3RD PERSON POV
NAPAUNAT ng katawan si Savanna kasabay ng binuksan niya ang kaniyang mga mata. Kumurap siya ng dalawang beses nang matantuan niyang nasa ibang kuwarto siya. Napabalikwas siya ng bangon at agad na ginala ng kaniyang mata ang lugar na ito.
“Hala! Nasa’n ako?” tanong niya sa isip.
Kinapa ng kaniyang kamay ang malambot na kama saka lihim na napangiti siya dito dahil sa malaki ito kumpara sa dati niyang hinihigaan.
“Panaginip lang siguro ito. Hindi naman ako ganito kayaman para humiga sa ganitong klaseng kama. Kailangan kong matulog ulit,” aniya sa isip saka siya humiga at biglang napaisip siya kaya bumangon siya muli.
“Kung panaginip ito... mas maganda siguro kung sulitin ko nang nandito ako sa loob. Baka mamaya niyang magising pa akong di ko nalibot ang lugar na ‘to,” wika niya sa isip kaya bumaba siya ng kama.
Nakaramdam siya ng hilo nang bumaba siya kaya napahawak siya ng ulo habang ginagawa niya ‘yon.
“Ouch. Pati ba naman sa panaginip may hangover pa ako?” wika niya sa sarili saka dahan-dahang naglakad.
Namangha si Savanna na makita ang magandang disenyo ng kuwartong ito na halatang mayaman ang may-ari nito. May nakita siyang isang pinto kaya lumapit siya dito at binuksan niya. Nang mangyari iyon ay laking gulat nang makita ang opisina. Pumasok siya dito at ginala ng kaniyang mata ang laman dito. May nakita siyang mga naka-frame na certificates, medals at iba pang mga achievements.
“Aldrich Benitz, Summa Cumlaude ng Harvard University? Graduate siya ng Software Engineering at marami din siyang kinuhang mga courses,” bigkas niya habang nakatingin siya na naka-display sa pader.
“Okay. At bakit naman nakikita ko ito sa panaginip?” tanong niya dito habang naglalakad siya sa ibang parte ng opisina.
Natigilan si Savanna nang makita niya ang malaking trophy. Lumapit siya dito at nanlaki ang mata nang mabasa ang nakaukit dito.
“Online Dating Company of the Year 2016 is NorthE Tech. Dating App of the Year is PerfectSwipe. Dating Entrepreneur of the Year 2019 is Aldrich Benitz.”
Napahigit siya nang paghinga matapos na mabasa ang pangalan ng Dating App na ito. Ang pangalang sinira niya sa social media.
“Hindi. Panaginip lang ‘to,” naguguluhang wka niya sa sarili saka siya agad na lumabas ng opisina. Bumalik siya ng kama habang nakakunot ang noo dahil iniisip niya kung paano siya nakapunta dito o kung paano siya dinala ng panaginip dito.
Marahan siyang tumawa nang maisip niyang kailangan niyang matulog para magising sa katotohanan.
“Balik na muna ako sa pagtulog,” wika niya saka siya muling humiga sa kama.
Ilang sandali pa ay bigla niyang narinig ang boses ng isang lalaki.
“Are you up?” tanong nito kaya mabilis siyang lumingon at laking gulat na makita niya ang mala-batong abs ng lalaki. Half-naked ito at may towel na nakasampay sa leeg.
Sumigaw si Savanna nang matantuan niya ang magandang katawan ng lalaki.
“S-Sino ka? A-Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para i-r**e ako, ‘no? Isusumbong kita sa pulis! Sige ka!" tarantang banta niya dito habang binabalot niya ng kumot ang katawan niya.
Sarkastikong tumawa ang lalaki dahil naasar na siya dito kay Savanna simula pa kagabi.
“This is my house, Miss. Pinatuloy lang kita dito after what happened to you last night. Alangan namang pabayaan kita sa labas matapos kang makipag-away sa ex mo."
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Savanna habang binabalik tanaw niya ang nangyari kagabi.
“So, hindi nga ito panaginip?” tanong niya sa isip.
Muli siyang napahigit ng paghinga nang bigla niyang maalala ang nangyari kagabi.
“Oh my goodness! Anong kagagahan ang ginawa ko kagabi?” reklamo niya sa isip.