CHAPTER 7 – My Baby Girl

1247 Words
[Mikko Jang] I KEEP myself awake habang nasa biyahe. Bilang doktor, sanay na akong gising kahit sa loob ng halos dalawang araw. Madalas na 26 hours ang duty ko sa ospital bilang Senior Surgical Resident. Pinakiramdaman ko lang si Christen habang nasa biyahe. Nabigla na lang ako nang dumantay ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Hinayaan ko lang siya sa ganoong ayos. As long as she’s with me, I have no complaints. Hindi pa man ako nag-eenjoy sa malambot na pisngi niya na nakadikit sa braso ko ay huminto na ang taxi sa hotel na destinasyon namin. Bigla akong nagkaproblema, ayokong gisingin si Christen dahil pakiramdam ko ay hindi pa oras para maghiwalay kaming dalawa. "Sir, can you drive around the city? Let's say, 10 kilometers around?" Napatingin sa akin ang driver at tila nagtataka. Pero napangiti rin siya nang makita ang ayos ni Christen na tila anghel na ibinaba sa langit na natutulog. Nagsimula muli na umandar ang taxi na sinasakyan namin. Napapangiti ako na parang teenager na naranasan ang unang date sa crush niya habang nakaupo sa likuran ng pampublikong sasakyan. I can't explain what I really feel at the moment. Pinagmasdan ko na lang ang mga ilaw na nagliliwanag sa kalye. Ang mga sasakyan na sinasabayan ng taxi sa daan habang sinusuportahan ko ang ulo ni Christen. Then, I looked at her calm face. Panaka-naka ay nagrereflect sa mukha niya ang galaw ng ilaw ng kalsada. There was a demon at the back of my head, urging me to kiss her. Agad ko rin naman na tinanggal sa isipan ko ang hokage moves ko na iyon. For me, she was still a baby. Kapag nahuli niya ako, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang bagay na iyon sa kanya. Baka mapagkamalan niya pa akong m******s. Sa ngayon, wala akong magagawa kung hindi ang hintayin na kusang magising ang baby girl ng buhay ko. Haay, Christen Park, what did you do to me? ----- "SIR, we are back." Lumingon ang taxi driver sa likod ng sasakyan. Ayaw ko sanang bumaba dahil nag-eenjoy pa ako sa sandaling panahon na iyon nang hindi alam ni Christen, pero ayoko rin naman na magka-stiff neck ang aking baby girl. "Can you ask someone in the lobby to help us?" tanong ko kay manong driver. He smiled at me. Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya napapangiti sa akin. Lumabas siya at ilang saglit pa nga ay may mga hotel staff na siyang kasama. Ipinadala ko ang lahat ng gamit namin ni Christen sa bell boys. "Thank you so much, Sir," saad ko sa taxi driver at inabot ang bayad sa kanya. "You are such a sweet, young man. Have a nice vacation with your girlfriend." He smiled again, may ningning sa mga mata niya habang nakatingin kay Christen. Ngayon ay alam ko na kung bakit nakangiti siya sa akin buong biyahe. He finds me sweet. Well, what can I say? I never cared for anyone before. Hindi ko alam kung bakit para akong gago na kinilig sa sinabi niya. Ang ending tuloy, dinagdagan ko ng 200 Australian Dollars ang bayad ko kay Manong Australian. Sobrang dali lang akong pasayahin, basta tungkol kay Christen Park. I'm happy and he's happy dahil napagkamalan niya akong boyfriend ng magandang binibini. May instant bonus tuloy siya sa akin. Then, I carry Christen like a princess towards the hotel entrance. "I'm Mikko Chen Jang," pakilala ko sa receptionist. Partner ang Dad ko sa hotel na ito. Isang 30-storey building na malapit sa city center. "Oh! Master Mikko, you're here!" Nakita ko na nagliwanag ang mukha ng Hotel Manager na naglakad patungo sa gawi ko. I know him. He's almost 50 at matagal nang naninilbihan sa pamilya namin. "Yes, I called the other day telling you about my visit. I'll send you our identification card later." Tumango ito at tinawag ang bellboy na lumapit sa amin para ihatid kami ni Christen sa kuwarto. Malalim ang tingin ni Manager kay Christen kaya hindi ko napigilan na tanungin siya sa malamig na paraan. "What is it?" "N-nothing, Master… I just can't believe you'll bring a young lady." Hindi ko na siya pinansin at naglakad patungong elevator. Mabilis na nagbago ang mood ko nang marinig ang mga tsismosang hotel staff. "It's a pity that he has a girlfriend." "His girlfriend is so beautiful." "Yes, yes, and he's so sweet." "Sana may magbuhat din sa akin ng ganyan" "Mataba ka, kaya walang bubuhat sa iyo!" "Shhh!" nagagalit na saway ng manager. Wala akong pakialam kung ano ang gusto nilang isipin, but I'm happy na napagkamalan na naman akong boyfriend ni Christen Park. Pumasok ako sa elevator. Bitbit ko pa rin ang aking baby girl. "Master Mikko, maybe you let us hold her, baka mapagod po kayo." Matalim ang tingin na ipinukol ko sa bellboy. Napaatras naman siya dahil biglang naningkit ang mga mata ko. Damn this guy! Hahayaan ko ba na magdikit ang balat nila ni Christen Park? No, no, kahit langgam lang ang pagitan ay hindi ko hahayaan. I'm a possessive man, so what? I'm happy holding her like this. Hindi ko alam kung kailan ulit ang susunod kaya I grab all the chances I have. Siguro sa mata ng mga taong nasa paligid namin ay para akong bata na nabigyan ng candy. Hindi naman nagtagal ay nasa harap na kami ng hotel suite. May dalawang kuwarto iyon kaya sakto lang sa amin ni Christen. "Which one is the bigger room?" tanong ko sa isang bellboy. Tinuro niya ang isang kwarto. Tinungo ko iyon. Nang masiguro na malinis, maganda at bagay sa personalidad ni Christen Park, ipinasok ko siya sa loob at inihiga—sa malaki at malambot na kama. Nakita ko na umikot siya ng higa at niyakap ang isang unan. My poor baby girl, mukhang sobrang napagod siya sa biyahe. Pinagmasdan ko ang mukha ni Christen at saka ako napangiti. Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto na ibinibigay niya sa akin; hanggang ngayon ay nababaliw pa rin ako sa kanya. Ipinagpatuloy kong pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Inaalala ko ang maganda niyang mga mata na sa kasalukuyan ay nakapikit. Those light brown eyes na mapanuri kapag nakadilat. I like her shoulder-length dark brown hair, it’s a natural color. Lahat silang magkakapatid ay nakuha ang kulay ng mata nila at buhok kay Master Cloud. Nagawa kong paglaruan ang buhok niya ng mga daliri ko habang pinapasadahan ng tingin ang bawat parte ng mukha niya. Her eyebrow, na hindi nalalayo sa kulay ng kayang buhok. Mahahaba ang pilik-mata. Her nose, ah! it reminds me of Lady Gaga’s nose. Even her lips. Ang katangian niyang iyon ang dahilan kung bakit patay na patay ako sa kanya noong nasa medical school kami. Sinaktan niya nang sobra ang damdamin ko noon, pero ayos lang. I will never be the Mikko Jang today if not for Christen. Nagsikap kasi ako para pantayan ang talino niya. Ilang araw na wala akong tulog at pahinga para lang pag-aralan ang trabaho na mayroon ako sa ngayon. Ilang libro, ilang operasyon ang pinagtrabahuhan ko para lang maabot ko si Christen. I never stopped… I never stopped loving Christen Park.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD