CHAPTER 6 – Real Identity

2504 Words
[Christen Park] NATULALA ako nang magdikit ang labi namin ni Doc. Mikko. Siguro nanlaki na rin ang mata ko. Hindi ko kasi akalain na nasa likod ko na pala siya habang nagtatago ako sa gilid ng pader. Sa sobrang gulat ko ay na-off balance tuloy ako. Kung hindi niya ako agad nasuportahan sa baywang at likuran na para bang magsasayaw kami ng swing, malamang na nabagok na ang ulo ko sa sahig. Mabilis akong humiwalay sa katawan niya at mabilis din na nag-init ang aking buo pisngi at tainga. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil nagawa ko pang i-angkla ang braso ko sa leeg niya. Pakiramdam ko talaga ako ang may kasalanan kung bakit biglang nagdikit nang bahagya ang mga labi namin. Parang balewala naman sa kanya ang nangyari. He looked at me like I’m not that special, ordinary. The nerve! Does he know na first kiss ko iyon?! At ninakaw niya lang basta. Hindi ko pa nga nagawa na mag mouth-to-mouth resuscitation! Bigla akong napaisip, bakit nga ba hindi ko pa iyon nagawa? Doktor ba talaga ako? Ang sagot lang naman e, mas advance ang siyensya ngayon! Having a thought na idikit ang labi sa kung sinong pasyente lalo na kung iisa lang ang ngipin at naninilaw pa ay— I don't have this thought! No! No! There was no such thing like this in Christen's thought! "Let's go!" Naputol ang nililipad kong kaisipan nang marinig ko si Mikko. Binabangungot ng gising, iyan ang nangyari sa akin nito lang. Kung may nangangarap ng gising, mayroon din ang bangungot. Because you are daydreaming about things that you wouldn't like. Magaan na hinawakan ako ni Mikko sa braso papuntang ticketing station. Ipinakita ko ang Q.R. code sa attendant. Palibhasa, mamahaling ticket ang napindot ko nang nagdaang araw kaya walang pila! Inabot ko ang passport ko at passport ni Mikko sa attendant. She scanned it, tapos ilang saglit lang, inabot niya sa akin ang dalawang printed ticket pati na ang passports. Para akong bata na sumunod lang ng sumunod kay Mikko hanggang sa makarating kami ng boarding area. "By the way, Doctor Jang, three days lang ako sa Melbourne, didiretso ako ng Maynila to visit my parents." Nilingon niya ako, he looked at me for seconds. "Don't call me Doctor Jang, wala na tayo sa ospital. Mikko is fine. And, I'm going with you to Manila to visit your dad." Naisip ko na Christen nga pala ang tawag niya sa akin. Siguro dahil wala kami sa ospital, pero mas inintindi ko ang huli niyang sinabi. "You are going with me to Manila? Don't you have parents to visit with?" Hindi sa pagmamaganda pero ano ang plano niya para kausapin si daddy? Medyo nabuwisit na ako sa kanya dahil para siyang linta kung makadikit sa mga plano ko sa buhay. "My Dad is busy with my family business in Korea. My Mom is also busy with my family business… in Taiwan." Bahagya siyang napangiwi. Siguro napagtanto niya na nasa magkaibang bansa ang magulang niya pero parehas na 'family business’ ang inaasikaso. Para bang hindi talaga sila family! Umikot ang mata ko. Wala akong alam sa mundo ng business dahil hindi ako business-minded. Obviously, I'm a doctor! Hindi ko naintindihan ang magulang niya. "Wow! Marami kayong business, ah! Bakit hindi na lang sila nagkasundo na magsama sa iisang business? You know, like in one country?" "Madalas mahirap basahin ang nasa isip ng mga magulang natin," simpleng sagot niya. I agree, so, hindi na ‘ko nakipagtalo pa roon. "I also have business with Master Cloud Han, kaya sasama ako sa iyo papuntang Maynila," sabi niya. "You... you know my dad?" Nagulat ako. Wala akong nasabihan na kahit isang kakilala tungkol sa background ko. Kaya paano niyang nalaman na si Cloud Han and daddy ko lalo na at magkaiba kami ng apelyido? Inilapit niya ang labi sa tenga ko. Akala ko kung ano ang gagawin niya, bubulungan lang pala ako. "Kung hindi mo pa alam, my second Brother Kai is a leader of the Dark Guards and he is MB5." His hot breath touching my ear makes me feel uncomfortable. Parang naiwan sa tainga ko at pumasok hanggang tutuli ang mainit na hininga ni Doc Mikko. Tingin ko parang pinakuluan na ang tenga ko dahil sa sobrang pula niyon. No wonder na kilala niya ang pamilya ko. Naisip ko tuloy kung alam niya noon pa, na parte ako ng Han family. Why didn't he look for me, then? Ipinilig ko ang aking ulo. Ang Dark Guard ay isang samahan na binuo ng ninong ko na si Rob Matsui. Actually, hindi ako sure kung sino talaga ang tunay na inaanak niya sa aming magkakapatid. Simula noong bata pa ako, lahat kami ang tawag sa kanya ay Ninong Rob, pero di talaga ako sigurado kung sino sa amin ang legit na inaanak niya. "Marami nang napagkasunduang trabaho ang lolo ko at ang daddy mo, kaya naman gusto ko siyang dalawin. Wala naman sigurong masama doon unless..." Tumingin siya sa akin. Naisip ko na baka ang sasabihin niya ay ipapakilala niya ang sarili bilang nobyo ko kay daddy kaya niya ito dadalawin. "Mikko. Chen. Jang! Hindi por que nagpalibre ka sa 'kin, i-ho-honor na kita bilang boyfriend ko! Hindi pa nga kita sinisingil d’yan!" nagagalit na sita ko sa kanya. Inirapan ko siya nang todo-todo, pero hindi nakaligtas sa akin na ngumisi siya. "Anong naiisip mo Miss Christen Park? Ang gusto ko lang naman sabihin ay unless, makikipag-transaksyon din ako sa kanya sa business. Malay mo kunin niya ako bilang model o ekstra? Isang buwan ang bakasyon natin. Don't you think it was nice na gumanap bilang ekstra sa pelikula?" Han family was number one in entertainment business. Lahat sila sa pamilya ay kilala ng publiko, bukod sa akin. Haka-haka lang ng iba na may anak na panganay na babae si Master Cloud dahil hindi nailathala ang kapanganakan ko sa Pilipinas. My mom was away when noong ipinagbubuntis niya ako. Bahagya akong napahiya sa sinabi ni Mikko. Hindi ko alam kung bakit advance mag-isip ang utak ko. Wow! advance? Are you looking forward na maging boyfriend si Mikko Jang? Para na akong tanga na mauubusan ng mga dahilan sa sarili. Ewan ko ba, tuwing nasa paligid si Doc. Mikko ay parang nililipad sa kalangitan ang lahat ng brain cells ko. Hindi ako nakakapag-isip nang maayos. Nagpasalamat na lang ako dahil binuksan na ang gate number para sa pagsakay namin sa eroplano. Mabilis na akong makakaiwas sa mga tudyo niya. Kompartable ang upuan at pwede pang ihiga ang mga lazyboy na silya sa loob ng eroplano. Ilang oras din ang biyahe namin sa ere, inabot na kami ng gabi nang makalapag sa Melbourne. Ngunit hindi ko akalain na paglabas pa lang namin sa immigration ng airport, isang babae ang nadisgrasya. Naglakad kami ni Doc Mikko sa mahabang pasilyo palabas ng airport. Katatapos lang namin na makapasa sa screening ng immigration. "Huwag kang pakalat-kalat, ha? Be closer to me. Kapag nawala ka dito, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Master Cloud," ani Mikko. Bago pa ako makapag-react, nabigla na lang kami nang may mabasag na malaking salamin na nagmula sa itaas na palapag. "Ah!" napahiyaw na lang at napasinghap ang mga tao na nasa malapit. Agad akong kumapit kay Mikko dahil sa takot. Mga limang metro lang kasi ang layo namin sa bumagsak na salamin. Isang babae na may katabaan ang hindi pinalad na binagsakan nito. Sa sobrang kapit ko kay Doc Mikko, ibinaba niya ang paningin niya sa akin. Nabigla siguro siya dahil bigla ko siyang niyakap. Agad akong humiwalay nang napagtanto ko na sobrang lapit namin sa isa't isa "Call 9-1-1!" sigaw ng isa. May lumapit na security sa babaeng biktima at mabilis na nagbigay ng instruction sa radyo na hawak nito. Isang babae ang umiiyak din na sa tingin ko ay kasama ng babaeng sugatan. Pinalibutan ang babaeng biktima ng iba pang bakasyunista kahit pa may mga bubog na nagkalat sa sahig. Hindi kami makapag-react ni Mikko dahil suspended kami. All we could do is to look at her while gritting our teeth. We see big flesh of wound around her neck. Patuloy sa pagdaloy ang dugo niya mula roon na humahalo sa malalaking bubog. "She's not breathing!" saad ng security guy. "Oh my gosh, is she dead?!" tila natataranta na saad ng babae na kasama ng biktima. Hindi na ko nakatiis na tinanggal ko ang scarf na maayos na nakatali sa Hermès na bag na bitbit ko. Ibinigay ko ang bag kay Mikko para hawakan niya saka lumapit sa katawan ng babae. I looked at the right spot and pushed my most precious scarf on her big wound to stop the bleeding. She suddenly breathed. Yung tipo na biglang nakalanghap siya ng hangin. She opened her eyes slightly. Bahagya niya lang akong tiningnan bago niya sinara muli ang mga mata niya. As long as ganito lang ang gagawin ko, siguro naman ay safe kaming dalawa. I mean, ako lang pala bilang pakialamera. Sa malapitan, nakita ko na may malaking bubog na tumusok sa binti niya. Nakapantalon siya ng maong kaya hindi ko alam kung gaano iyon kalalim. Parang X-ray machine ang mga mata ko na sinusuri ang katawan ng biktima mula paa hanggang ulo. Nabigla na lang ako nang lumapit ang kaibigan nitong babae at plano na hugutin ang bagay na iyon. "Don't touch it!" singhal ko sa kasama ng biktima. Iritable na ‘ko nang mga oras na iyon dahil nangangalay na rin ang mga kamay ko at hindi siya nakatutulong sa sitwasyon. "B-but…" "Just trust me!" "How can I trust you? She's my friend!" "If you want to keep your friend alive, just do as I say!" inis na wika ko sa kanya. Ilang saglit pa, mabilis na dumating ang medics ng airport. Nagsisipagtakbuhan ang mga ito at tila nagmamadali palapit sa lugar namin. Mabilis na inayos ang katawan ng babae habang ako ay nakadikit pa rin ang mga kamay sa leeg ng babae. Ang kawawa kong scarf na Hermès ang tatak ay nagdudugo na. Nagdudugo rin ang kalooban ko. Punyemas! Ang mamahalin kong scarf! Ginamit ko lang na parang 'Good Morning' towel kay ate. Nagpasalamat ang medics sa akin matapos na maiayos ang katawan ng biktima. "It's good that you know what to do." Isang ngiti lang ang isinagot ko. Hindi naman sila nag-isip na isa akong doktor dahil sa mura kong edad. Naisip nila na isa lang akong good samaritan na bakasyunista at napadayo sa lugar. Hanggang sa pagmasdan ko na lang na nagmamadaling dinala nila ang babae papalayo. "Christen, watch out!!!" sigaw ni Mikko. Hindi ko napansin na may kasunod pa pala ang salamin at mahuhulog din malapit sa kung saan ako nakatayo. Mabilis na nahila ako ni Mikko palapit sa katawan niya. Nakabibinging pagbasag ng salamin ang nagpakabog sa dibdib ko. Binalot ako ng sobrang kaba. Kaunting-kaunti na lang, ako na ang susunod kay Ate kung hindi ako nahila ni Mikko Jang. Sobra ang higpit ng yakap niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Para kaming magnet at halos walang hangin na pumagitan sa amin. Nahimasmasan lang ako nang marinig ko ang dibdib niya na parang may dagang sinu-survive. I looked up at him, saka kami biglang ng naghiwalay sa isa't isa. "Are you okay, Miss?" nag-aalalang tanong ng security na nakita ang mga naganap. "I'm fine..." "I'm sorry." Matapos iyon, ipinaliwanag niya na bagong gawa lang ang haligi ng escalator. Nagalit si Mikko. Hindi dapat pinagamit ang lugar na iyon kung ilang araw pa lang na nagawa ang pagpapalit ng salamin. "Who is the person in charge here?" Isang lalaki ang lumapit sa amin. Nakasuot siya ng polo. "It's me, Sir. I'm the Airport Manager." "Can you please explain? My friend almost got killed by your airport!" Nilingon ako ng lalaki. "But, isn't she alive?" katwiran niya na nagpainit sa ulo ko. Sa hilatsa pa lang ng mukha ay halatang arogante na siya. Parang gusto ko siyang sampalin bigla. Kung tratuhin niya ang buhay ko ay parang isang simpleng bagay lang. "Hah!" Nakikita ko na parang magiging super saiayan si Doc Mikko anumang oras. Tinapunan ko na lang ng masamang tingin ang lalaki. "Sir, if the woman died because of your negligence. Let's see how you will face the consequences," banta ni Mikko sa lalaki. "Manager, this lady here helped us." Nagsalita na ang security na nakita ang lahat ng naganap. ‘Tapos ipinaliwanag niya ang mga nangyari simula sa kung paano ko pigilin ang pagdugo sa leeg ng babae. "There is nothing to explain!" mariin na sabi ng airport manager. Nakipagtagisan siya ng titig kay Mikko. Tuluyan nang nag-init ang ulo ng huli, kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan. "Your airport manager is so arrogant. Fire him immediately!" Hindi na niya sinabi pa ang mga naganap. Basta pinatatanggal niya sa trabaho ang lalaki nang walang mga eksplanasyon pa. Nakita ko na nagtaas ng bahagya ang kilay ng Airport Manager. Mukhang hindi niya sineryoso si Doc. Mikko. Maybe he thought we are bluffing. Ako naman ay nanonood lang. Kung kapatid kasi niya si Kai Jang na isa sa magaling na dark guard ng kuya ko, hindi na ako magtataka sa kaya niyang gawin. Sa tingin ko pa nga ay mas malawak ang circle ni Doc. Mikko kaysa kay Kai Jang na naburyo na sa Japan para magsanay bilang Lider ng Dark Guards. Hindi man lang lumipas ang sampung segundo matapos ibaba ni Doc. Mikko ang cellphone niya, ang telepono ng lalaki naman ang tumunog. Nakita ko na lang na nanlaki ang mata nito matapos niya iyong sagutin. Matalim ang ipinukol ni Mikko na mga tingin sa lalaki bago tumalikod at inaya na akong magpatuloy sa lakad. Na-touch ako sa ipinakita na iyon ni Doc. Mikko sa akin. Gayunpaman, gusto ko pa rin maiyak dahil nag-goodbye ako sa Hermès kong scarf na nagkakahalaga ng 600 US dollars! Sumakay lang kami ni Mikko sa isang taxi na nasa tapat ng airport at nagpahatid sa isang hotel. Bakas na ang pagod sa akin dahil madaling araw na rin sa lokal na oras, halos 21 hours kaming nagbiyahe ni Mikko sa ere, idagdag pa ang boarding, bag checking, identity checking, visa at kung ano pa. Mahigit beinte-cuatro oras akong gising na parang zombie. Kaya naman ayoko nang ulitin ang ganito. Masakit na ang ulo at katawang lupa ko. Ang sarap sa feeling nang ilapat ko ang likuran ko sa malambot na upuan ng taxi. Sa una ay naaaliw pa ko sa mga ilaw sa paligid. Hanggang sa hilahin na lang ako ng antok dahil sa sobrang pagod at puyat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD