Chapter 7

864 Words
SAVANNA’S POV PAGPASOK namin sa loob ng KTV ay agad na kinuha ni Lyla ang song book at sunod-sunod na nagpindot ng mga numero. Laking gulat ko nang makita kong naka-limang pindot na siya ng kanta. “Ang bilis mo naman, Lyla? Ako ng wala pang maisip na kanta,” natatawa kong wika sa kaniya saka siya nagsalita. “Alam ko na ang kantang bagay sa’yo,” aniya habang hinahanap ng hintuturo niya ang kanta. “Ah! Ito!” turo niya dito kaya napatingin ako sa title song. “At Ang Hirap by Angeline Quinto?” tanong ko dito saka siya tumango. Hinayaan ko siyang ipasok niya ang numero na ‘yon sa karaoke. Nagsimula nang kumanta si Lyla at habang ako naman ay tulalang pinagmamasdan siya. Dama ko ang bawat lyrikong binibigkas niya at dahil do’n ay biglang pumatak ang mga luha ko na kanina ko pang pilit na hindi gawin ‘yon. Akala ko hindi na ako iiyak, pero mas masakit pala kung pipigilan mo na halos ikamatay mo kung hindi mo ilalabas ang sama ng loob. Matapos ang limang kanta ni Lyla ay ako na ang sumunod. Tumindig ako saka niya binigay niya sa akin ang mikropono, at simula pa lang ng kanta ay muli akong naluha. Bigla ko na lang naalala ang happy memories namin ni Gerald. Simula no’ng niligawan niya ako, pinakilala sa pamilya niya at mga bagay kung saan masaya kaming namamasyal. Kahit ‘yong mga bagay na hinaharap namin ang problema sa buhay at pareho naming sinusulosyunan ‘yon. ‘Yung mga bagay na hindi namin napagkakasunduan, mga ilang away naming ginawa pero ang ending nagpapatawaran kami dahil mahal namin ang isa’t isa. Pero ngayon, dahil sa dating app lang na dinowload niya sa cellphone niya ay bigla na lamang niya ako tinalikuran. Hindi naman ako mahirap mahalin. Willing naman akong ibigay lahat basta’t totoong mahal niya ako at mahalaga ako sa kaniya. “At ang hirap... magpapanggap pa ba ako na ako ay masaya kahit ang totoo ay talagang wala ka na...” Hindi ko na natapos ang kanta dahil mas lalong winasak ng lyrikong ito ang puso ko. Napahagulgol ako ng iyak habang hawak ko pa ang mikropono ko. Agad akong niyakap ni Lyla nang marinig niya ako. “Shhh. Ilabas mo lang, Savanna. Nandito lang ako, hindi kita iiwan,” aniya sa akin saka siya humiwalay ng yakap. Pilit kong tinapos ang kanta pagkuwan ay umupo ako sa sofa. Di kalaunan ay pumasok na si Ricca dala ang beer at pulutan namin. Nilatag niya isa-isa ito sa lamesa saka siya nagsalita. “Alam ko kung gaano kasakit ang maloko dahil napagdaan ko rin ‘yon... kaya ang masasabi ko lang sa inyo, mga ate... kaya niyo ‘yan. Marami pang isda sa dagat kaya tuloy lang ang buhay!” Ngumiti si Ricca sa amin saka una niya akong niyakap kasunod naman si Lyla. “Hindi ko kayo madadamayan ngayon dahil sa dami kong ginagawa, pero babalik ako dito pagkatapos ng shift ko.” Humiwalay siya ng yakap kay Lyla saka muli siyang ngumiti at saka iniwan kami sa loob. “Yahooo! May beer na pala tayo! Tara?” masayang wika ni Lyla sa akin kaya agad na nagsalin siya ng beer sa dalawang baso at pagkuwan ay binigay niya ang isa sa akin. “Para sa bagong buhay!” wika niya nang iharap niya ang baso niya sa akin. Ngumiti ako saka ako nagsalita. “Para sa bagong buhay at para sa bagong puso!" aniko dito saka marahang tumawa si Lyla. “Cheers!" sabay naming bigkas pagkuwan masaya kaming tumagay at uminom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD