Chapter 10

1115 Words
3RD PERSON POV BIGLANG nabalik tanaw ni Savanna ang nangyari kagabi no’ng nalasing siya. Naalala niya bigla ang mukha ni Gerald kasama ang bagong babae nito. Akmang baba siya ng kotse ni Aldrich nang makita niya ang dalawa na naglalakad sa labas na tantya niyang galing ito sa dormitory ni Gerald. “W-What are you doing?" gulat na tanong ni Aldrich nang pilit na binubuksan ni Savanna ang pinto ng sasakyan. “Kailangan kong makausap ang ex ko! Kaya please pakibukas naman!” galit tonong pakiusap niya dito kaya agad na pinarada ni Aldrich ang sasakayan niya sa gilid ng Alpha Dormitory. Kagyat na bumaba si Savanna at paggewang-gewang na paglakad nito hanggang sa maabutan niya ang dalawa. Dagli na bumaba si Aldrich nang matantuan niya itong hihilain ang buhok ng babaeng kasama ni Gerald. “Walang hiya ka! Ang landi-landi mong pumatol ka sa may jowa na!” sigaw ni Savanna nang hilain niya ang buhok nito. “Aray!” sigaw ng babae nang mabilis niyang hinawakan ang buhok niya at pilit na nilalayo ito sa mga kamay ni Savanna. Namilog ang mat ani Gerald nang makita niya ang presensya ni Savanna. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Savanna at marahas na tinanggal ang kamay nito sa buhok ng bagong babae niya. “Tama na! Ano ba?!” sigaw ni Gerald matapos niyang gawin iyon pagkatapos ay isang malakas na sampal ang ginawa ni Savanna sa pisngi nito. “Ang lakas din ng loob mo, ‘no? Sino ba sa atin ang nagloko? Hindi ba’t ikaw? Bakit ganiyan ka, Gerald, ha? Matapos kong ibigay sa’yo ang lahat... matapos kitang supportahan, ito ang ipapalit mo sa akin? Wala kang utang na loob! Alam mo ba ‘yon? Napaka-unfair mo namang tao. Sana hindi ka na lang pinanganak kung manloloko ka pala!” naiiyak na sambit ni Savanna dito pagkatapos ay humarap siya sa babae ni Gerald habang nakataas ang dalawang kilay niya. “At ikaw... sa tingin mo bang hindi gagawin ulit ni, Gerald ang ginawa niya sa’yo? Heh. Magdalawang isip ka na. Kung pinanganak siyang manloloko, mamatay din siyang manloloko,” mataray niyang wika dito saka nagsalita ang babae dito. “Mahal ako ni Gerald kaya hindi niya magagawa ang bagay na ‘yon,” kumpiyansang wika ng babae dito kaya malakas na tawa ang ginawa ni Savanna dito. Akmang sasabunutan ni Savanna ang buhok ng babae ngunit bigla nang lumapit si Aldrich upang awatin ito. “Stop it!” sigaw na wika ni Aldrich dito nang hawakan nito ang braso ni Savanna. Napatingin si Gerald dito at namilog ang mata nang makita ang presensya ng magandang lalaki sa pagpigil nito kay Savanna. Tahimik na pinagmamasdan niya si Aldrich nang awatan nito ang ex niya. “Let’s go,” wika ni Aldrich dito habang hawak ang braso ni Savanna. “Ayoko! Bitawan mo ako,” pagpupumilit ni Savanna dito kaya mas lalong hinigpitan ni Aldrich ang paghawak niya sa braso dito kaya walang magawa ang dalaga . “Bitawan mo siya,” seryosong wika ni Gerald dito pagkuwan ay nagtama ang mata nilang dalawa hanggang sa nilayo ni Aldrich si Savanna dito. “You have no right to say that because she is no longer yours,” seryosong tugon na sabi ni Aldrich dito habang nakatitig siya sa mga mata ni Gerald. Ilang sandali pa ay biglang lumapit si Savanna kay Aldrich saka ngiting niyakap niya ito nang mahigpit habang nakasandal ang ulo nito sa makisig na dibdib. “Ang sweet naman ng driver ko. Mabuti ka pa pinagtatanggol ako. Heh,” ngiting wika niya dito na may halong pag-iyak habang nakapikit ang mga mata. Di kalaunan ay biglang nakaramdam ng hilo si Savanna hanggang sa may kung anong lumabas sa bibig niyang malagkit na bagay at niluwa niya ito papunta sa damit ni Aldrich. “Eww. Sumuka siya?” nadidiring tanong ng babae saka hinawakan ang braso ni Gerald. “Let’s go, Hon,” wika ng babae saka hinila si Gerald palayo dito. Tulalang parang bumaliktad ang mundo ni Aldrich nang maramdaman niya ang malamig na bagay sa damit niya. Huminga siya nang malalim saka pumikit upang pakalmahin ang sarili. Nang buksan na niya ang kaniyang mata ay napalunok siya ng laway nang yumuko siyang makita ang damit na sinukahan ni Savanna. Nilayo niya ang kaniyang ilong dito upang di niya maamoy ang suka. Napasigaw sa galit si Aldrich matapos niyang matantuan ito. Pagod siya sa byahe tapos ito pa ang mangyayari sa kaniya? Hinanap niya si Savanna at natantuan niyang nakahiga na pala ito sa semento. Bumuga siya ng hangin at binuhat niya ang dalaga papasok ng kotse. Wala na siyang choice kundi dalhin niya sa condo ang babae kahit labag sa loob niya. Hindi rin naman niya alam ang address nito kaya mapipilitan siyang gawin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD