3RD PERSON POV
“AYOKO nang mabuhay sa mundong ito!” naiiyak na sigaw ni Savanna habang hawak-hawak niya ang bote ng beer pagkatapos ay marahan siyang tumawa kasabay ng pagkurap ng mata niya nang dalawang beses.
Halos maubos na nila ang pangalawang case ng beer kaya lumapit na si Ricca dito at puwersang kinuha niya ang boteng hawak ni Savanna.
“Tama na po, Ate Savanna. Umuwi na tayo, lasing na po kayo,” aniya dito pagkatapos ay nilatag niya ang bote dito sa lamesa.
Bumagsak ang katawan ni Savanna sa sofa matapos gawin ni Ricca ‘yon saka napapikit itong humiga. Lumingon si Ricca sa kabilang sofa at natantuan niyang bagsak na rin ang kaibigan nitong si Lyla. Bumuga siya ng hangin saka sarkastikong nagsalita.
“Pumunta ako dito para magsaya pero mukhang ako pa ata ang mag-aalalay sa kanila pauwi,” reklamo niya dito kaya inuna niyang linisin ang mga kalat sa KTV room, ang pulutan at ang mga naubos nilang bote.
“Hayop ka talaga, Gerald, maghiwalay sana kayo ng bago mong jow...” usal ni Savanna habang nakapikit ang mga mata na halatang nananaginip ito.
Matapos na magligpit at maglinis si Ricca ay mahinay na simpal niya ang pisngi ni Lyla upang magising ito.
“Ate Lyla, please gumising ka. Hindi kayo puwedeng matulog dito at baka pagalitan ako ng boss ko kapag malaman niya na hinayaan ko kayo dito,” pakiusap niya dito ngunit di ito nagising. Bumuga muli siya ng hangin dahil sa nangyayari ngayon saka siya lumipat kay Savanna.
“Ate Savanna! Gumising ka na please!” wika niya habang niyuyugyog ang balikat nito.
Ilang sandali pa ay pumungas-pungas si Savanna pagkatapos ay nagsalita siya.
“Ano ‘yon?” tanong niya saka siya suminok.
Nakita ni Ricca ang pulang mukha ni Savanna na halatang malapit na itong bumagsak kaya agad siyang nagsalita bago pa ito mangyari.
“Uh, paano kayo uuwi?” mabilis na tanong ni Ricca dito saka ngumiti si Savanna at mahinay na kinuha ang bag saka may kung anong dinukot siya dito.
Binigay ni Savanna kay Ricca ang cellphone matapos niyang buksan ito.
“I-book mo ako ng sasakyan dito sa PerfectSwipe—este hehe sa Taxi Uber,” wika ni Savanna saka muling bumagsak ang katawan niya sa sofa at tuluyan nang nakatulog.
Dahil madalas na ginagamit ni Ricca ang application na ‘yon ay kaagad niyang hinanap ang address ni Savanna.
“Let’s see,” aniya saka kumunot ang noo niya nang makita na dalawa ang naka-input na home address dito sa Taxi Uber App.
Please choose location.
Home Address 1: 789 Alpha Dormitory Barangay 415 Maasim-Asim, Manila City
Home Address 2: Green Compound Entrance Gate Barangay Hindi Nagbunga, Pasig City
“Jusmiyo naman! Saan ba ako pipindot dito?” kamot-ulong tanong niya dito naguguluhan siya kung anong home address ang pipiliin niya.
Di kalaunan ay pinili niya ang Home Address 1 dahil mas malapit ito dito. Nang pindutin niya ang continue button ay wala na ang taxi option kaya wala siyang ibang choice kundi pumili ng premium car at saka niya ito binook gamit ang Taxi Uber pay.
“Pasensya ka na, Ate Savanna. May laman pa naman ang Uber mo kaya okay lang na gamitin ko ito,” aniya saka lumipat siya kay Lyla at hinanap niya ang cellphone nito sa bag. Matapos na makuha niya ang cellphone ay napansin niyang kailangan ng fingerprint ito kaya lahat ng daliri ni Lyla ay diniin niya dito.
Huminga nang malalim si Ricca dahil sa hinliit ng kaliwang kamay pala ito registered ang fingerprint.
“Bakit ang hilig niyo akong pahirapan, ha?” reklamo niya dito saka mabilis siyang nag-book ng sa Taxi Uber.
Matapos niyang i-book ang dalawa ay naghintay pa siya ng halos tatlumpong minuto bago dumating ang sasakyan ni Lyla. Muling huminga nang malalim si Ricca dahil kailangan buhatin o alalayan si Lyla palabas ng KTV house.
“Ate Lyla, halika na. Nandito na ang sundo mo,” wika niya dito saka kinuha niya ang braso nito at sinampay sa balikat niya.
“Ang bigat mo naman, jusko!” reklamo niya dito hanggang sa nagawa niyang alalayan si Lyla papuntang labas kung saan naghihintay ang kotse.
Pinagbuksan siya ng driver dito sa back seat at tumulong na rin siyang alalayan si Lyla papasok ng sasakyan.
“Sandali lang po, Manong Driver! Kukunin ko lang mga gamit niya,” pakiusap niya dito kaya tumango ang driver saka siya bumalik ng KTV room at kinuha ang mga gamit ni Lyla.
Matapos na kunin ni Ricca ang mga gamit ni Lyla at maibigay sa driver ay nakita niya ang kakarating lang na itim na sasakyan katabi ng KTV house na tila bagang may hinihintay. Nang matantuan niya na parehong sasakyan ang nakalagay sa Taxi Uber App ay nagsalita siya dito.
“Ay! Baka ito na ang sasakyan ni Ate Savanna naligaw lang siguro dahil sa location pin!”
Agad siyang bumalik sa KTV room at inalalayan niya si Savanna dala ang bag nito. Nang paalis na ang itim na sasakyan ay agad niyang pinaupo si Savanna sa may semento at mabilis na pinara niya ang sasakyan na ito.
“Ay sandali lang po!” sigaw niya habang kinakawayan niya ang itim na sasakyan parating dito.
Huminto naman ito saka binaba ang bintana. Napangiti si Ricca nang masilayan niya ang guwapong mukha ng driver saka siya nagsalita.
“Good evening po, Kuya Driver! H’wag muna kayong umalis, hindi pa naman nag-five minutes no’ng pagdating niyo dito. Andito na po ang pasahero niyo, kayo na pong bahalang maghatid sa kaniya.”
“Uh, I think you are mistaken, Miss? Hindi ako nagpa—” Biglang pinutol ni Ricca ang sunod na sasabihin ng driver dahil sigurado siyang ito ang na-book niya kanina.
“I am not mistaken, Kuya Driver. Alam kong ito ang sasakyan na binook ko kanina,” galit tonong wika niya dito saka inalalayan niya si Savanna at pilit niyang binubuksan ang back seat ngunit di niya magawa.
Malapit nang manghina ang katawan ni Ricca dahil nangangalay na siyang inaalalayan si Savanna.
“Pakibuksan naman po, please? Nangangalay na ako!” sigaw niya dito kaya awtomatikong in-unlock ng driver ang back seat kaya agad na binuksan ni Ricca ito at maingat na pinasok si Savanna.
Lumabas ng sasakyan ang guwapong lalaki para kausapin si Ricca at pigilan ito.
“Hindi ako empleyado ng Taxi Uber, Miss kaya nagkakamali ka. Pauwi na ako after kong kumain dito sa 24 hours restaurant. I rented this car dahil hindi makakapunta ang driver ko dito due to his personal matters. Galing pa ako ng Germany, Miss and I need to take a rest. So, please... palabasin mo na ang kaibigan mo dito sa kotse ko.”
Nanliit ang mata ni Ricca dahil hindi siya naniniwala na galing pa ito sa ibang bansa. Wala naman siyang nakitang maleta o kung anong gamit dito sa loob ng sasakyan.
“Rented car, you mean po, Kuya Driver? Dahil alam ko namang halos lahat ng Taxi Uber ay inaarkila lang din nila ang sasakyan. Anong gagawin ko? Eh, hindi naman siya puwede do’n sa boarding house ko kasi bed spacer lang ako. Hindi rin naman siya puwede matulog sa KTV room dahil pagagalitan kami ng may-ari. Ano gusto mo? Ihahatid mo siya o matulog na lang siya sa lansangan?”
Huminga nang malalim ang lalaki saka hiningi niya ang address dito.
“Okay. Fine. So, give me her address so I could drive her home,” aniya dito nang binuklat niya sa harap ni Ricca ang palad niya.
Agad naman kinuha ni Ricca sa bag ni Savanna ang cellphone at binuksan niya ito. Natigilan siya nang makita niyang kinansel na pala ng driver ang booking niya at napagtantuan niyang ibang sasakyan at plate number pala ang kausap niya ngayon. Napalunok siya ng laway dahil nagkamali siya. Mukha namang disente ang driver na ito at hindi naman siguro mapapahamak ang kaibigan niya.
“Uh, ito pala ang home address niya,” nahihiyang wika niya dito nang ipakita niya ang address na binook niya kay Savanna.
“Alright. I know that Alpha Dormitory. Medyo malapit lang siya dito kaya mahahatid ko kaagad siya.”
Ngumiti na lamang si Ricca at biglang nagbago ang pakikitungo niya dito. Ayaw niya lang ipahalata sa guwapong lalaki na nagkamali siya.
“Maraming salamat po, Kuya Driver. Aasahan kong iingatan mo ang pasahero mo, ah?" ngiting wika niya dito kaya galit na pumasok ang lalaki sa sasakyan saka niya i-pin ang location ng home address ni Savanna sa G Map niya.
Kumaway na lamang si Ricca dito habang pinagmamasdan niya ang paalis na kotse. She’s hoping na makakauwi nang maayos si Savanna at walang masamang mangyayari sa kanya.
Ilang sandali pa ay biglang pumasok sa isip niya ang hindi kaaya-ayang eksena.
“OMG! Paano kung may mangyaring masama kay Ate Savanna?"
Napakagat siya ng labi saka siya umiling.
“Hindi naman siguro gagalawin ng poging driver na ‘yon si Ate," nababahalang banggit niya sa sarili saka siya naglakad pauwi sa dorm niya.