Harry-2

1030 Words
"Gusto mo bang pumunta sa states?" Tanong ng Daddy n'ya habang nag-aalmusal. Ilang linggo na mula ng makalabas s'ya ng ospital. Maayos na rin ang paa n'ya hindi pa nga lang n'ya kayang maglakad tulad ng dati. At ang mga sugat naman n'ya nag hilom na. Nag iwan lang ng mga bakas sa katawan n'ya. "Fernan hindi maganda tignan kung aalis ng bansa ang anak mo ngayon. Alam mo naman na hanggang ngayon s'ya pa din ang sinisisi ng fiance ni Ashley sa nangyaring aksidente," paliwanag ng Mommy n'ya sa Daddy n'ya. Sinulyapan n'ya ang ama na humugot ng malalim na paghinga at sinulyapan s'ya. "Wala naman kasalanan ang anak natin. Aksidente ang nangyari nakita naman sa CCTV na ang SUV ang bumangga sa kanila," sagot ng ama na sa kanya nakatingin. Ilang linggo na rin mula ng mangyari ang aksidente. Pero hanggang ngayon hindi pa rin n'ya maalala ng maayos ang mga nangyari. Kwento ng mga kaibigan hindi daw nahuli ang driver ng SUV na bumunggo sa kanila. Tumakas daw ito at iniwan ang sasakyan na hindi naman nakarehistro. Kaya magpa hanggang ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon. At magpa hanggang ngayon wala pang nakukuhang hustisya ang pagkamatay ni Ashley at nang magiging anak sana nito. "I'm sorry po," naiiyak na hingi n'ya ng tawad sa mga magulang. Alam n'yang binigyan n'ya ng malaking problema ang mga magulang, nabulabog ang tahimik na pamumuhay nila sa Bayan ng San Miguel. Isang politician ang Daddy n'ya at sa pagkakaalam n'ya balak tumakbo ng Daddy n'ya sa pagka alkalde sa bayan nila. Ang ama kasi ang nangunguna sa pagka konsehal ng bayan nila ngayon kaya ngayong taon ay balak ng tumakbong alkade ang ama. Alam n'yang kaya nais ng ama na magtungo muna s'ya sa states para maiwasan na pag-usapan ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan n'ya. Dalawa silang magkapatid ang Kuya Zandro n'ya busy sa negosyo nila. May malaking farm sila ang De Guzman Farm na katabi ng Hacienda Tragora. Ang farm nila ang nagsu-supply ng mga gulay at prutas sa San Miguel at mga karatig bayan tulad ng San Sebastian. At s'ya naman kaka graduate pa lang n'ya sa kursong Accountancy at wala pa s'yang napapasukan trabaho. Baka kung sakali ay sa Farm na lang din s'ya magtrabaho. At heto nangyari nga ang aksidente kaya tila mas lalong nawalan ng dereksyon ang buhay n'ya . "Kung ako lang talaga Ysa gusto kong magbakasyon ka muna sa states. Hintayin lang natin bumaba ang galit ni Harry Leonardo," sabi ng ama, at tinuloy ang pagkain. "Mapanganib ang mga Leonardo anak. Kung gagamitan nila tayo ng pera ay wala tayong laban. Ang mga Leonardo ang nagmamay-ari sa Leonardo Group of Company. Halos lahat ng brand ng sasakyan ay meron sila sa bayan natin at sa ibang bayan," mahabang litanya ng ama. Wala naman s'yang idea sa mga sinasabi ng ama tungkol sa malaking negosyo ng mga Leonardo. Hindi naman n'ya lubusan kilala si Harry. Dahil halos isang buwan palang mula ng ipakilala ito ni Ashley sa kanila at halos tatlong beses lang yata n'ya nakasama si Harry. Kaya hindi pa n'ya ito lubusang kilala. Hapon na ng dumating ang Kuya Zandro n'ya galing sa farm. Agad n'yang nilambing ang kapatid na ipag drive papuntang sementeryo para dalawin si Ashley. Hindi naman tumanggi ang kapatid sa kanya. Mula ng makalabas s'ya ng ospital dalawang beses pa lang n'yang nadalaw ang kaibigan sa puntod nito. Nagpapagaling pa din kasi s'ya at ngayon mukha fully recover na s'ya, hindi nga lang s'ya makakatakbo pa. "How do you feel?" Tanong ng kapatid habang tinatahak ang daan patungo sa sementeryo. "I'm ok Kuya," sagot n'ya. Na sa labas ng bintana nakatingin. "Good to hear," sagot ng kapatid. Marahil napansin na wala s'ya sa mood makipag kwentuhan. Pagdating sa puntod ni Ashley nagpa iwan muna s'ya sa kapatid. Nais kasi n'yang makausap ang kaibigan at humingi ng tawad sa nangyaring aksidente. Hindi n'ya kasalanan ang pagbangga ng kotse nila. Ang tanging kasalanan n'ya ay nagpasama s'ya kay Ashley na mamili ng mga gamit at mag relax sa Tragora Mall, dahil sa ikalawang pagkakataon nahuli na naman n'ya si Alex na may kasamang babae sa VincElla Hotel. Si Alex ang unang nobyo n'ya at niloko s'ya nito. Kaya nang mahuli ito ay agad na s'yang nakipag hiwalay rito. 'Yon nga ang araw na naaksidente sila ni Ashley. "Ashley," sambit n'ya sa pangalan ng kaibigan. Naupo s'ya sa damuhan at hinaplos ang lapida ng kaibigan kung saan nakalagay ang pangalan ng kaibigan at Baby angel marahil ang batang sana ay magiging anak ng kaibigan. Naluha s'ya. Dahil sa lungkot na nararamdaman para sa kaibigan at sa batang ni hindi man naisilayan ang mundo. "What the hell are you doing here?!" Galit na tinig ang narinig n'ya. Nag angat s'ya ng mukha. Galit na mga mata ni Harry ang sumalubong sa mga mata n'ya. "Harry," sambit n'ya sa pangalan nito. "Umalis ka rito! You are not supposed to be here! Wala kang karapatang puntahan si Ashley!" Galit na sabi nito at mabilis s'yang hinila sa palapulsuan. "Aray!" Tili n'ya. May mga sugat pa kasi s'yang hindi masyadong natutuyo banda roon. At dahil mahigpit ang hawak ni Harry ay nasasaktan s'ya. "Umalis ka!" Mariing utos nito at basta na lang binitawan ang kamay n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay na nasaktan at sinulyapan si Harry. Napalunok s'ya ng mapatitig sa itim na mga mata nito. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at pantalon. Simple pero nagsusumigaw ang appeal nito. Bakas sa mga mata nito ang pagod at kawalan ng tulog.Ganoon pa man gwapo pa rin itong tignan. Nagulat s'ya sa sariling naiisip at mabilis na nag-iwas ng tingin sa mga mapanganib na mata nito. Kaya pala sabi noon ni Ashley hindi na daw nito pakakawalan pa si Harry. Dahil na kay Harry na daw ang lahat ng hinahanap ng kaibigan sa isang lalake. Baka nga tinotoo ng kaibigan ang sinabi nito. Dahil halos isang buwan lang ay buntis na agad ito kay Harry at nagbabalak ng magpakasal. Ngayon natitigan n'ya ng mabuti si Harry ay masasabi n'yang walang babaeng tatanggi sa isang katulad nito. At lahat ng sinabi ng kaibigan tungkol kay Harry ay totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD