Chapter 5

432 Words
SAVANNA'S POV "ANO NA gagawin ko, Lyla?" naiiyak na tanong ko sa kaniya. Nasa coffee shop ako ngayon na pagmamay-ari ng best friend kong si Lyla. Mabuti pa siya may maliit na sariling business, ako nangangarap pa lang kasi hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ilang sandali pa ay dumating na ang order naming Iced Coffee Americano and Iced Coffee Latte. Kinuha ko sa lamesa ang Iced Coffee Late saka ako sumimsim. "Alam mo, Savanna tama lang ang ginawa mo. Dahil no'ng ginamit ko ang App na 'yon... ang daming manloloko. Ilang beses na ako na-scam," malungkot niyang sabi sa akin kaya nanlaki ang mata ko. "Ano?! Paanong na-scam ka?" gulat kong tanong sa kaniya saka siya nagsalita. "Eh, do you remember na may ka-chat ako sa phone?" Tumango ako habang naka-fucos ang atensyon ko sa kaniya. "Pinautang ko kasi siya ng pera," naiiyak niyang dagdag na wika sa akin. "Magkano naman pinautang mo sa kaniya? Meaning, nagkita na kayo?" muli kong tanong dito saka siya tumango. "Akala ko kasi siya na, Savanna. Dahil ang sweet niya sa chat. Ang dami niyang pinangako sa akin tapos no'ng nagkita kami, sobrang sweet niya. Ayon tuloy... na-scam ako ng bente mil. Ginamit ko ang pera na pang-tuition sana ni Yazy," salaysag niyang wika sa akin saka sinubsob niya ang mukha niya sa lamesa "Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga, Savanna! No'ng binigay ko sa kaniya ang pera na 'yon, hindi na siya nagpakita sa akin!" aniya habang pinupukpok ng ilang beses ang noo niya sa lamesa. Napatindig ako nang matantuan ko ang ginagawa niya. Agad ko siyang pinigilan dahil baka mamaya niyan ay baka ako pa mamroblema sa pang-hospital dito. "Tama na nga, Lyla! Hindi mo na maiibabalik ang nakaraan," aniko nang hinawakan ko ang dalawa niyang braso, ngunit dahil sa matigas ang ulo niya ay hinayaan ko na lang siya. "Kaya naman siguro ng bungo mo ang lamesa na 'yan," pang-aasar na wika ko sa kaniya kaya napahinto siya at tiningnan niya ako ng masama. Di kalaunan ay bigla siyang umiyak sa harap ko. Agad ko siyang niyakap at dinamayan. "Okay lang 'yan, Lyla. Mababawi mo naman ulit ang bente mil na 'yon, eh. Mabenta naman ang coffee shop mo dito kaya alam kong makakaipon ka pa ng pang-tuition." Narinig ko ang pag-iyak niya kaya hinaplos ng palad ko ang likod niya upang tumahan. May kung anong pumasok sa isip ko na pumipigil sa akin na h'wag nang i-delete ang content ko. At panindigan ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD