"THE JS PROM"
Maaga kami Nag asikaso ni Ma'am Carla para daw sa mga gagamitin ko sa prom, pumunta na kami sa beauty salon at doon ay marami umasikaso sakin piling ko isa akong mayaman na mayaman na babae sa inaasal sakin ng mga nag tatrabaho doon at si maam Carla naman ay tuwang tuwa, Kasama din namin si Carlo na pinag aayos din ni Ma'am Carla, kami dalawa ang inaasikaso ng mga nasa beauty salon. Ang manager nila doon ay masinsin ang pag bantay sa amin dahil yon ang sabi ni ma'am Carla na maging maganda raw ako at especial.
Magkahiwalay kami ni carlo ng room ako ay nasa special room daw ng salon na ito at si carlo ay nasa kabila.
Narinig ko kumatok si Carlo sa amin.
"Mom? I'm done and the party will start soon"
"Yes darling, Mauna kana" Tugon ni maam Carla
"Okay susunduin ko pa si Cindy" Sabi nito.
Nang marinig ko lamang yun, Bigla ako nalungkot, akala ko kasabay ko sya pupunta doon.
Matapos ako ayusan ay pinasuot sakin ang napakagandang damit.
"Hija Suotin mona ang gown mo"
" Ah cge po ma'am Carla"
"She's so beautiful madam, Kabog na kabog na wala pa ang gown lalo na siguro pag suot na BOOM!"
Sabi ng Manager, nag blush naman ako sa sinabi nito. (Totoo kaya maganda ako ngayon?)
Sinuot ko na ang gown at pag labas ko sa fitting room ay nanlaki ang mga mata nila na parang nakakita ng multo.
"Wow! You're so beautiful" sabi ni maam Carla
"Sabi ko na ng aba mala prinsesa ang dating nito" sabi ng manager.
Tumingin ako sa salamin at kitang kita ko ang napakagandang light pink na gown na suot ko makinang ito at parang prinsesa talaga ako para akong si cinderella.
At ang prinsipe ko ay si Carlo.
" Sabi ko na nga ba misty ang damit nay an ay babagay sayo, look at you now, so gorgeous and beautiful. Lahat ng lalake sa prom nayun ay mag lalaway sayo!" Sabi nito na pa excited pa ang pag kasabi.
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Salamat po ma'am Carla sa lahat ng effort nyo at mga nagastos nyo sa akin"
"Nako, wag mo intindihin lahat ng ito" Sabi nya at saka umalis na kami at ihahatid na rin nya ako sa Venue ng Prom namin"
-------
Hindi ko namalayan na 6pm na pala kase parang kanina lang ay umaga kami nag aasikaso ni ma'am Carla kasama si Carlo Tapos ngayon ay 6pm na 30 minutes before start.
Nasa Entrance na kami ni maam Carla ng venue at nadungaw ko ang mga estudyante na nasa labas pa ng venue tila hindi pa sila pinapapasok pero lahat sila ay naka handa na partner partner sila at Nakita ko rin si Carlo at Cindy na magkasama. Huminto na ang kotse at Nakita ko ang mga estudyante doon na napatingin sa sasakyan na gamit namin ni maam Carla.
"Hija, you may go na ikaw na bahala mag hanap ng kapareha mo ha? Alam ko naman sa ganda mo nayan eh baka sila pa mag kandarapa sayo" sabi nito.
Bigla ay namula ako ewan ko pero kinakabahan ako.
Pag baba ko sa kotse ay dahandahan ako inalalayan ng aking ama na kasama pala namin at siya ang nag dadrive sa amin papunta dito (Author: muntik ko na makalimutan yung tatay ni Misty hehe)
Nakababa na ako at Nakita ko ang mga kapwa ko estudyante na sakin nakatingin lahat.
"Wow! Si misty ba iyon?"
"Oo nga ang ganda nya!"
"Ang ganda nya talaga sobra"
Yun agad ang mga narinig ko salita mula sa mga tao sa paligid namin ni tatay.
"Oh anak, ikaw na bahala dito ahh, mag enjoy kalang sa party wag ka papaligaw ha?" sabi ni tatay at napangiti naman ako.
"Opo tatay, Kasiyahan lang naman hindi po ako papaligaw hanggang di pa po ako nakakatapos" Sabi ko sabay yakap kay tatay.
Pag kaalis nila tatay ay para akong na istatwa sa kinatatayuan ko. Lahat kase sila ay nakatingin sakin. Hanggang sa Nakita ko nalang ang isang napakakisig at gwapo na lalake na papalapit sa akin naka Gray suit ito. Lumuhod ito sa akin at saka kinuha ang mga kamay ko at hinalikan ito at sinabing "Can you be my partner Mistisa?"
"H---ha?" yun lang nasabi ko kay waren at tumayo ito"
"Bakit meron kana ba partner?" sabi nito.
"Ah wala pa"
"Hehe ako din wala eh so tayo na?" sabi nito, sabay lahad ng kanyang braso na parang isang prinsipe na nais nyang kapitan ko sya at alalayan ako sa aming pag lalakad na para bang isang prinsesa. Agad ko tinugunan iyon. Kahit na ang nais ko ay si Carlo ang taong aalalay sakin. (Gusto ko siya maging prinsepe ko)
Tumingin ako sa Dereksyon nila Carlo at Cindy, Nakita ko parehas sila nakatingin samin, si carlo ay masama ang tingin samin at si cindy naman ay parang malungkot. Pero napaka ganda ng suot ni Cindy naka blue dress ito at para syang isang prinsesa habang si Carlo naman ay naka Black suit at sobrang gwapo rin nya.
"Misty, Alam moba na ikaw ang pinaka magandang babae dito?" Bulong ni waren sa akin
"Naku akala mo lang yun, Tignan mo si Cindy napakaganda rin ng suot nya at napaka ganda nya" Sabi ko sa kanya pero mahina lang.
"Sus, maganda lang yung damit nya" bigla ko naman siya hinampas.
"Tumigil ka nga sa pag pintas sa kanya malay mo ikaw at sya ang maging Ms.Q and Mr.K" sabi ko at nag iimagine mode pa ako at sa imagine mode ko ay nakikita ko na bagay na bagay si Cindy kay Waren. Bigla naman dinutdot ng daliri ni waren ang noo ko.
"Tumigil kana rin sa imagination mo, hindi ko type yan ang type ko ikaw!" sabi nito sabay halak hak ng tawa.
Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nito ewan ko ba kay Waren parang pag nag sasalita sya kampanti parin ako kahit ano pambobola sabihin nya sakin. Hindi kagaya ng nararamdaman ko kay Carlo parang lagi sasambog dibdib ko kahit di naman nakakakilig mga sinasabi nya.
At nag umpisa na ang event.
Partner partner kami pumasok sa entrance magkahawak ang mga kamay at umupo na sa bawat Table na nakaset sa apat na tao.
Wala na kami ibang Makita na table ni Waren dahil kami ang last na umentra at Nakita ko kumakaway si Cindy sa amin at inaaya kami sa bakante nila upuan.
Lumapit kami agad ni Waren dito.
"Dito na kayo total wala pa umuupo ditto" Sabi nito
"Salamat Cindy," Sabi ko at inaya na si Waren umupo.
TEACHER ON STAGE: Good Evening! Ladies & Gentlemen, the junior and senior prom night is now begin. Let's party and enjoy until 12 midnight. You may dance together with your partner or crush but No KISS! We are watching you guy's and also we are choosing one of the best man to be a KING and also one of the best Lady to be a Queen of the night! Thank you and enjoy!
At ayun na bigla nag dilim ang kapaligiran at bigla tumugtog ng malakas at may mga sumasayaw na sa napakalaking stage. Nag tatambling pero ang kanilang mga suot ay formal attire din.
Napakagaling ng mga sumasayaw at sa sobrang galling nila napapasigaw ang mga nanunuod.
"Whoooo!!! Crush ko yung naka Red Tie!!!!" Sabi ng isang babae mula sa likod namin.
"Woah? It so loud" reklamo naman ni waren.
Natawa naman ako. " Ganun siguro pag crush mo ang isang tao kayang kaya mo isigaw kapag nasa malayo na sya!" sabi ko naman.
"Talaga? Pano kung katabi mo sya?" Pang aalaska naman ni Waren na nakatitig sakin at saglit na tumingin kay Carlo na nasa gilid ko." Ang table kase naming ay bilog ako ay sa gitna ni waren at carlo, Si carlo ay nasa kaliwa at si waren naman ay nasa kanan at si Cindy naman ay nasa kanan ni Waren at nasa kaliwa naman sya ni Carlo. Paikot ang position naming apat at ganun din ang iba. At sa table naman ay may nakagitnang white & pink rose nakalagay ito sa magandang klase ng base.
"Tumigil ka waren huh" sabi ko.
"Gusto moba sya maging first dance?" Tanong nito at namumula naman ako baka kase marinig ni Carlo eh ang lapit lang kaya nya.
"Joke lang ako magiging First dance mo syempre" Sabi nito tapos ay kumindat. Bigla naman ako napaisip. Parang naghihinayang ako na si Waren ang unang makakasayaw ko at hindi si Carlo.
Tumingin ako kay Carlo na nakatingin lamang sa mga sumasayaw sa stage ngayon ko lang kase sya tinignan dahil nahihiya ako tumngin sa kanya.
Naka suot sya ng formal suit gaya ng iba at Blue stripe white ang kanyang neck tie at black suit at ang gwapo talaga nya sobra napaka gwapo.
Diko alintana na nakatingin na pala sya sakin.
"Ano tinitingin tingin mo?" Sabi nito na nakakunot ang noo. Iniwasan ko ang mga mata ko sakanya.
"Ahh--- wala !" sabi ko at namumula na ata ako sa hiya.
"Wala pala eh" sabi nito at nag sawalang bahala.
Pagkatapos ng masayang sayawan at tugtugan bigla nalang may kumanta ng love song at may kasama pang instrument na ang tugtog ay napaka romantic. Bigla nalang nag sipag tayuan ang iba may kapareha at sumayaw sa gitna.
Nakita ko tumayo si Carlo at inilahad ang palad kay Cindy at wari'y hinihingi nito ang kamay ni cindy " Cindy can I dance with you" Sabi nito, Tumingin naman si Cindy sa amin na para ba ang mga mata nya ay may pag aalinlangan at Nakita ko ang pag tingin nya kay waren. Bumalik ang tingin ni Cindy kay Carlo.
"Sure, Thank you carlo" Sabi nito at tinanggap ang kamay ni Carlo at tumayo upang mag sayaw.
Tumayo naman si Waren at gaya ni carlo ay ginawa rin nito ang pormal napag aya. "Misty, can you teach me how to dogie?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nito sabay tawa ng malakas. Tumawa rin ako.
"Joke lang, pinapatawa lang kita kase selos na selos kana eh" Sabi nito at namula naman ako.
"Can I dance with you, Misty?" Sabi nito na seryoso na. Ngumiti ako upang maging tugon na pumapayag ako.
Sinabayan ng romantic na sayaw ang love song na kanta.
Marami na ang mga sumasayaw kasama sa gitna at isa kami ni waren doon. Nakatitig sakin si Waren at naiilang ako rito dahil hindi ko alam ano ire-react ko sa kaniya para bang hindi ako kampante sa ganung titig nya.
"Mistisa, you so beautiful and gorgeous, I'm so impress" Sabi nito na mahina lang tama lang para ako lang ang makarinig. "S-salamat waren" tugon ko namumula na ata ako.
"Gusto ko akin kalang" sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito (Weyt? Anudaw?) "H-ha?"
Tumawa ito nga nakakaloko "Hahahah wala yun practice lang hahahah"
"Hay nako, ikaw talaga!"
At maya maya pa ay nauso na ang pag pasa-pasa ng kapareha at may isang lalake din ang nag sabi kay waren "Can I dance her please" pormal na pamamaalam nito. At tumugon si Waren "Sure" At yun na ilang lalake narin ang naka sayaw ko at ilang babae narin ang nakasayaw ni Waren at hinahanap ko na si Carlo at Cindy kung sila parin ba ang nag sasayaw. Maya maya pa ay pinatigil na ang sayawan. Hindi ko manlang nakasayaw si Carlo.
Nalungkot ako dahil kahit sana sa pagkakataon na iyon lang ay mahawakan ko ang bisig nya, makatitigan manlang sa saglit na minuto.
Nakita ko si Waren. Cindy Carlo na naka upo na pala at may mga nag seserve narin sa kanila ng pagkain.
Nakita ako ni Waren at tumayo ito. "Oh Misty? Tara na at kumain muna tayo"
Umupo ako na ako at ganun rin si Waren.
Ngumiti si Cindy sa akin. "Kamusta, siguro marami ka nakasayaw noh?" Sabi nito, at napawi narin ang lungkot sa mga mata nito.
"Ah ou nga eh, ang dami ko nakilala yung iba nasa junior high pa" sabi ko dito
"That's nice" sabi nito.
Mukhang masayang masaya talaga ito. (Ano kaya nanyare)
"Let's eat guys" Sabi naman ni Carlo.
Pagkatapos ng ilang minuto napag kain ay umakyat muli sa stage ang aming guro.
"Okay guy's are you enjoy this party and the food also? Do you like it?"
"Well our Ms and Mr Mc, will announce if who is the king and queen of the night" Pahabol na sabi nito, Kinabahan ako bigla rito ng marinig ko. Nag si bulungan ang lahat at nag matya ito ng ingay.
"Pero bago yun meron din tayo ibang award hindi lang KING AND QUEEN."
"Kung meron tayo King & Queen syempre meron din tayong Prince & Princess para sa junior high, meron din tayong Stags of the night" Tumawa pa ang ilang mga estudyante at kanya kanyang turuan para sa mga walang partner or loner. Nag tuloy sa anunsyo ang aming mahal na guro.
"Meron din tayo Award para sa mga especial ang suot Best in Dressed of the night, we were announced it right now"
Nagpalakpakan kami at bigla na nag dilim at agad pinalitan ng liwanag. Nawala na ang aming guro at napalitan ng iba pang mc sa stage.
"So Let's begin" Sabi ng dalawang mc nalalake at babae. Bigla ay nagkaroon ng katahimikan
Mc 1: Let's start to announce if who is the stabs of the night syempre Girl and Boy para naman meron sila last dance.
Mc 2: And take note kung sino man ang makaka partner ninyo sa award siya na ang last dance nyo, dun naman sa mga wala nakuha you can dance and choose who is you wanted to be until last dance.
Mc 1: Kaya Goodluck!
Mc 2: Okay,, So the Stabs of the night are.....(Dooooog doooog doooog!!) (Sounds Effect)
Mc 1 & 2 : Congratulations to Mr. Philmar M. Larrazabal & Ms.Rose Mae Hernandez our Stabs of the night! Come here and grab your award.
Pumalakpak naman ang mga estudyante habang papaakyat sa stage ang dalawang na mention.
Meron sila logo batch na pinin sa kanilang suot at binigyan ang lalake ng bulaklak para naman iabot sa babae.
Kinikilig naman ang mga nanunuod. (Pati ang nag babasa joke )
Mc 1: So, natunghayan na naten kung sino ang unang nakakuha ng nasabing award, So ano next naten Mr mc?
Mc 2: Ngayon naman We will announce the Very perfect Dress of the night.
Mc 1: So Our Mr. & Ms Best Dress award to..... Mr. Waren Lee and her partner is........... Ms. Cindy Sebastian.
Lahat ay napatingin sa aming direksyon ang mismong spot light ang nagturo kung sino man ang nabanggit na pangalan. At tumuro ito kay Waren at Cindy lahat ay nag palakpakan maging ako ay masaya sa kanila. Tumayo si Waren at inilahad ang palad kay Cindy. "Tara na Ms. Cindy" Maginoong sabi nito, Nakita ko ang pamumula ni Cindy na para bang kamatis na ang pisngi nya sa pula. Tinanggap naman ni Cindy ang kamay ni Waren at magkahawak kamay na pumunta sa Stage.
Habang si Carlo naman ay naka simangot na naman. Siguro naiinis sya dahil hindi nya naka partner si Cindy sa last dance ng prom.
Kitang kita naming sa stage ang dalawa, binigyan na ni waren si cindy ng bulaklak at kinikilig ako kase sabi ko na nga ba at bagay sila dalawa.
Mc 2: Meron pa tayo kailangan I aanounce
Mc1: At kailagan na natin bilisan dahil malapit na ang 12 midnight at meron pa sila last dance.
Mc 2: Our Prince & Princess of the night is................... "Mr. Ralph Maprangala and Ms. Jezlyn Mendoza" !!!
At ang spotlight ang nag turo kung sino ang mga nabanggit na pangalan.. Tumayo sila at magkasama umakyat sa stage. Sinuotan sila ng prince and princess crown at binigyan din ng bulk flowers ang lalake para ibigay sa babae.
Nagpalakpakan ang mga estudyante.
"Hoy!" Napalingon ako kay Carlo.
"Naisip mo na ba nasana ikaw ang maging Queen of the night?" Tanong nito. Nakatitig lang ako sakanya at tumikhim muna bago sumagot.
"Hindi nayun mahalaga" Sabi ko lang.
"Sabagay, pipili naman sila ng may class" Sabi nito. "Kaya kung ako sayo wag kana mag assume" Yumuko lamang ako sa sinabi nito medyo may kirot lang sa puso ko na marinig ko at sakanya pa galling.
Totoo medyo may pag nanasa ako na sana ako ang queen at si carlo ang king, doon ko lang kase ma eexperience ang makasayaw at maging ka partner si Carlo. Kahit dun lang sana.
Mc 1: So ang King and Queen of the night nalang,
Mc 2: Medyo iba ang effect pag king and queen na, ang mismo spotlight ang mag tuturo kung sino ang napili at saka naming announce kung sino sila.
Mc 1: oo nga para naman special talga!
Mc 2: Sige na excited na kami.
Mc 1: sino kaya ang napaka gwapo at napaka gandang, Hari at Reyna natin ngayong gabi?
Mc 2: Yung girl sobrang dami bumoto doon.
Mc 1: Talaga? Maganda ba talaga?
Mc 2: Ou maganda talaga sya kahit ako gusto ko sya isayaw kanina.
Mc 1: Hay nako pinag papalit mo na naman ako. (Sabi nito at nag sipag tawanan pa ang mga estudyante sa kakulitan ng dalawa mc)
Mc 2: Oh tara na bago pa tayo mag tampuhan.
MC 1 &2: Our king and Queen of the night are.......................................................................................
Bigla nag lakad na ang spotlight kung san nito nais ituro ang mga taong makakakuha ng award.
At nagulat nalamang ako dahil ang spotlight ay tumuro sa akin. Wala ako Makita nasisilaw ako sa sinag na dala ng ilaw, Tumayo ako upang tignan kung kanino nakatutok ang isa pang ilaw habang ang mga estudyante ay masigabong nag papalakpakan.
"Our king of the night Mr. Carlo L. Villagracia and Queen of the night Ms. Misty Clavel"
Pag lingon ko sa likod ko ay Nakita ko si Carlo na napakaliwanag din gaya ko.
(Ibig sabihin, Siya ang ..... Siya ang king ko?) Napangiti ako ng Makita ko sya nakatayo narin sa kinauupuan kanina.
Nakatitig lang din sakin si Carlo, at maging ako ay di makawala sa kanyang titig, nakakakaba, kumakabog ang dibdib ko sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Parang ang bagal ng pag ikot ng orasan sapag kakataon na nakatitig lamang ako kay Carlo.
Ngumiti ito sakin at dahan dahan kinuha ang isang kamay ko at bahagya pa itong yumuko upang halikan ang likod ng palad ko. Para na ata sasabog ang puso ko sa ginawa nya (Bakit nya yun ginawa? Bakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit, nakakakilig naman!!!! Sana dina matapos to!!!!!!!!) Sobrang init ng kamay ni Carlo na nakahawak sa aking kamay.
"Nakakakilig sila!"
"OMG napaka gentle man!"
"Ang top 1 and top 2 ng Senior high sila ang queen and king!!! OMG!!!"
"Bagay sila!! Sana sila nalang!"
-------------------
"So Tara na" Sabi nito at hawak parin ang kamay ko.
Magkasama kami nag lakad papunta sa stage nakasunod parin ang ilaw ng spotlight sa amin upang alalayan kami pumunta sa stage.. Pag akyat naming ay may inilagay pareho samin ang crown ng king & queen of the night. Mga sandaling iyon ay sobrang saya ko.