"Umalis ka na dito!" Sigaw na taboy ni Harry sa kanya. Na kinapitlag n'ya.
"Huwag na huwag mong dadalawin ang mag-ina ko!" Patuloy nito at hinablot ang mga bulaklak na dala n'ya para sa puntod ng kaibigan at itinapon nito 'yon.
Napatili s'ya ng marinig ang malakas na pagbasak ng vase na kinalalagyan ng mga bulaklak. Mabilis s'yang lumapit sa mga bulaklak na tinapon nito, para damputin ang mga 'yon.
"Because of you Ysa, namatay si Ashley at magiging anak namin!" Mariing akusa nito sa kanya. Tulad noong araw sa ospital na halos patayin na s'ya nito sa matinding galit sa kanya.
"I'm sorry Harry. Hindi ko sinasadya ang nangyari," umiiyak na hingi n'ya ng tawad. Habang dinadampot ang vase na nabasag.
"Aaah," tili n'ya ng may maramdamang tumusok sa daliri n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makitang may dugo sa daliri n'ya. Napatili s'ya ng malakas.
Mula kasi ng mangyari ang aksidente nila ni Ashley ay nagsimula s'yang makaramdam ng takot sa dugo. Hemophobia sabi ng Doctor sa kanya. Phobia sa dugo. Dahil nakita n'ya sa dalawang mga mata ang duguan na kaibigan na walang malay sa passenger seat.
"Dugo!" Tili n'ya habang titig na titig sa daliri n'yang duguan.
"What's wrong?" Tanong ni Harry sa kanya. Luhaan n'yang tiningala ito na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.
"Dugo!" Sagot n'ya At lalong nagtitili sa takot.
"Ysa! Ysa!" Tinig ng Kuya Zandro n'ya ang narinig n'yang tumatawag sa kanya.
"Ysa!"
Agad na lumapit ang kapatid at pinunasan ang daliri n'yang may dugo sa sarili nitong damit.
"It's ok, It's ok," bulong ng Kuya Zandro n'ya at niyakap s'ya ng kapatid ng mahigpit. Matapos mapunasan ang dugo sa daliri. Napahagulgol s'ya ng iyak at napalingon kay Harry na kunot noong nakamasid sa kanya.
"It's ok Ysa," muling bulong ng kapatid sa kanya. Inalalayan s'ya nitong makatayo mula pagkakaupo sa may damuhan.
"Let's go, iuuwi na kita," sabi ng kapatid.
Nakaalalay sa kanya ang kapatid ng makatayo. Sinulyapan n'ya si Harry. Nagtama ang kanilang mg mata.
"I'm sorry Harry," ang mangiyak-ngiyak na hingi n'ya ng tawad rito.
Bumuntong hininga lang si Harry sa kanya at tumalikod. Humarap sa puntod ni Ashley at nakita pa n'yang ultimo ka isa-isang bulaklak na galing sa kanya ay tinanggal ng binata. Ganoon ba kagalit sa kanya si Harry, at wala ni isang gamit n'yang nais nitong madikit sa puntod ni Ashley?
Laylay ang mga balikat n'yang naglakad silang magkapatid palapit sa nakaparadang kotse ng Kuya n'ya.
Nang makasakay sa kotse muli n'yang sinulyapan si Harry na nakaupo sa harapan ng puntod ni Ashley. Nakaramdam s'ya ng lungkot para kay Harry. Alam n'yang kung hindi nangyari ang aksidente masaya sana sina Harry at Ashley. May inaabangan ang mga ito na munting supling. Napakagat labi s'ya sa guilt na nararamdaman
"I'm sorry," umiiyak na sabi n'ya habang nakatingin kay Harry.
"Ysa, it was an accident. Hindi mo kasalanan ang nangyari," sabi ng Kuya n'ya. Bumuntong hininga lang s'ya at sinandal ang likod sa upuaan.
"Let's go Kuya," bulong n'ya at pinunasan ang mga luha sa pisngi.
After 1 Week
"Maganda," sabi ni Tintin sa kanya. Hinila ang isang silk na maxi dress. Naghahanap kasi s'ya ng maisusuot sa party sa bahay nila.
May pa meeting kasi ang Daddy n'ya sa mga kasamahan nito sa politika at required s'ya humarap sa mga bisitang dadalo sa bahay nila. Tinawagan n'ya si Tintin kanina nagpapasamang mamasyal sa Tragora Mall para mamili ng mga kailangan n'ya. Pumayag naman si Tintin. Sumama din sina Jake at Marvin. Bonding na rin nilang magkakaibigan.
Namimiss na rin naman n'ya ang ganitong bonding nilang magkakabarkada lalo na noong nabubuhay pa si Ashley. Lagi itong nangunguna sa paglilibot sa Mall. Hindi n'ya tuloy maiwasan makaramdam ng pagkalungkot ng maalala ang kaibigan.
"Sige 'yan na lang," malamya n'yang sagot kay Tintin. At kinuha ang damit sa kaibigan. Wala kasi s'ya sa mood mamili talaga kung hindi lang kailangan ay hindi s'ya lalabas ng bahay.
"Tapos na ba kayo? Kumain tayo pagkatapos," sabi ni Jake at agad na umakbay kay Tintin. Tumango lang s'ya at nagbayad na sa cashier.
Matagal ng may relasyon sina Jake at Tintin. Si Ashley naman bago nito naging karelasyon si Harry ay may naging ibang boyfriend na rin ito na nakasama nila sa barkada. Si Marvin naman walang nobya pero kung sinu-sino ang sinasamahang babae. At s'ya naman isa pa lang ang naging boyfriend n'ya si Alex na hindi naman din tumagal dahil manloloko.
Nagyayang kumain ang tatlo sa isang sikat na restaurant sa loob ng Tragora Mall. Matapos makapag order ng kakainin ay nagpaalam s'yang mag banyo muna. Sasamahan sana s'ya ni Marvin ngunit tinangihan na n'ya ang kaibigan.
Alam n'yang magpa hanggang ngayon ay may pagtingin sa kanya si Marvin. Pero gaya ng una n'yang sinabi kay Marvin noon na wala itong maaasahan sa kanya. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang feelings n'ya para sa kaibigan. Wala pa rin itong maaasahan sa kanya.
Paglabas n'ya ng restaurant agad na nabungaran n'ya si Harry na naglalakad sa may dako n'ya.
Hindi n'ya makakalimutan ang mukha ni Harry ang mga mata nitong maiitim na tila laging nanlilisik sa galit. Ang gwapong mukha nito syempre na napansin pa lang n'ya ng magkita sila sa puntod ni Ashley.
Napalunok s'ya at nagdalawang isip kung tutuloy o hindi sa paglalakad. Takot pa rin s'ya kay Harry magpa hanggang ngayon. Kinsusuklaman s'ya ni Harry dahil s'ya ang sinisisisi nito sa pagkamatay ng mag-ina nito.
Huli na para umiwas s'ya dahil nakatuon na sa kanya ang mga mata ni Harry. Tulad ng dati nanliliksi ang itim na mga mata nito habang nakatingin kanya. Napalunok s'ya at nahinto sa paglalakad.
Nagtuloy sa paglalakad si Harry at kasama nitong lalake na may itsura din. Pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga ng huminto si Harry sa tapat n'ya. At sinuri s'ya ng tingin. Nakasuot s'ya ng may kasiglaang kulay na blusa at puting short, short na nagpapakita sa magaganda n'yang binti. Bumalik sa mga mata n'ya ang itim na mga mata ni Harry matapos s'yang masuri nito.
"Hi," alanganin n'yang bati rito na walang kabakas-bakas na ano mang emosyon ang mukha nito.
"Ysa," banggit nito sa pangalan n'ya na puno ng pagkasuklam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit ni Harry ang pangalan n'ya.
"What are you doing here? Having a good times while your friend-"
"Harry," putol ng lalaking kasama nito. At siniko pa ito para huwag ituloy ang sasabihin nito. Alam naman n'ya ang susunod na sasabihin ni Harry.
Nagyuko s'ya ng ulo dahil hindi n'ya matagalan ang matalim na mga mata ni Harry na sa kanya nakatingin. Sabi nga nila kung kaya kang pumatay ng tingin kanina pa s'ya nalagutan ng hininga
"I'm sorry," bulong n'ya. Hindi s'ya sigurado kung narinig ni Harry. Lagi naman s'yang nagso-sorry rito sa tuwing magkikita sila nito.
"I don't need you sorry!" Malamig na sagot nito. At Marahas na hinawakan nito ang baba n'ya. Nagulat s'ya nanlalaki ang mga mata n'yang napatingin sa itim na mga mata nito.
"Kung nag-sisisi ka sa pagkawala ni Ashley at ng magiging anak namin. Puntahan mo ko sa opisina ko bukas at may ipagagawa ako sa iyo para mabawasan ang galit ko sa iyo!" Matalim na sabi nito. Habang hawak-hawak nito ang baba n'ya. Titig na titig ang mga mata n'ya rito. Hindi n'ya magawang iiwas.
Napalunok s'ya at naramdaman ang pag kabog ng dibdib. Kung sa kaba o dahil sa kaharap n'ya ang gwapong si Harry Leonardo. Napansin din n'ya ang paglandas ng mga mata nito sa kabuuhan n'ya na lalong nagpalakas sa kaba n'ya.
"See you soon then," sabi nito. Nang hindi s'ya makasagot. At binitawan s'ya nito. Nagtuloy na ito sa paglalakad.