CHAPTER 2 - Number one Suitor

1345 Words
[Christen Park] NAPASINGHAP ako nang makita ko ang kabuuan ng mukha ni Mikko Jang. Nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang senior ko. Masyadong matangkad kumpara sa akin na ang height ay limang talampakan at tatlo lang. Makakapal ang kilay niya, parang may mahika ang mga mata na kulay-tsokolate at may kasingkitang mga mata, alon -alon ang itiman niyang buhok, matangos na ilong at maninipis ang mga labi. Sa kabuuan ay malakas ang presensiya nito. Idagdag pa ang seryoso nitong mukha. Biglang pumasok sa isip ko ang mga naganap noong mga unang taon ko sa kolehiyo.  "Save it! I'll treat you to..." Tumigil siya saglit para tingnan ang relo niya. "Breakfast," aniya. "I-I-I don't want to eat," tanggi ko na uutal-utal. Ayoko na muna siyang makausap nang personal. Kaya lang ay kumulo ang traydor kong tiyan, bigla akong napahiya. Nakita ko na nagtaas ang makapal na kilay ni Doc. Mikko. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin, gano’n din naman ang pag-atras ko hanggang sa mapasandal ako sa pader. Sinandal niya ang mga braso sa pader na para bang ikinulong ako ng mokong doon. Literal na kabedon ang ginawa niya. Halos isiksik ko ang sarili ko sa puti at malinis na pader. Gusto ko sanang magpanggap na bacteria na kumakalat sa hangin sa oras na ito. May kasalanan kasi ako sa kanya kaya ganito ako kumilos. May guilt kasi akong naramdaman nang dahil sa huli naming pagkikita limang taon at mahigit ang nakaraan. Malamlam ang mga mata ni Doc na nakatitig sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nagrarambulan din ang dibdib ko sa kaba. "'Wag kang mag-alala, hindi na ako ang 'stalker' mo dati, I'm your senior now." Ngumisi siya at binawi ang kamay para ituwid ang katawan. Kumuha siya ng paper cups at nagsalin doon ng tubig mula sa dispenser. Tatlong baso rin ng tubig ang nilagok niya. Matapos iyon, gusto ko siyang sakalin sa mga sumunod na narinig ko mula sa kanya. "Isa pa, hindi ka na maganda sa paningin ko kaya hindi na kita type." Humakbang siya papalayo. Umawang ang labi ko at napaisip kung mabilis na ba akong nalosyang sa edad na beinte. Parang gusto ko tuloy siyang batuhin ng stress ball dahil na-stress ang mga skin cells ko sa kanya. Nilingon niya akong muli at nahuli niya akong naka-amba sa hangin. "Let's go!" aya niya. "Sa… Sa bahay na lang ako kakain," katwiran ko sa kanya. Parehas kaming marunong sa tagalog dahil magkakilala ang mga pamilya namin. "As your senior, it's my obligation to treat you well. Hindi ko hahayaan na magutom ang kahit na sinong doktor na nasa poder ko." Napansin niya na hindi pa rin ako natitinag. "If you want more general surgery in the future, come with me," sabi niya sa akin saka tumalikod.  Napasimangot ako. Sumunod ako sa kanya dahil nakasalalay dito ang career ko. Habang naglalakad kami sa isang mahabang pasilyo mula sa operating room palabas ng gusali na iyon, napansin ko na maraming nurse ang nagpapa-cute kay Doc. Mikko. Ang iba pa ay masama ang tingin sa akin. Katulad lang din noong college kami, noong panahon na manliligaw ko pa siya. Yes, he is my most persistent ex-suitor. Pinasakay niya ko sa ordinaryo niyang silver na kotse. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo nang maayos. Habang-daan, naisip ko kung ano ang huling mga naganap sa amin ni Doc Jang. Freshmen lang ako noon at siya naman ay graduating. I'm turning sixteen and he's twenty-two. Advanced kasi ako ng tatlong taon sa school kaya 14 pa lang ay nasa college na ako. Well, iba na kapag matalino. Malaki akong bulas noon sa edad na fourteen, kaya hindi masabi ng mga kaklase ko noon na menor de edad pa ako nang bonggang-bongga. Mikko is a popular student, but to my surprise sa isang katulad ko siya nagpadala ng love letter. Iba ang reaksyon ko nang makatanggap ako ang sulat mula kay Mikko Jang—natakot ako. Well, what would you expect for a 16-year-old young lady na makatanggap ng isang love letter mula sa isang mahigit beinte anyos na lalaki? During that time, ang nasa isip ko talaga ay sobrang tanda na ni Mikko Jang. He sent me love letters almost every day hanggang sa umikot na ang tsismis sa buong school. I have five suitors that time. Ang dalawa ay kapwa ko kaklase, ang dalawa pa ay mga hindi ko alam kung saan nagmula at idagdag niyo si Mikko sa picture na pang-lima. O 'di ba ang haba ng hair ko noon? Hanggang sa hindi na love letter lang ang natatanggap ko, may mga nagpapadala na rin sa akin na mga threats mula sa ibang mga babae na nababaliw kay Mikko Jang. Isang araw, inimbitahan ako ni Mikko na magmerienda mula sa sulat na ibinigay niya sa akin nang umaga na iyon. Unang beses ko rin siya na makakausap nang personal dahil madalas na sa isang side-kick niya inuutos na ipadala ang mga sulat. My buddy, who is a classmate, pushed me to accept the invitation. Sabi niya, malapit na ang graduation at baka magpaalam nang maayos sa akin si Mikko kaya napapayag ako. Dumating ang hapon. Nakaupo ako noon sa isang bench na tulad ng instruction ni Mikko Jang. Sobra ang kaba ko noon. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag. Kung tutuusin, lalabas na unang date ko iyon! Nakita ko siya na papalapit sa akin. Mas dumoble ang kaba ko na halos takasan na ako ng hangin. Limang metro bago siya makalapit sa akin ay bigla akong tumakbo papalayo sa kanya. Naiwan siya na tulala at hindi alam kung ano ang ginawa ko. Nagtago ako sa comfort room ng mga babae sa loob ng sampung minuto para kalmahin ang sarili ko. Nang lumabas ako roon, wala na si Mikko Jang sa lugar ng usapan namin. Doon ako nakahinga ng maluwag. Ilang araw pa ang lumipas, lumalapit din ang graduation ni Mikko. Pabalik na ako sa dormitoryo mula sa huling klase nang mapadaan ako sa garden. Nagtaka ako noon kung bakit maraming pulang rosas ang nakakalat sa sahig na para bang isang makitid na daan patungo sa kung saan hanggang sa mapahinto ako dahil sa mga katagang nakasulat. I will miss you, Miss Park. Ito ang mga nakasulat sa Hangul na gamit ang mga bulaklak ng rosas. Mami-miss na ako agad hindi naman kami close? Hanggang sa lumitaw si Mikko Jang mula sa kung saan na bitbit ang isang kumpol ng mga rosas. Nakapalibot sa amin ang mga estudyante na hindi ko alam kung kinikilig, naiinggit o naiinis. Noon ko lang napansin na nasa gitna ako ng isang hugis-puso na binuo ng mga rosas na pula. Nasa loob din si Mikko Jang. Lumalapit siya sa akin habang hawak ang kumpol ng rosas. Natakot ako muli at nagrambulan ang kaba sa dibdib ko. Tumahimik ang lahat nang isang metro na lang ang layo ni Mikko sa akin. "D-d-don't pester me in the future! Stalker!" Ito ang mga katagang lumabas sa bibig ko noon sa harap niya at sa maraming estudyante na nasa paligid. Tila nag-echo ang mga sinabi ko na iyon, nakita ko rin ang sakit sa mata ni Mikko Jang. Sa takot, kumaripas ako ng takbo. Hindi ko akalain na iyon na pala ang huli niyang pang-aabala sa akin. Kinabukasan, wala nang love letter ang basta na lang iaabot sa akin tuwing papasok ako ng Chemistry Class. Wala na ring Mikko Jang na nagparamdam pa sa akin hanggang sa makalimutan ko na lang ang pangalan niya sa loob ng mag-aanim na taon. "Christen! Christen!" Bumalikwas ako sa kinauupuan! Nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan ni Doc. Mikko. Hindi ko akalain na nakatulog na pala ako. "Ihahatid na lang kita sa tinutuluyan mo, I see na napagod ka sa operasyon," sabi niya sa akin. "Yes, mag-ga-gatas na lang ako sa apartment. Pahatid na lang ako sa Blue Ridge apartment," ang hiling ko sa kanya at halos ayaw ko na siyang tingnan. Sa ngayon, ang hiling ko na lang ay huwag sanang isa-puso ni Mikko ang mga naganap na iyon sa amin noong kabataan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD