Chapter 11

2495 Words
SAVANNA’S POV BIGLA kong tinakpan ang bibig ko matapos kong maalala ang nangyari kagabi. Tarantang mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa tabi ng kama saka ko siya hinarap. Napalunok pa ako ng laway nang makita ko muli ang katawan niya. Kagyat kong nilipat ang tingin ko sa mukha niya saka nahihiyang ngumiti ako dito. “K-Kailangan ko nang umalis. Uhm, pasensya na sa nangyari at nagpapasalamat ako dahil pinatuloy mo ako dito despite of everything sa ginawa ko sa’yo,” nahihiyang wika ko sa kaniya saka mabilis na pumunta sa pinto at nang hinawakan ko na ang doorknob ay bigla siyang nagsalita. “Sinong nagsabi sa’yo na walang kapalit ‘yon?” wika niya sa akin saka niya ako nilingon. Kita ko sa mga mata niya ang galit dito dahil sa nangyari kagabi. “Uh, b-babayaran ko na lang ang atraso ko sa’yo. Uhm...magkano ba ang damit na ‘yon?” tanong ko sa kaniya saka ako yumuko dahil sa kahihiyan. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa na may halong mapang-asar na boses. “Sa tingin mo bang mababayaran mo ‘yon?” Nakita kong humakbang ang mga paa niya papunta sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko lumapit siya. Mahinay na tumingala ako at laking gulat nang makita ko siyang seryosong nakatitig na sa akin. “Uh, puwedeng installment? Or kahit may interest, uhm... babayaran ko ang damit na sinukahan ko! Promise!” taas kamay kong panata sa kaniya dahil alam kong mamahalin at branded ang damit na ‘yon. Umayos ng tayo si Aldrich saka siya tumango. “Okay. Give tell me your number,” tipid niyang bigkas dito sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil paano niya makukuha ang number ko kung sasabihin ko lang. “Po?” naiilang na sabi ko sa kaniya. “Don’t mind it. I can memorize numbers right away, kaya sabihin mo na sa akin ang cellphone number mo,” mabilis niyang sagot sa akin kaya nag-isip ako ng ibang sim number na minsan ko lang ginagamit. Nang maalala ko ‘yon ay agad kong binigkas sa kaniya ang cellphone number. “094572100692 ‘yan number ko,” sadyang binilisan ko ang pagbigkas ko sa numero ko ngunit nginitian niya lang ako saka sunod na binigkas niya ang numero na ‘yon. Halos mapanganga ako ng bibig dahil mabilis niyang ma-pick up at ma-memorize iyon. “I’m good with numbers,” seryosong wika niya sa akin. “Uhm, sige alis na ako ha? Send mo na lang sa akin kung magkano utang ko kasama na rin ang bank account mo, then monthly ko babayaran ‘yon,” ngiting sabi ko sa kaniya kaya agad akong tumalikod at nang bubuksan ko na ang pinto ay muli siyang nagsalita. “May I know you name by the way?” Napapikit ako ng mata dahil hindi niya puwedeng malaman na ako si Savanna Gomez—ang nagpost ng bad review sa Dating App niya. Huminga ako nang malalim saka di sadyang sinabi ko sa kaniya ang ibang pangalan. “Anna!” wika ko saka ko siya hinarap at muli akong nagsalita. “Anna ang pangalan ko. Ikaw?” tanong ko sa kaniya kahit alam ko na ang pangalan niya dahil sa nakita ko sa opisina niya. “Aldrich Benitz and I’m the owner of—” Naputol ang sunod niyang sasabihin nang bigla ako nagsalita. “PerfectSwipe?” wika ko dito. “How did you know?” “Uhm, pasensya ka na talaga, Aldrich. Hindi ko sinadyang pumasok sa opisina mo kanina. Hindi ko dapat ginawa ‘yon. Akala ko kasi panaginip lang ito kaya naglibot ako. Hindi ko naman alam na bahay pala ito ng may-ari ng PerfectSwipe. Heh. Uh, maganda ‘yong App na ‘yon...” “...nakakasira ng relasyon,” mahinang na dagdag ko dito na may halong sarkastikong boses. “Pardon?” taas kilay niyang tanong nang di niya narinig ang huli kong sinabi. “Ang sabi ko, para kang si kupido—matchmaker, gano’n! Oh, siya Aldrich alis na ako. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka,” wika ko dito habang binibuksan ko ang pinto. Nang makalabas na ako sa unit niya ay nagpaalam na ako sa kaniya. “Bye!” wika ko dito pagkuwan ay agad na sinara ang pinto. Huminga ako nang malalim saka ako naglakad palayo dito. Ang daming pumapasok sa isip ko mga posibleng mangyayari sa hinaharap. Haaay. Sana naman hindi umabot sa singkuwenta mil ang damit na ‘yon. Hindi sapat ang sahod ko bilang sales lady para bayaran siya. Ano na lang matitira sa sahod ko kung gano’n ‘yon? * 3rd Person POV BUMABA ng sasakyan si Aldrich matapos na iparada ng driver niya ang limousine sa harap ng building niya. Pagkababa niya ay sinabulong siya kaagd ni Elmo. “Good morning, Sir,” bati nito sa kaniya saka siya tumango. Nahuli ng pagdating si Elmo dahil may inasikaso pa ito sa Germany kaya naunang umuwi ng bansa si Aldrich. “Pasensya ka na po, Sir Aldrich. Kung wala lang sanang emergency sa Germany para maasikaso ko ‘yon, hindi sana nangyari ‘yon kahapon,” paghingi ng paumanhin ni Elmo dito habang naglalakad sila papasok ng building. “Hindi na ‘yon ang problema ngayon, Elmo. We have a serious problem dahil hindi pa tinatanggal ng babaeng nag-post ng bad review sa f*******:. Kailangan natin kausapin siya ng personal kung maaari,” seryosong salaysay ni Aldrich dito sa secretary niya. “We tried to contact her sa email pero wala siyang response.” Pagpasok nila sa elevator ay hinarap ni Aldrich ang secretary niya. “That’s why we need her contact number para matawagan siya ang meet her in personal.” “S-Sure po, Sir Aldrich. We’re doing our best to get more information about her. Hindi kasi siya mahilig sa social media kaya wala siya masyadong details do’n. Email address lang ang nahanap ng social media manager natin. Bakit hindi na lang natin siya i-demanda ng libel, Sir? Mas mapapadali siguro kung ibigay natin sa batas ‘yon?” “We can't do that because it will enrage people, and there's also a point in her review's content. But it isn't our fault that this happens to her or anyone else, because our mission is to help people find true love.” “Kung gano’n, Sir... ano gagawin natin kung hindi pa rin siya papayag?” Napatingin nang malayo si Aldrich saka seryosong binaling niya ang mata sa pinto ng elevator saka ito nagsalita. “Let's talk to her in person and work out a deal so she can delete the content," sagot niya dito saka siya lumabas at nagpunta sa conference room kung saan nagtipon ang mga investors at board of directors dahil sa isyu. Pagdating niya sa loob ay agad na tumindig ang mga tao at binati siya. “Welcome back, Mr. CEO," ngiting pagbati ng Chief Operation Officer at pinsan niyang si Elijah Montiano. “Thank you, Elijah,” mabilis niyang tugon dito saka umupo ito kasama ang mga investors at board members. “I know how frustrated you are dahil sa isyung lumabas ngayon but rest assured na ginagawa na namin ng paraan para matanggal ang content.” Tumindig ang isa sa investor ng kompanya. “Mas lalong lumalala na ang sitwasyon natin ngayon, Sir Aldrich kaya kailangan natin ng agarang aksyon at h’wag nating pabayaang bumagsak ang PerfectSwipe. Nasa tuktok na tayo ng tagumpay kaya h’wag nating sayangin ang mga pinaghirapan namin at ang pera namin.” Kalmadong ngumiti si Aldrich dito nang harapin niya ito. “I am Aldrich Benitz, and I am the best entrepreneur and CEO in this country. Nothing passed through my hands that I didn't succeed at. Everything is under control, so please have faith in me that we will be able to fix this mess. Rather than focusing on the negative, why not consider the positive impact on this issue? People became more acquainted with us. More and more people are downloading the app, possibly because they want to know if the issue is true or not. Elmo will distribute our company's sales report and standing, so take a look at it.” Agad na binahagi ni Elmo ang dala niyang report sa lahat ng taong nasa meeting. Matapos na mabasa ng mga investors at board members ay tumango sila dahil naging maganda nga ang standing ng sales nila. “Tama si Sir Aldrich dahil mas lalo tayong nakilala ng mga tao kaya naniniwala akong magagawan ng paraan niyang tanggalin ang content na ‘yon,” ngiting wika ni Elijah dito saka binaling ang tingin niya kay Aldrich. Matapos ang matagumpay na meeting niya sa mga investors ay agad siyang nagtungo sa opisina niya. Habang naglalakad siya papunta ro’n ay hinarang siya ni Elijah kaya napahinto siya ng paglakad. “Insan naman! Pinakaba mo ako do’n, ah! Akala ko talaga na hindi ka pa uuwi ng bansa dahil sa inaasikaso mo do’n ang branch mo sa Germany. Naku talaga! Kung alam mo lang ang kaba ko kanina no’ng harapin ko sila na wala ka,” reklamo ni Elijah dito na umaktong naghihirap. “Tigilan mo nga ako, Elijah. Kung hindi dahil sa daddy ko ay hindi kita ilalagay dito sa kompanya ko as COO,”wika ni Aldrich dito kaya ngumiti si Elijah. “Alam mo naman na gustong-gusto ko maging COO ng kahit anong kompanya. Pero mas masaya akong nandito ako sa kompanya mo, Aldrich. Pinatunayan mo sa daddy mo na kaya mong magtayo ng saliri mong kompanya. Ang laki na kaya ng kompanya ng daddy mo tapos mas pinili mong gumawa ng sa’yo, NorthE Technology, ganda ng pangalan!” Si Aldrich ang nag-iisang anak ni Chairman Marcellus Benitz na may-ari ng Benitz Corporation na isang holding company ng iba’t ibang businesses dito sa bansa at sa ibang panig ng mundo. Nasakop na nila ang halos lahat ng mga malalaking kompanya o business sa Pilipinas. Real estate (Benitz Land), financial services and banking (Habenitsha Bank Ltd), telecommunications (TeleCo), water utilities, electronic manufacturing, automotive dealership and Malls. Tinanggihan ni Aldrich ang alok ng kaniyang ama na maging tagapagmana ng kompanya. Naniniwala si Aldrich na kaya niyang gumawa ng sariling kompany gamit ang sarili niyang kamay at hindi di-depende sa kung anong mero’n ang pamilya niya. Matapos na mangyaring nakipaghiwalay ang long-time girlfriend niyang si Serenity Torres ay naisipan niyang itayo ang NorthE Technology at gumawa ng Dating App na PerfectSwipe. Kahit ilang beses siyang pakiusapan ng kaniyang ama na i-take over ang Benitz Corporation, hindi siya nakinig dito dahil sinisi niya kay Chairman Marcellus ang pagkamatay ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Keanu Benitz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD