THE SUN was shining. Heat was all over the city. Sa kasalukuyan, sabi nila ay nasa 33 degrees ang temperatura dito sa siyudad ng Rome.
Pinili ko na dito sa isang ospital sa siyudad mag-practice ng surgery. I am Christen Park. As of now, at the age of twenty years old, I'm a resident doctor.
May isang buwan na rin akong dito na nagtatrabaho. At the age of 17, I completed medical school at Oxford University na malapit sa Kent Mansion. Last year, I completed the stage of being an Intern. Kaya may isang taon na rin akong residente matapos ko na maipasa ang level 4 ng medical exam. Kaya sa edad kong disinuwebe, may lisensya na ako bilang doktor.
Masasabi ko na ako ang pinakabatang resident doctor sa ospital na ito. Baka nga hindi lang dito sa ospital kun’di sa buong planeta. O ‘di ba? Ang bongga!
Matapos kong mag-ikot-ikot para kamustahin ang mga pasyente, naisip ko na bumalik muna sa clinic ko.
Isang maliit na opisina lang iyon na nahahati sa dalawa. Ang sekretarya ko ang nasa bungad, isa siyang filipina. Sa loob ang opisina ko na halos 6 square meters lang ang laki; na kasya lang ang isang table, medicine box at isang cabinet. Saka siyempre ilagay niyo na rin ako sa picture. Ano ang naiisip niyo? 'Di ba para kaming sardinas? 'Yung sardinas noon ha, noong panahon pa na siksik ang mga isda sa loob ng lata. Ewan ko na lang ngayon! Hindi naman ako pwedeng magreklamo sa sikip ng kwarto ko dahil bago pa lang ako rito.
I never used my family background in this field dahil naniniwala ako na galing at talino ang labanan sa siyensya at medisina. Hindi ang apelyido. Kahit pa nga palakasan madalas ang labanan sa ibang bagay.
Sige lang, hinahayaan ko lang sila dahil narito naman ako to practice medicine and not to compete.
"Doc Christen, you have a schedule tonight at six for general surgery," pagbibigay-alam ng sekretarya ko na si Xiel.
"Got it!" ngumiti ako sa kanya.
Sa ngayon, puro minor injuries pa lang ang pinahahawak sa akin, but to my surprise a general surgery came in.
"The patient's file is on your table," dagdag ni Xiel.
Tumango lang ako saka pumasok sa pagitan ng sliding door. Inabot ko ang files at masusing binasa ang file ng pasyente pati na rin ang mga doctor na kasama ko sa surgery. Siyempre, curious ako kung sino ang surgeon sa operasyon na iyon.
Mikko Chen Jang, basa ko sa pangalan ng senior surgeon. Napatingin ako sa kisame na para bang inaalala ko kung sino ang taong nakasulat sa papel na hawak ko. His name sounds familiar. Alam ko na may nakilala na akong Mikko Chen Jang.
Anyway, bahala na nga! magkikita rin naman kami mamaya. Binasa ko na lang ang diagnose sa pasyente. Isang 52 years old na babae at may bumara sa puso nito. Nagkaroon ng clot ang mga ugat nito na malapit sa dibdib. Isang mahirap na surgery. Kaya napaisip ako kung bakit ako ang napili na isama sa grupo ng mga doktor gayong baguhan pa lang ako sa ospital.
Kahit pa nga nagmula ako sa number one school sa larangan ng medisina. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.
…..
SUMAPIT ang sampung minuto bago ang alas-sais ng hapon, nagtungo na ako sa operating section ng ospital na iyon. Suot-suot ko ang berdeng surgical gown. Una kong ginawa ay kinuhanan ko ng blood pressure ang pasyente na may-edad na babae at iba pa na sa akin nakatoka bilang resident doctor.
Ilang saglit pa, isa-isang nagsipasukan ang mga doktor na kasama ko sa operasyon. Nagtagpo ang mata namin ng lalaki na sa palagay ko ay si Mikko Jang. Nang-aarok ang mga mata ni kuya na nakatingin sa akin. Bahagya akong na-conscious sa tingin niya. Nailang ako kaya ginawa ko na lang ang trabaho ko at inireport sa kanya ang status ng pasyente.
Matapos niyang malaman na normal ang blood pressure ng pasyente, pinahiga sa metal na higaan ang ginang. Tinurukan ito ng gamot ng anesthesiologist sa buto nito sa likuran. Ilang saglit lang ay nagsimula ang operasyon.
Mahaba ang oras ng surgery. Ayos ang lahat ng proseso hanggang sa magkamali ang isa pang fellow doctor na kasama ni Dr. Jang, si Doktora Alexa Brown.
Umagos ang dugo sa dibdib ng ginang na pasyente. Naging alerto kaming lahat matapos ang nakabibinging ingay na narinig namin. Nag-beep ang aparato indikasyon na humina ang puso ng ginang. Natakot ang fellow doctor at tila natulala ito dahil sa nangyari.
"Sh*t!" napamura ako.
I gently pushed her aside at ginawa ang paraan para matulungan si Doctor Jang na pigilin ang pag-agos ng dugo ng pasyente.
"I need five bags of blood!" sigaw ko sa staff.
Kita ko sa mata ni Doc. Mikko na bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Siguro dahil iyon din ang nasa isipan at nais niyang iutos, naunahan ko lang siya.
Mabilis na kinabit ko ang bag ng dugo na katulad ng blood type ng ginang at itinurok ang needle sa braso niya. Pinigil naman ni Doc. Mikko ang pagsirit ng dugo mula sa dibdib ng ginang.
Napansin ko lang na tila nags-sync in ang utak namin ni Doc. Mikko sa pagsalba sa buhay ng pasyente hanggang sa tuluyan nang bumalik ang pulse rate nito sa normal.
Isang mahabang oras pa ang lumipas bago natanggal ni Doc Mikko ang mga fats na dahilan kung bakit humina ang puso ng ginang. Kahit ang bumabara dito ay natanggal niya. Ako naman ang nakasalalay sa pagmonitor ng heart beat niya at sa ilang bags ng dugo na kailangan iturok sa pasyente. Tinulungan ko rin siya sa iba pang mga bagay hanggang sa matahi at malagyan ng gauze ang sugat.
Ilang oras bago natapos ang operasyon, inabot kami ng sampung oras. Alas-kuwatro na ng madaling araw ang kasalukuyang lokal na oras at nakaramdam na ako ng gutom at uhaw. Kahit pag-ihi ay hindi maaari sa sampung oras na iyon. Ganito ang klase ng trabaho na pinili ko.
Lumabas ako ng operating room at nagdiwang nang matagpuan ko ang water dispenser na naghihintay sa hallway.
Binaba ko ang patong-patong na surgical mask at kumuha ng tubig gamit ang paper cups na nasa katabing rack. Uminom ako ng tatlong baso dahil sa sobrang uhaw.
"Doc Christen, thank you for helping me inside." Hindi ko naramdaman na lumapit sa 'kin si Dra. Alexa. Isa siyang American na nasa late thirties na ang edad. Makikita na rin ang pagod sa kanyang mukha. "It's my responsibility to do that operation and yet I failed. I tried to forget my problem back home but I failed…" sabi niya na halatang hindi pa nakaka-move on sa muntik nang ikamatay ng pasyente kanina. "You are so young and talented. I could tell that you have good hands in surgeries."
"You think too highly of me, Doc," ang tangi kong nasabi. Siguro namula rin ako sa papuri niya.
"Still, you performed my duties as a fellow doctor. Now I understand why Mikko choses you to be part of this operation. I'll treat you to a meal next time," sabi niya at tumuloy ng lakad.
Bahagya akong napaisip sa mga huling sinabi niya. Kung ganoon, malaki nga ang posibilidad na magkakilala talaga kami ni Mikko Jang.
Paglingon ko, sinalubong ako ng mata ni Mikko. Ibinaba niya ang mask na tumatakip sa kanyang bibig. Umawang ang labi ko dahil tuluyan ko nang nakilala ang lalaki sa likod ng pangalang Mikko Jang.
"I-ikaw!"