MISTY POV
Narito na kami ngayon sa tapat ng gate nila Carlo's.
"Oh pano mistisa kita nalang tayo bukas sa school ah" sabi ni waren.
"O sige na waren, maraming Salamat ah" Sabi ko sabay baba ng kotse nito matapos ako pag buksan.
"Yeah, thank you din sapag tapos ng project kahit puro meme's lang nasabi ko hahahaah" sabi nito sabay halak hak ng tawa. Natawa rin ako.
At pag pasok ko sa gate nila Nakita ko si tatay na nakatingin pala sakin at mukhang kanina pa sya doon.
" Tay!" bati ko sa kanya sabay mano.
"Oh anak, sino yung kasama mo sa kotse nayun?" tanong nito at sumusulyap pa sa nakaalis na sasakyan.
"Si waren po yun, kaklase ko po sya, hindi na po ako nag paalam sa inyo kanina dahil may inutos si maam Carla sainyo, kasama ko kase sya gumawa ng science project naming at kami po mag ka grupo."
" ah ganun ba anak?" sabi nito at bigla ito ngumiti.
"Napakaganda ng kotse nya anak, kapag sya ang napangasawa mo baka sakali na guminhawa ang buhay mo dahil mayaman sya." Sabi nito sabay tawa.
(Si tatay talaga)
"Nanliligaw na ba sya?" Pag uusisa pa nito. At natawa naman ako.
"Tatay naman! Sinabi ko na nga sayo diba mag kagrupo lang kami sa project" sabi ko rito.
"Project lang ba talaga ha?"
Napalingon kami ni tatay sa bigla sumingit sa usapan namin. Si Carlo pala ang nagsalita Nakatayo ito sa may likuran namin. Nakasando ito at naka short pero ang gwapo parin nya sa ganung anggulo.
"Oh Carlo, bakit ka nandito sa labas" Tanong ng Tatay
"Alam nyo ho kase manong Marlon, Si waren ay kilalang playboy sa school, kaya wag nyo na ho syang pangarapin para sa anak nyo, hindi sya seseryosohin nun, pag lalaruan lang nya ang anak nyo at lalo lang kayo maghihirap at si mommy na naman ang tutulong sa inyo dahil mga ambisyoso at ambisyosa kayo!" Sabi nito sabay pasok sa loob ng bahay.
Nagkatinginan kami ni tatay dahil pareho ata kami natulala sa sinabi ni Carlo.
Bigla naman tumawa si tatay.
"Hahaha ang bata nayun talaga" sabi lang nito
"Wag ka mag alala anak, nag aalala lang yun sayo kase baka nga naman lukohin kalang ng lalake nayun" Sabi nito sabay akbay sakin at tumungo na kami sa loob ng bahay.
Bigla ako namula dahil sa sinabi ni tatay, (Totoo kaya nag aalala si Carlo sakin?)
Pag pasok naming sa bahay ay agada ko nag asikaso sa kusina, ito kase ang mga ilan sa trabaho ko.
Napatalon ako sa gulat ng mag salita ang tila ba kanina pa nakatingin sa akin " Hoy!" si carlo pala ito na nasa pinto ng kusina at nakatingin sa akin.
"H-ha? B-bakit?" Lumapit ito sakin. At napapaatras naman ako dahil tuloy tuloy ang pag lapit nya sakin. "C-carlo" Sabi ko na nauuntal pa, natigil ako sap ag atras ng madikit na ako sa sink ng kusina.
"Akala mob a diko alam na nag date kayo ni Waren? Sa mismo bahay nya pa?"
"H-ha? Ano sinasab---" naputol ang sasabhin ko dahil muli na naman siya nagsalita "Can you explain it to me?" Bigla nito pinakita ang cellphone nya at napatingin naman ako dito. Nanlaki ang mga mata ko sa Nakita ko. Ako at si Waren, at kung matatandaan ko kuha ito mula sa likod ng bahay nila na may swimming pool at nandoon kami sa Table na romantic ang theme design na akala mo talaga nag dedate kami pero ang totoo ay gumagawa kami ng experiment.
(Pero paano nag karoon si Carlo ng picture naming dalawa ni Waren? Hindi kaya sinusubay bayan nya ako? Pero bakit?) Yan ang tumatakbo sa isipan ko ng mga oras na tinitignan ko ang picture naming ni waren.
"So now? Denay it!" Napatingin ako sa naka ngising si Carlo.
"Ah.. " panimula ko. Ewan ko ba bakit ako kinakabahan eh wala naman ako masama ginawa. Oh dahil sa until ang distansya naming dalawa kaya ganun parang sasabog dibdib ko.
"May sasabihin kaba?" Sabi nito.
"C-carlo kase---"
"Kase? Kase totoo nakikipag landian kalang, tumakas ka sa mga gawaing bahay para lang makipag landian sa Waren nayun! Makakarating ito kay mommy!" sabi nito sabay alis.
At naiwan ako sa Kitchen. Ano kaya problema nya? Napangiti nalang ako sa naisip ko.
(Baka nag aalala talaga sakin si Carlo kase umalis ako ng bahay nila pinasundan ako para alamin kung ok lang ako?)