Chapter 4
Present day.
Magnus Othello's P. O. V.
Nakatitig lang ako kay Thana na mahimbing na natutulog sa kama. Tumabi ako sa kaniya pero wala akong balak na galawin siya, wala ako sa mood ngayon dahil sa pamilya ko. Tahimik ang buong kwarto. Nakapatong naman ang dalawa kong palad sa ulo ko at dinama na lang ang aircon ng kwarto. Sayang naman ang binayad ko dito. Magpapahangin na lang ako.
Hindi ako makatulog, iniisip ko kung ano pa bang pwede ko gawin. Pakiramdam ko ay wala pa rin akong gustong gawin sa buhay. All of my siblings are successful but me? I'm still at lowest. They all treat me like a trash, that I'm not helpful at all.
"Hhhmmm..." Kumilos si Thana sa pagkakahiga at nagulat ako nang ipatong niya ang braso niya sa dibdib ko.
Hindi ko siya tinignan. I feel disgusted, this is the first time I felt like I'm cuddling with someone. Lahat ng naka-one night stand ko, I never hugged them.
Bigla akong dinapuan ng antok akmang pipikit na ako pero nagulat ako nang sumiksik si Thana sa dibdib ko at humigpit ang yakap niya sa akin. Rinig ko ang malalim niyang paghinga. Napalunok ako ng ilang beses habang iniisip kung tatayo ba ako o hahayaan ko siyang yakapin ako.
Seconds later, the hug she's giving me makes me warm, not a warm that gives me lust. But the warm of hug I think I'm longing to feel.
************
Nagising ako nang makaramdam ako ng malakas na sampal sa aking pisngi.
"What the f**k!?" sigaw ko at kinusot ang mga mata ko.
"A-anong ginawa mo sa akin? Kuya, sabi mo wala kang balak na galawin ako o hawakan pero--"
"Shut up, binayaran ko yung kwarto na 'to, pati ikaw. Masama bang matulog? This f*****g room only has one bed, did you think I'm gonna sleep while sitting down? Come on, I want to be comfortable!" inis kong sabi at agad na tumayo.
Tinakpan niya ang katawan niya gamit ang kumot. Napatitig naman ako sa kaniya. She looks pretty kahit kakagising lang.
"Aalis na 'ko, bahala ka na ulit sa buhay mo."
Kinuha ko ang leather jacket ko sa couch. Napansin ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
"Kuya, salamat sa pagtulong sa akin kagabi. Pasensya ka na nakatulog ako kaagad, unang beses ko po kasing mahiga sa ganito kalambot na kama kaya mabilis akong nakatulog, komportable din kasi."
Hindi ko siya pinansin at nakita ko ang madaming missed calls ni Mom at Dad.
"Bullshits," bulong ko at binulsa kaagad ang cellphone ko.
"Salamat po. Ingat kayo kung uuwi na kayo," aniya kaya nilingon ko siya.
Tinignan ko siya. Hindi na ako nagsalita pa at agad na lumabas ng kwarto na 'yon. Mukhang matinding galit na naman ang haharapin ko.
Sumakay na ako sa kotse ko na naka-park pa rin sa parking lot ng bar na ito. Mabilis akong nag-drive sa isang resto at bumili ng almusal. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa company nila Dad.
"MAGNUS!" narinig ko ang boses ni Dad pagkasakay ko ng elevator.
Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at siya pa ang pumindot ng closing ng elevator.
"Saan ka na naman ba nagpunta? You're so irresponsible! Didn't you know na pumunta dito ang maintenance ng machines at sinabi na hinihingi ang advance p*****t because today was the contracts says!" sermon ni Dad.
Sumandal ako sa elevator. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang narito.
"So?"
"I paid them! Now, you have a 1 million debt!" sigaw niya.
"Calm down, nasulusyonan mo naman pala," sabi ko at ngumiti.
"What would I do? Hayaan sila na umalis o idemanda ka dahil sa pagiging pabaya mo? Nagsisisi talaga ako na pinangalan ko sa 'yo ang Manufacturing business natin!" sigaw ni Dad.
Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong naglakad patungo sa office ko. Sinundan pa rin ako ni Dad kung saan ako nagtungo. Akmang uupo ako sa swivel chair ko pero bigla niyang hinampas ng malakas ang lamesa ko.
"What is your problem, Dad?"
"You are my problem. Hindi ko malaman kung kanino ka ba nagmana? Sa lolo at lola mo sa side ko? You know my parents are in jail because they are drugs addict--"
"Are you suspecting me that I use drugs?" natatawa kong tanong.
"What if I'll say, yes?"
Napahawak ako sa swivel chair ko at ngumiti.
"Guess what?"
"f**k, Magnus. Gusto mo bang ipakulong kita?" pagbabanta ni Dad.
"No, I am not a drug addict," natatawa kong sabi.
Nawala naman ang ngiti sa labi ko nang maisip na ganoon pala talaga kababa ang tingin niya sa akin. Ganoon kasama ang pag-iisip nila sa akin.
"Stop joking, Magnus."
"Funny, you're accusing your own son, you're not believing me anymore. Bakit pa ako nandito? Sana pinatay niyo na lang ako--"
"Magnus Othello Jallorina!" sigaw ni Dad at hinawakan ang collar ng damit ko. "Ginagawa namin lahat para sa 'yo. Lahat ng pabor sa 'yo ay tinanggap namin ng Mom mo. You don't want to study--then don't! We f*****g gave you the freedom you want to enjoy your life but you're enjoying it too much. You are no longer facing the reality of life, Magnus. I am your father, lahat ng pagpapasensya, ginawa ko na. I'm still supporting you, helping you out sa lahat ng gulo na pinapasok mo!"
"I don't care."
Naramdaman ko ang suntok ni Dad sa pisngi ko. Napahawak ako sa panga ko na namanhid ng ilang segundo.
"Tarantado ka talaga!" sigaw ni Dad.
"Oo! Tarantado na ako ngayon. You made me feel this, Dad. It is you and Mom who made me into this," madiin kong sambit at kinuha ang laptop bag ko.
Tinalikuran ko si Dad at mabilis na sumakay ng elevator. Hindi ko pinansin ang mga employees na bumabati sa akin habang naglalakad ako.
I remembered the day I lost interest to everything.
********************
Dumating ang hating-gabi. Nagsasawa na akong makita ang opisina ni Thierry. Dito na lang ako nag-check ng emails at nag-ayos ng dapat asikasuhin sa trabaho. Mahirap mawalan ng pera, hindi ko kakayanin.
Napahawak ako sa sentido ko dahil sa tagal kong nakatutok sa laptop ay sumakit ang mga mata ko. Nakita ko namang naglapag ng basong tubig si Thierry sa table ko.
"Don't you have any other beverages?" tanong ko at kinuha ang basong tubig saka ininom.
"Magrereklamo ka pa, iinom ka din naman," aniya at tumawa.
Napangisi naman ako. Nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Ajax.
{Pare, pa-send naman ng pictures namin ng chikababes sa phone mo, ty.}
What the f**k? They used my phone? When?
"Gago, ginamit nga pala niya 'yan last week nung bagsak ka sa alak," ani Thierry.
Hindi ko napansing nakasilip din siya sa cellphone ko at nagbabasa.
"The hell!" daing ko at nagpunta sa photos.
Nakita ko naman ang litrato ni Thana na kumakain ng cake. Napalunok ako at napabuntong hininga. It feels like I want to see her again.
I sent all the photos of them in our group chat. Para bahala na sila kumuha ng pictures nila. All their pictures are drinking alcohols with their girls.
"Let's drink again, same bar kagabi," sabi ko at tumayo.
"Woah, wait. May bagong bukas around Marikina--"
"Sagot ko, doon ulit tayo sa kagabi," sabi ko at niligpit ang gamit ko na nakakalat sa study table ni Thierry.
"Try something new naman, pare."
"Then I will go in that bar alone," sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko.
Akmang lalabas ako pero nilapitan ako ni Thierry.
"Hindi ka mabiro, basta sagot mo. I'll text the troops," aniya.
Tumango ako sa kaniya at iniwanan na siya doon. Nauna na akong lumabas sa mansion ni Thierry na siya lamang mag-isa ang nakatira. Sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive.
Nagtungo ako sa bar na pinuntahan namin kagabi. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng tiyan ko, hindi pa ako nakapagmeryenda. Agad akong dumiretso sa pastries ng bar at bumili ng cake.
"Black forest, dalawang order."
Nang makuha ko ang pagkain ay nagtungo ako sa bartender saka nag-order ng juice. Hindi ko trip uminom ng alak ngayon dahil gutom talaga ako.
"Pare, nandito ka na pala. Ano 'yan, penge--"
Akmang kukuhanin ni Ajax ang tub ng black forest cake pero lumayo ako sa kaniya.
"Don't touch it, d*ck."
Tumawa ng malakas si Ricko na kasama si Sorin.
"Mukha ka palang t*te, pare," pang-aasar nila.
"Bakit dalawa lang order mo?" tanong nila.
"Sa akin ata yung isa--"
"None of your business, para sa akin lang 'to."
"Hi, we have a new room of strippers, a private one," biglang lumapit ang isang babae at nakangiti sa amin.
"Woah, you mean they will dance for us, right?" tanong ni Ajax habang abot langit ang ngiti.
"Yes!"
"Parang ganito sa U.S.A," ani Ricko.
"Why not," sabi ko.
"Let's go," ani Thierry.
Dinala kami ng babae sa isang madilim na hallway. Binuksan niya ang isang pinto at nakakita ako ng dalawang pole, apat na babae ang naroon.
Pumasok kami sa kwarto at naagaw ng pansin ko ang babaeng nakatalikod habang nakahawak lang sa pole. Maputi ito at makinis ang balat, nakasuot ito ng lingerie at naka-pony tail ang buhok nito.
"Do your best girls! Let them feel the pleasure!" sigaw ng babaeng nag-aya sa amin dito.
Nakatitig lang ako sa babaeng nakatalikod hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon. Napalunok ako nang mapagtantong si Thana pala ito.