Kanina pa s'ya palakad-lakad sa may pool area ng bahay nila. Hindi s'ya mapakali mapatapos ang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Harry sa Mall.
Nais nitong magtungo s'ya bukas sa opisina nito. Para sabihin sa kanya ang gusto nito. Kung nais daw n'ya makabawi sa kasalan n'ya rito.
Wala s'yang kasalanan sa nangyari. 'Yan ang pilit na sinisigaw ng isip n'ya. Aksidente ang nangyari. Walang may gusto sa nangyari. Pero kinakain s'ya ng guilt n'ya. Dahil may nawalan at nasaktan. Alam n'yang hindi lang naman si Harry ang galit sa kanya sa nangyari. Pati ang mga magulang ni Ashley na hindi lang makuhang sisihin s'ya dahil isa s'yang De Guzman. Anak s'ya ng uupong alkalde sa bayan nila.
"Ano kayang sasabihin sa akin ni Harry?" Tanong n'ya sa sarili. Habang kinagat-kagat n'ya ang daliri sa kamay. At paroo't parito s'ya.
"Hindi naman siguro n'ya ko papatayin," bulong n'ya ulit.
Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Naalala ang eksena sa ospital noon na halos patayin na s'ya ni Harry sa sakal. Napahawak s'ya sa leeg. Pakiramdam n'ya nararamdaman pa n'ya ang mahigpit na mga kamay ni Harry na sumasakal sa leeg n'ya.
Wala pa s'yang napagsasabihan isa man sa mga kaibigan tungkol sa pag-uusap nila ni Harry kanina. Baka kasi pigilan lang s'ya ng mga ito. Lalo na't alam ng mga ito kung gaano kagalit sa kanya si Harry. Baka sabihin ng mga ito na mapapahamak lang s'ya kung pupunta. 'Yan din naman ang sumasagi sa isip n'ya. Na baka mapahamak s'ya.
"Bahala na bukas. Pupunta ako at haharapin ko si Harry. Wala akong kasalanan. Aksidente ang nangyari," mariing sabi n'ya sa sarili. Haharapin n'ya ito. Para makapag paliwanag ididiin na wala s'yang kasalanan sa nangyari.
Nasa ganoong pag-iisip s'ya ng tumunog ang cellphone n'ya sa bulsa. Pangalan ni Marvin ang nabasa n'ya sa screen. Napabuntong hininga s'ya nagkibit balikat.
Mula ng malaman ni Marvin na naghiwalay na sila ni Alex ay panay paramdam na naman nito sa kanya. Pero kahit anong gawin n'ya, wala s'yang ano mang damdamin sa kaibigan.
Nais n'yang huwag sanang sagutin ang tawag nito. Naisip n'yang baka makahalata naman nito na umiiwas s'ya rito. Kaya naman kahit ayaw n'yang sagutin. Napilitan na s'ya.
"Hello," sagot n'ya sa kabilang linya.
Gaya ng inaasahan n'ya. Wala namang importanteng sasabihin ito. Makikipag kwentuhan lang ito sa kanya. At isisingit ang panliligaw nito sa kanya. Bagay na minsan kinaiirita na n'ya sa kaibigan.
Kinabukasan tanghali na s'yang nagising dahil buong gabi s'yang hindi makatulog sa kakaisip kung pupunta ba o hindi sa opisina ni Harry.
"Good morning po Ma'am," bati ng isa sa mga kasambahay nila. Tumango lang s'ya at naupo na sa mesa.
"Nakaalis na silang lahat?" Tanong n'ya sa kasambahay. Habang nilalagyan ng kape ang tasa n'ya.
"Opo Ma'am ang Daddy n'yo po maagang nagtungo sa munisipyo. Ang Mommy n'yo naman po inasikaso ang ibang mga tauhan ng Daddy n'yo para sa kampanya," sagot ng kasambahay sa kanya. Na tila alam nito lahat kung nasaan ang mga magulang.
"Si Kuya Zandro?" Tanong n'ya. Habang nagsisimula ng kumain.
"Nasa Farm na rin po," sagot nito.
"Sige, salamat. Pakisabi na lang sa driver na ipag drive ako mamaya. May pupuntanhan ako," bilin n'ya rito. Saka na ito umalis ng wala na s'yang sasabihin pa.
Buo na desisyon n'ya. Pupunta s'ya sa opisina ni Harry. Aalamin n'ya ang gusto nito. Para lang mapatawad na s'ya nito. At kahit papano mabawasan ang guilt na nararamdaman n'ya. Dalawang buhay ang nawala kay Harry, kaya hindi n'ya ito masisisi kung halos patayin na s'ya nito sa galit.
Matapos kumain nagtungo muna s'ya sa swimming pool para mag swimming. Ang pag swi-swimming ang tila exercise na n'ya. Ngayon lang s'ya muling makakapag swimming matapos ang aksidente. Magaling na lahat ng sugat n'ya, nag-iwan lang ng bakas. Ang paa naman n'ya maayos na. Dahil kumuha sila ng magaling na therapist para mapagaling agad ang paa n'ya. She is now fully recover. She can walk her feet like before. Sadyang hindi pa s'ya maka recover sa masamang dinulot ng aksidente sa kaibigan at sa magiging anak sana nito.
Matapos mag swimming naghanda na s'ya sa pagtungo sa opisina ni Harry.
Pinili n'yang magsuot ng elegante. 'Yung magmumukha s'yang matalino. Pinili n'ya ang business attire suit na kulay biege. Wrap blazer, corset and high rise pants. Mahilig s'ya sa mga elegant attire, tulad ng business suit. Nagmumukha kasi s'yang elegante at matalino pag ganoon ang style na suot n'ya. She can manage it well naman dahil kaya n'yang dalhin in a sexy way.
Matapos makapag bihis. She also put some make up. And she wear her expensive jewelry. Not to show off who is she. Isa din kasi sa mga hilig n'ya ay mga mamahaling alahas. Madalas nga hinihiram n'ya ang mga alahas ng Mommy n'ya, kapag wala s'yang materno sa mga sariling jewelries. Sumunod na sinuot n'ya ang kulay tan na sapatos with heels syempre. At halos paliguan n'ya ng pabango ang sarili.
Kung bakit s'ya nag-aayos para kay Harry Leonardo ay hindi n'ya alam. Pwede naman s'yang magtungo sa opisina nito na kahit nakapantulog lang o di kaya pambahay. Hindi naman isang business proposal ang pag-uusapan nila nito. But still she wants to look elegantly beautiful.
Nagpagpahatid s'ya sa family driver nila sa Leonardo Group of Company. Naiisang pinaka malaking kompanya ng mga sasakyan sa bayan ng San Miguel. 'Yun lang ang pagkakaalam n'ya. Hindi naman kasi talaga s'yang isang business person. Wala s'yang pakialam kung sinu-sino ang may mga negosyante sa bayan nila. Hindi naman na din n'ya inaalam pa, dahil wala din naman s'yang mapapala. Pero sa bayan nila marami ang nakakakilala sa kanya. Dahil anak s'ya ni Fernan De Guzman. Ang susunod na Mayor sa bayan nila. Sigurado naman kasi ang panalo ng ama. Dahil matulungin at may maibubuga naman ang ama. Isama pang ginagamit ng ama ang Kuya Zandro n'ya sa pangangapanya. Malakas kasi ang dating ng Kapatid pagdating sa mga kababaihan. Lalo na't gwapo ang Kuya Zandro n'ya.
Sa isang mataas na building sila huminto. Magkakatabi ang mga building na may kanya-kanyang brand ng mga sasakyan. Karamihan ay mga luxury cars, na mga mayayaman lang talaga ang bumibili.
Humugot s'ya ng malalim na paghinga at tiningala ang mataas na building mula sa loob ng kotse.
"Harry Leonardo," bulong n'ya sa pangalan nito.
Agad na s'yang bumaba ng kotse ng pagbuksan s'ya ng pintuan ng driver. Saka s'yang nagsabi ritong, tatawagan na lang n'ya ito pag uuwi na.
Taas ang mukha n'yang naglakad papasok sa matataas na building. Wala s'yang mapipintas sa loob ng building. Maganda, malinis at moderno.
"Good afternoon Ma'am," magiliw na bati ng isang babae sa front desk.
"Hi, I'm Ysa De Guzman," pakiala n'ya.
"I have an appointment to Mr. Harry Leonardo,"
"Yes, Ma'am. Mr. Leonardo is expecting to see you," sagot nito. At tinawag ang isang lalaking naka polong puti. Sinabi ng babae na ihatid s'ya sa opisina ni Harry.
"No, I can handle. Just tell me what floor," tanggi n'ya. Tinuro naman agad ng mga ito kung saan ang opisina ni Harry.
Ganoon pa rin ang lakad n'ya nakataas ang mukha ang puno ng confident. Kung makalakad s'ya ay daig pa n'ya ang may-ari ng building.