Chapter 6

1018 Words
SAVANNA’S POV MATAPOS ang usapan namin ni Lyla ay nagpasya kaming lumabas at magpakasaya para kahit papaano ay makalimutan ko sandali ang problema namin. “Tara? Karaoke tayo?” anyaya ni Lyla sa akin saka ako tumango. “Magandang ideya ‘yan! Do’n tayo sa dati nating pinupuntahan?” “Do’n sa KTV house!” masayang bigkas niya dito saka niya nilibot ang palad niya sa braso ko. Kapuwa kaming masayang humuni habang naglalakad patungo sa KTV house. Madalas kami bumibisita ni Lyla dito kapag may okasyon o di kaya may problema kaming pinagdadaanan. Pagdating namin ay agad kaming nginitian ng kilala naming staff dito na si Ricca. All around ang trabaho niya, minsan cashier at minsan tagahatid ng pagkaing in-order. Bilib din ako dito dahil nagtatrabaho siya para may pangtustos siya sa pag-aaral. Kailangan niyang kumayod para sa makapagtapos siya ng kolehiyo. “Ano po sa atin Ate Lyla at Ate Savanna? May problema na naman po kayo?” pang-aasar niyang tanong sa amin saka siya marahang tumawa. “Nagbibiro lang po ako,” dagdag pa niya saka siya nagpunta ng cashier para kunin ang order namin. “Dating order pa rin, Ricca,” ani Lyla dito. “Alin do’n, Ate Lyla? The happy one or the sad one?” Binaling ko ang tingin ko kay Ricca hanggang sa magtama ang mata namin. Tinitigan ko siya hudyat nang ipabatid ko na hindi maganda ang pinagdaanan namin. Napatakip ng bibig siya saka agad na nagtipa sa cashier. “I’m sorry po. So... the sad one pala,” aniya habang tinitipa niya ang mga orders namin. Nakatatak na kay Ricca ang package na palagi naming ino-order dito sa KTV house. Kapag masaya at may okasyon ay palaging heavy meal na may cake ang pinipili namin. Kung may pinagdadaanan kami o malungkot ang araw namin ay pulutan at beer lang ang ino-order namin. Matapos na ibigay namin ang bayad sa kaniya ay muli siyang humingi ng paumanhin. “Pasensya na po mga ate, hindi ko po alam na may pinagdadaanan po pala kayo,” malungkot na wika niya sa amin. “Hindi ka ba nagbabasa ng social media?” tanong ni Lyla kay Ricca. “Uh, w-wala na po kasi akong oras para d’yan. Saka di na rin ako gumagamit ng social media dahil sa sobrang busy ko sa buhay,” sagot ni Ricca dito. Ilang sandali pa ay biglang bumuhos ang luha ni Lyla kaya agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Ano nangyari sa’yo?” pag-aalalang tanong ko sa kaniya. “Mabuti pa si Ricca, tahimik ang buhay niya sa social media. Pero tayo... nasasaktan dahil dito,” naiiyak na wika ni Lyla dito. “B-Bakit po, Ate Lyla? Ano po talaga ang nangyari sa inyong dalawa?” naguguluhang tanong niya kaya ako na mismo ang sumagot dito. “Alam mo ang PerfectSwipe?" Nanliit ang mata ni Ricca na halatang wala siyang maalala o hindi niya alam ang dating app na ‘yon. Nahihiyang tumawa siya saka siya nagsalita. “Ah, hehe. Pasesya na po, hindi ko kilala ang app na ‘yan,” kamot-ulo niyang sabi sa akin. “Isa siyang sikat na dating app na ginagamit ng mga tao sa panahon ngayon. Itong si Ate Lyla mo, na-scam ng lalaking naka-chat niya, ayon tinakasan siya ng lalaking ‘yon dala ang bente mil." Napahigit muli ng paghinga si Ricca. “Ano? Bente mil? A-Ang laki no’n, Ate Savanna!” “Kaya nga sobrang nasaktan si Lyla dahil sa nangyari sa kaniya." “Eh, paano po ikaw, Ate Savanna? Ano naman po pinagdadaanan mo ngayon?" tanong niya muli sa akin saka sumingit si Lyla para sagutin ang tanong na ‘yon. “Naghiwalay sila ng fiancée niya dahil sa dating app na ‘yon. Hindi alam ni Savanna na nakikipag-chat na pala sa iba ang jowa niya gamit ang PerfectSwipe. Ayon! Sumama sa iba si Gerald sa bago niyang babae!" salaysay ni Lyla dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD