap pa rin, ang kaibigan ko ang pangalawa at ang bunso nila ay limang taong gulang pa lang.   "Thana," tawag sa akin ng kaibigan kong si Ophelia.   Napangiti ako nang salubungin niya ako. May hawak siyang bote ng tubig at binigay sa akin.   "Wala nang natirang pagkain, iyan na lang," aniya.   "Okay lang, pasensya ka na, palagi ako sa 'yo umaasa," sabi ko.   Hindi siya kagaya ko, nag-aaral siya ngayon samantalang ako ay nagtatrabaho lang. Dahil sabado ngayon ay wala siyang pasok kaya pumupunta ako sa kaniya.   "May bago tayong trabaho, napadaan ako sa tindahan sa palengke, naghahanap sila ng bantay, sabi ko tayong dalawa, kaso minor, pumayag sila."   Napangiti ako.   "Salamat talaga, magkano naman ang sweldo doon?"   "Isang maghapon, isang daan," aniya.   Tumango ako.   "Pwede na," sabi ko.   Si Ophelia ang kaibigan ko simula noon. Halos limang taon na kaming magkasama. Nakilala ko siya noong nakatrabaho ko siya sa isang gulayan, kailangan niya kasi ng pambaon at doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.   "Nga pala, may sinasabi si Mama tungkol sa akin. May kausap na bakla si Mama tapos sabi sila na bahala sa akin pero babayaran nila si Mama sa sahod ko," sabi ko.   "Ibebenta ka ng Mama mo?" gulat niyang tanong.   Nagkibit-balikat ako. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang balak nila sa akin. Hindi klaro ang mga narinig ko mula sa kanila.   Nakarating kami sa palengke at masaya kami ni Ophelia na magtinda dahil tulungan kami. Ganito kami palagi tuwing wala siyang pasok sa eskwela. Madalas mag-isa ako kapag may pasok siya. Nangako naman siya sa akin na tutulungan niya ako kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral.   *******   Kinabukasan, paggising ko ay nakita ko si Morana na may hawak na isang cupcake, may kandila ito sa ibabaw at nakasindi ng apoy. Kahit bagong gising ako ay napangiti ako kay Morana.   "Happy birthday, ate."    Nagsimula siyang kumanta ng happy birthday sa akin at hinipan ko ang kandila matapos niya ako kantahan. Humiling naman ako na sana ay maging maayos na ang buhay namin ng kapatid ko at malayo na kami kay Mama.   "Almusal mo po 'yan, ate," sabi niya at tinanggal ang kandila.   "Paano ka?" tanong ko.   "Mayroon din ako," nakangiti niyang sabi at nilabas ang isa pang cupcake.   Sabay kaming kumain ni Morana.   "Saan galing 'to?" tanong ko.   "Naipon ko sa palilimos, ate," aniya.   Napatigil naman ako. Ayoko sa lahat ay namamalimos siya. Ayokong magmukhang kawawa ang kapatid ko.   "Morana, sabi ko sa 'yo huwag ka mamalimos, nagtatrabaho naman ako para sa atin," sabi ko.   "Pero ate, para lang sa birthday mo. Ngayon lang po, hindi na mauulit," aniya.   Pilit akong ngumiti, inintindi ko na lamang ang sitwasyon niya.   "Pumasok ka na sa skwela, ako na bahala sa hacienda," sabi ko.   "Baka magalit si Mama kapag hindi ako naglinis ng hacienda," aniya.   "Kaya ko na 'yon, basta mag-aral ka, huwag mo 'ko gayahin, hindi ako nag-aaral," sabi ko.   Patago kong in-enroll si Morana sa pampublikong paaralan. Tuwing sabado at linggo lang siya sumasama sa akin sa Hacienda.   Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay nakita ko si Mama na nakangiti habang kausap ang isang babae at isang bakla. Mukhang ito yung kahapon.   "Sandali, tatawagin ko na si Thana," ani Mama.   Agad akong lumabas ng bahay.   "Bakit?" matapang kong tanong.   "Nandito ka na pala, sila ang bago mong amo," ani Mama.   "A-anong trabaho na naman ba 'to, Ma?" malungkot kong sambit.   "Sumunod ka na lang!" bulong ni Mama at lumapit sa akin.   Naramdaman ko ang kurot niya sa tagiliran ko kaya wala akong nagawa kundi lumakad papalapit sa dalawang kausap niya.   "Disi-otso na siya ngayon. Birthday niya," ani Mama.   "Mabuti kung ganoon, sumama ka na sa amin Thana, marami kang kailangan matutunan sa bago mong trabaho," ani ng babae.   "Ano pong klaseng trabaho?"   "Malalaman mo kapag nandoon na tayo," ani ng bakla.   Parang ayoko sumama sa kanila. Pakiramdam ko ay hindi maayos ang trabaho na ito.   "May trabaho na po kasi ako--" nagulat ako nang sampalin ako ni Mama sa harapan nila.   "Sumama ka sa kanila o tataman ka sa akin?" pagbabanta ni Mama.   Sa oras na 'to ay gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Biglang lumapit sa akin ang bakla.   "Yolly, huwag mo naman saktan ang anak mo, magagalusan ang makinis niyang balat," aniya at hinawakan ang kamay ko.   "B-bitawan niyo po--"   "Sumama ka!" napapikit ako sa sigaw ni Mama.   May trycicle na huminto sa harapan namin at pinilit nila akong sumakay doon. Wala naman akong nagawa.   "S-Saan niyo po ba ako dadalhin?" tanong ko.   "Huwag ka na puro tanong ng tanong, nakakarindi yung gano'n," iritableng sambit ng bakla.   Natahimik ako sa buong byahe. Nakarating kami sa isang malaking gusali na mayroong mga makukulay na design.   "B-Bar?" bulong ko.   Pagkalabas namin ng trycicle at akmang tatakas ako. Hindi ako kaagad nakatakbo dahil may isang malaking lalake ang humarang sa akin.   "Ipasok niyo na siya," ani ng babae na kausap ni Mama kanina.   Nagulat ako nang hilahin niya ang braso ko at sapilitan akong pinasok sa loob ng bar. Pagpasok ko sa loob ay maayos ang mga lamesa at maraming babae ang nasa taas ng stage. May nakita pa akong babae na nakasuot lamang ng panty at bra habang nakakapit sa pole.   "A-Ayoko po dito, sabihin niyo kay Mama na--"   "Gaga! Binenta ka na ng nanay mo sa amin kaya sa ayaw at sa gusto mo, dito ka na habambuhay," aniya.   Nanlaki ang mga mata ko. Tila huminto ang mundo ko sa narinig ko.   "P-Po? H-hindi po pwede 'yon, wala akong sinabi na pumapayag ako sa ganitong trabaho--"    Napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang panga ko. Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko ngayon.   "Tumahimik ka!" sigaw niya.   Tinulak ko siya at umatras ako.   "Binayaran namin ng limampung-libo ang ina mo kaya tumino ka sa amin. Hindi ka pa nga nagsisimula sa trabaho mo, tarantado ka na," aniya.   Napayukom ako ng kamao. Akmang tatakbo ako pero hinawakan ng isang bouncer ang buhok ko.   "Hindi ka na makakaalis dito," aniya.   "Girl, kung ako sa 'yo tatanggapin ko ang trabaho na 'to, isang gabi lang limpak-limpak na salapi ang makukuha mo," aniya.   "Ayoko--"   "Napakaingay mo!" nagulat ako nang maramdaman ang palad niya sa pisngi ko.   Napakapit ako sa isang table at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.   "Dalhin niyo na sa dressing room 'yan," aniya.   Mukhang siya ang boss dito, lahat na lang ay sinusunod siya. Ang bakla naman ay mukhang assistant ng babaeng 'to.   Hinila na ako ng bakla, wala akong nagawa. May isang babae na nakapanty at bra lang na sumama sa amin. Hinawakan niya ang braso ko.   "Magtino ka kung ayaw mong mabugbog," bulong nito sa akin.   Napatingin ako sa kaniya, puno ng kolorete ang mukha niya at masama ang tingin nito sa akin. Sa sobrang takot ko ay sumunod na lamang ako sa kanila.   Pinasok nila ako sa isang kwarto na puno ng mga damit at make-up, mayroong malaking salamin na kita ang buong katawan mo.   "Hubad."   "P-Po?"    Napahawak ako sa katawan ko at umatras hanggang sa makasandal ako sa pader.   "Susunod ka o hindi?" ani ng babae na maraming kolorete sa mukha.   "Paula, mukhang may bagong punching bag ka," natatawang sabi ng bakla.   Nanginginig ang mga kamay kong napahawak sa damit ko.   "Bilisan mo!" sigaw niya.   Napapikit ako at unti-unting inangat ang damit ko.   "Heto na lang ang ipa-suot mo sa kaniya para kakulay ng suot niyo," ani ng bakla.   "Sure, Mamsh."   "Mauna na ako, baka mali-mali na naman ang steps ng mga alaga ko," ani ng bakla at lumabas ng kwarto.   "Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan? Hubad!" sigaw niya.   Tinanggal ko ang damit ko at shorts.    "Ang liit ng dibdib mo, kulang sa lama---" Hinawi ko ang kamay niya nang akmang hahawakan niya ang dibdib ko.   "Ang arte mo," aniya at inirapan ako.   "H-Huwag niyo po akong hawakan."   "Hoy, bago ka lang dito lumalaban ka na kaagad, hindi mo ba alam na ako ang nakakataas na stripper dito? Ako ang susundin niyo!" aniya.   Nagulat ako nang bigla niyang binaba ang underwear ko kaya napaupo ako.   "Wow, pwede ka sa pole, maputi at makinis ka," aniya at ngumiti.   Umiling ako. Hinagis niya sa mukha ko ang hawak niyang panty at bra na may designs.   Sinuot ko iyon agad at nagtakip ng katawan gamit ang damit ko.   "Napakasakit mo naman sa ulo!" reklamo niya at inagaw ang hawak kong damit.    Tinapon niya ang damit ko at hinawakan ang kamay ko saka hinila palabas ng kwarto.   "Hi guys! Meet our new member, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin at siniko ako.   "T-Thana po," bulong ko.   Yakap ko ang dibdib ko habang nararamdaman ang lamig ng hangin sa balat ko.   "Akyat sa stage, kailangan mo mag-practice," aniya.   Sumunod na lamang ako. Bigla kong naisip ang tungkol sa pera.   "K-Kapag ba sumayaw ako dito... M-May pera po ba ako?" tanong ko.   "Oo, pero mukhang sa Mama mo ibibigay--"   "P-Pwede ba akong humingi ng kahit kaunti?" tanong ko.   Napatingin sa akin ang boss.   "Pwede, basta magtitino ka," aniya.   Tumango ako.    Nandito na ako at wala na akong magagawa pero desperada akong magkapera. Kailangan ko ng pera para makapag-aral.   *************  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD