LAST DANCE
Tumugtog na ang Romantic song para sa last dance gaganapin ito hanggang sa matapos na ang kasiyahan.
Hawak ko ang kamay ni Carlo at ang isa ko pang kamay ay nasa balikat nya at ang isa rin nyang kamay ay sa aking bewang. Kahit makapal ang gown na suot ko dama ko at bumabakat ang kamay nya sa aking bewang.
At ang isa nyang kamay na hawak ko ay nag iinit sa aking pakiramdam. Tumitig ako sa kanya at ganun rin sya sa akin nakatitig lamang kami sa isa't isa para ako matutunaw sa mga titig na iyon.
"Misty," sabi nito, bigla naman ako na windang sa tawag nya hindi sya galit pero seryoso ang tawag nya sa pangalan ko. At hindi sya naka Hoy.
"B-bakit"
"ah--- wala" bigla bawi nito.
Nag iwas ito ng tingin sa akin. Nagawi ang tingin nya kay Waren at Cindy, Tumingin rin ako doon at Nakita ko ang masayang ngiti nicindy kay waren nag uusap na sila at napaka ganda rin ng ngiti ni waren ditto habang nag uusap sila.
"Look! Dahil sayo hindi tuloy napili si Cindy as a queen!" Sabi nito sa akin. Mukhang bumabalik na naman sa dati nyang ugali. "Bakit kapa kase inayusan ng bongga ni mommy eh wala naman espesyal sayo? Si Cindy sana ang gusto ko makasayaw at hindi ikaw!" Napalunok ako.
"S-sorry carlo" yun lang nasabi ko matapos ay yumuko.
"Dahil sayo, si cindy at waren ang magkapartner, balak ko pa naman na sana umamin sa kanya na mahal ko sya" Lalo ata ako nasaktan sa sinabi nito at di ko na napigilan na mapaluha at ayoko Makita nya ito kaya tumakbo ako papalayo sa kanya.
Hindi ko alam san ako pupunta wala ako Makita masyado dahil ang mga luha ko ay bumibilog saking mga mata. Narinig ko rin ang pagtawag ni waren at ang pag tawag ni cindy.
Ramdam ko rin na may humahabol sakin hindi ko ito pinansin basta kung sana ko may Makita tahimik na lugar doon ako hihinto at ng Makita ko hinahanap ko ay huminto na ako.
"Misty!!!! Nakakainis ka talaga!" NApalingon ako sa nag salita alam ko hindi si waren ang may ari ng boses nayun. Kundi si Carlo.
"What are you doing misty? Are you insane?" sabi nito, patuloy parin ang pag luha ng mga mata ko na parang ayaw din nila paawat. Nakatitig lang ako kay Carlo wala kasi ako masabi lalo na ngayon parang black out ako.
"Okay!!" Sabi nito at kumamot pa sa ulo at huminga ng malalim.
CARLO POV
Sinundan ko si Misty dahil bigla nalang ito tumakbo habang nasa kalagitnaan kami ng stage at nag sasayaw kasama ang iba pa.
"Misty!!!" Tawag ko dito "Nakakainis ka talaga" Sabi ko matapos ko sya maabutan na nakatayo sa garden ng venue na ito. Napalingon ito at kitang kita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Para ako na konsensya kase alam ko may nasabi ako kaya siguro sya umalis at ngayon umiiyak.
Nakatitig lang ito sakin patuloy parin ang pag luha ng kanyang mga mata. Nag aalala na ako sa kanya, di ko alam na sensitive pala siya. At parang sobrang bigat din sa loob ko Makita sya at syempre hindi ako sanay na umiiyak ang mga babae dahil sakin.
"What are you doing misty? Are you insane?"
"Okay!!" My final said, napakamot pa ako sa ulo dahil hindi ko alam ano sunod na sasabihin mas nakaka kaba pa pala ito kesa ang umamin kay cindy. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim.
"I apologies misty for what I've said, kasi ang totoo mas maganda ka naman talaga kay Cindy ngayong gabi kaya ikaw ang napili nila and you deserve it. Saka sorry kase sinisisi kita, ayoko sana sirain ang gabi naten, kaya bumalik na tayo doon bago matapos ang prom and... baka isumbong mo ko kay mom na pinaiyak kita in this event." Mahina ang pag kakasabi ko non, nahihiya kase ako sa kanya ewan ko ba bakit kinakabahan ako ngayon. Inabot ko saknya ang payo na sinyales na pamunas sa knyang luha.
Ngumiti ito at saka pinunasan ang mga luha sa mga mata gamit ang panyo na inabot ko sa kanya sa wakas at tumigil na ito sapag iyak. Pero yung ngiti nya na iyon, Nakita ko narin iyon kanina nung nasinagan kami ng spotlight, first time ko Makita ang ngiti ni Misty sa akin parang kakaiba talaga siya, para siyang prinsesa nung mga sandali at ako ang prinsipe di ko napigilan ang gawin saknya yung mga nakaraang araw na pinapraktis ko gawin sana kay cindy.
Pero mas masaya sana kung si cindy ang tao na yun. Kaso alam ko naman na si Waren talaga ang gusto nya.
Siya ang nag pakuha ng litrato noon kay Waren at Misty nung gumagawa sila ng project alam ko naman na gusto gusto nya lagi malaman kung ano mga ginagawa ni Waren Lee at kaya naiinis ako sa Waren nayun.
"Salamat Carlo, wag ka mag alala hindi kita isusumbong kay maam carla" sabi nito, Ngumiti ito sa akin.
"Teka? Alas dose na pala" sabi ko ng magawi ang mata ko sa relo na suot ko.
"Ha? Paano yan?" Pag aalala tanong nito sakin.
"Wow! Tignan mo carlo ang gaganda ng mga bulaklak!" Sabi nito at nakatingin sa mga bulaklak, nasa garden nga pala kami.
"Sus, Ang dami dami nyan sa garden naten!" sabi ko naman.
"Pero tignan mo sila, lalo sila gumaganda dahil nag liliwanag sila dahil sa sinag ng buwan"
"Oh ngayon? Ano naman" sabi ko rito, tumingin ito sa akin, yung titig na parang makasalanan ako tao.
"Oo na! maganda sila, sobrang ganda!" sabi ko nalang. Para naman matahimik na sya.
Kitang kita ko ang paghanga nya sa mga bulaklak sa garden nilibot nya ang garden habang ako ay sinusundan nalang sya, pinag mamasdan ko nalamang siya. Di ko maipag kakailang maganda talaga si Misty lalo pa syang maganda dahil nakangiti siya at hindi natatakot sa akin, parang lagi kase itong takot sakin pag tinatawag ko siya kaya naman naiinis ako sa kanya.
"Hoy misty! Baka hinahanap na tayo nila mom at ni manong marlon" sabi ko sa kanya.
"Oo nga sige tara na!" Masayang sabi nito.
Hahakbang na sana kami paalis pero bigla tumugtog ang waltz song sa speaker galing doon sa party.
"Ano nanyayare sa loob? Baka hindi pa tapos" sabi ko
"Hindi, ang ibig sabihin nyan carlo papalabas na ang mga estudyante" sabi nito
"Talaga? Sayang hindi ko nakasayaw si Cindy" sabi ko naman tapos ay tumingin kay misty.
"Alam kona, Ano kaya kung magsayaw tayo ngayon? Marunong ka ba mag waltz?" Parang nagulat ata ito sa sinabi ko. Gusto ko kase mapraktis dahil alam ko pagkatapos ng js prom ay mag sasayaw kami ng waltz at si cindy na ang alam ko makakapartner ko doon.
"Oo, eh ikaw?" Tanong nito
"Medyo, pero turuan mo nalang ako" sabi ko rito.
Tapos ay nag sayaw kami ng waltz kasabay ang musika na naririnig namin.. Tinuruan nya rin ako ng iba pang steps hanggang sa dina namin namalayan ang oras at parehas kami napagod na kakasayaw kahit wala na tugtog. Sa huli step pag ikot ni Misty at pag salo ko sa knya ay agad nag salubong ang aming mga mata, ang kanyang labi ay malapit na sa aking labi, ng makita ko ito para ako magnet na gusto idikit ang labi sa kanya. Naamoy ko rin ang hininga nya na napaka bango at sobrang init non.
"Hoy ano ginagawa nyo dito sa garden!!!" Parehas kami napalingon sa pinanggalingan ng boses, isang guard ang nakakita sa amin sa ganung sitwasyon, hawak ko ang baywang ni misty at nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg.. ito kase ang last steps namin at saka mag hihiwalay ang partner at mag ba-bow sa audience. Pero natagalan talaga kami sa part na yun dahil parang kinukuryente ako sa knya at mga titig nya na nakakapag pamagnet. (Tsssk Ano nanyayare sakin!!!)
"Kanina pa umalis mga kasama nyo ah? Umalis na kayo baka kayo yung hinihintay ng nakaparadang kotse dun sa gate!" Nanlaki ang mga mata namin.
"Ok po sir, salamat po" Sabi ni misty.
"Hay nako kayo talaga mga kabataan masyado kayo mapupusok" sabi ng manong guard, Tumingin ako kay misty na sobrang pula ng pisngi nakayuko ito at hiyang hiya sa nanyari. Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate para tanawin kung kanino kotse nga ba ang naghihintay.
At confirmed na kotse ni mommy yun.
MISTY POV
"Misty & Carlo? Where have you been? It's too late?" Pag aalala sabi ni Ma'am carla sa amin matapos bumaba sa kotse.
"Nahuli ko sila madam may ginagawang milagro sa garden" Sabat naman ni manong guard.
Bigla nag taas ang kilay ni Ma'am carla. "What? Totoo ba yun Carlo? Ano ginawa mo kay Misty?" Tanong ni maam carla na nag uusisa pa ang mukha sa amin.
"Totoo ba na gumagawa nakayo ng milagro?" Sabat naman ni Tatay. Di ko alam kung ano sasabihin kase ano ba kase yung milagro na sinasabi nila. Basta nahihiya na ako at pakiramdam ko sobrang pula ko na.
"Mom and manong marlon! Wag nga kayo maniwala dyan sa guard na yan! Let's go and I'm so tired!" sabi naman ni carlo at nauna na pumasok sa kotse.
"Ay naku tara na ma'am carla, mukhang nag sasabi nman ng totoo ang mga bata, alam nyo naman si misty mahilig sa mga bulaklak baka naman nagpunta sila sa garden kase maganda ang garden nila dito" sabi naman ni tatay kay ma'am carla.
"Oh yes, oo nga pala mahilig pala si misty sa flowers" Sabi nito habang pabalik na sa kotse.
Sumunod na ako sa kanila at sumakay sa likod na ako kase si maam carla at tatay ay sa front seat kami ay sa back seat ni Carlo at katabi ko sya ngayon.
Tumingin sa akin si carlo matapos ko umupo sa tabi nya. Ganun rin ako sa kanya, pero agad din nyang binawi ang tingin nya sa akin.
"So kayo pala ang king and queen" sabi ni maam carla.
"Dahil dyan mag cecelebrate tayo pag uwi" sabi nito
Napansin ko na suot pa pala namin pareho ang korona namin. Naalala ko yung sa garden, sobrang saya ko dahil si Carlo ay kasama ko sa mabulaklakin na lugar at sa ilalim ng buwan kami ay nag sasayaw at piling ko kami ay nasa isang payapang lugar at magiliw na nag sasayaw at ang sandali na iyon piling ko siya at ako ay nag mamahalan.
_________
Hindi ko malilimutan ang pang yayari na iyon sa buhay ko ang makinang na mga mata ni Carlo na nakatitig sa akin, hindi iyon umaalis at parang naninindigan ang titig na iyon na hindi nya ako kayang iwan kahit kelan. Kaya maninindigan rin ako, na balang araw ay siya at ako lamang hanggang sa huli.