[Mikko Jang]
I WAS surprised to see Christen at the Nurse Station in the Intensive Care Unit section or ICU.
Nakatoka ako na suriin ang pasyente na inoperahan nang nagdaang gabi. I curved up my lips slightly while seeing her standing there. As expected, hindi talaga siya mapakali na hindi tingnan ang pasyente. I secretly watched her for one month before I decided to get close to her. When this major operation came, I chose her to watch her closely.
When I first saw her name as one of the junior residents in this hospital, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Medyo nagulat ako. May iniwan na sugat sa akin si Christen limang taon ang nakaraan.
I was hooked by her beauty and intelligence during my college days. I always saw her in the school library spending her time with too many books on her table but she broke my young heart.
Dahil sa kanya, nagawa ko tuloy na ituon ang lahat ng oras ko sa medisina. Mabilis naman akong nagtagumpay, kaya naman heto ako at senior resident sa hospital na ito. Maybe fate brought us together.
Nilapitan ko siya. "Why are you here?"
Nilingon naman niya ako at tila nagulat.
"Oh! Sorry, Doc. J-Jang. Naisip ko kasi na i-tsek ang pasyente."
Ewan ko pero para akong tanga na natulala sa biglaan niyang paglingon. Heto na naman tayo at bumabalik na naman yata ang pagka-praning ko sa babaeng ito.
Bahagya kong pinilig ang ulo. "Mahina pa ang puso niya. But it was better kaysa sa kahapon."
"K-kung gano’n, u-uuwi na lang po ako," sagot niya sa akin.
Ano pa ba ang pwede kong isagot sa sinabi niyang iyon, kun’di wala! Tinalikuran niya ako at tinungo ang kung saan. Bahagya akong napangiti. "Doc Christen."
Lumingon naman siya.
"Hindi ba, patungo dito ang clinic mo?" turo ko sa likuran. Bahagya siyang natigilan.
"S-sa ladies’ room ako p-pupunta."
Medyo naaliw ako dahil dead-end ng hallway ang tinatahak niya.
"Dito rin ang papuntang ladies’ room," saad ko.
Bumalik siya ng lakad. Mukhang napagtanto niya na tama ang sinabi ko. Mabilis siyang dumaan sa gilid ko. Tinakpan niya pa ng palad ang mukha niya na para bang nahihiya. I find her cute and interesting.
Haaay Mikko Jang! Heto ka na naman talaga!
Biglang nag-beep ang emergency pager ko. Pinatawag kaming dalawa ng direktor. Hindi na rin ako nagulat nang parusahan niya kami for suspension sa loob ng isang buwan.
Pero nagulat ako sa katotohanan na twenty-one pa lang siya! Like, what the f*ck!
A junior resident at her twenty-one is quite interesting! Sa tingin ko ay si Christen na yata ang pinakabatang doktor na nabuhay sa mundo. She looks like a young girl kahit ngayon pero hindi ko talaga lubos-maisip na beinte-uno lang siya.
I never expected that she was in a university and taking medical school at the age of sixteen. I sent her love letters like a p*****t five years ago. No wonder na matakot siya sa akin nang mga panahon na iyon. Baka nga nagsisimula pa lang siyang reglahin sa edad niya na iyon ngunit nagawa ko na siyang padalhan ng kung anu-ano. I was being stupid!
Nang makalabas kami, I console her a little. She was troubled by the thought of being suspended. I surrender the emergency page sa isang doktora na naka-assign sa gabi na iyon.
I'm not really sure about her name, I just always look at the name written on her white coat, and it says she is Doc. Gella Hagen. Pero tinawag niya akong Mikko na para bang close kami at inaya pa akong kumain sa harapan ni Christen Park.
Hinila ko na lang ang aking baby girl kaysa mabuwisit ako sa mukha ng malanding doktora. Then, I teased Christen a little. Nang makita ko na bumili siya ng ticket papuntang Australia, kumunot ang noo ko. What's funnier is that it’s not her real destination. Para siyang masisiraan na natapyasan ng 100 thousand ang savings niya.
I couldn't help but tease her more. Laking tuwa ko nang maisahan ko siya na gamitin ang account at credit card niya na makabili ng ticket. Mahirap na kasi na personal na account ko ang gamitin ko, baka hindi ako makasama sa kanya. Kaya naman, both of us will be having a nice trip to Australia.
Para kasing hindi ko kaya na hindi siya makita sa loob ng isang buwan. Kung isa lang akong kangaroo, malamang na naibulsa ko na siya noon pa.
-----
EARLY IN the morning, I went to the airport. It's summer here in Germany. Mabuti na nga lang at maaga ang flight namin, sobrang init kasi sa tanghali.
Naghintay ako sa waiting area while waiting for Christen. Nasa kanya kasi ang ticket dahil account niya ang ginamit namin.
Soon, I saw Christen sneaking like a cat in one corner spot. I pretended like I didn't see her.
She hides again. Para bang nagdadalawang-isip siya kung tutuloy sa pagbakasyon o hindi. Gusto kong matawa sa mga reaksyon niya. She's like a Boss in the operating room; mabilis ang mga kilos at utos niya. Pero para siyang bata na naglalaro ng 'hide and seek' sa oras na ito.
Nagawa ko siyang biruin muli. Tahimik akong nagtungo sa likuran niya. Mga isang dipa ang layo ko sa kanya nang sumilip muli siya sa inupuan ko kanina.
"Ha? Nasan na iyon?" bulong niya. I know she was referring to me.
"Who?"
Halos mapatalon siya sa gulat na lumingon sa akin. "Ah!"
Na-off balance siya at muntik nang matapilok kung hindi ko lang nasuportahan ang likuran at baywang niya. Her arms hooked at the back of my neck.
Her lips suddenly brushed mine nang hilahin ko siya. Parehas kaming nagulat kaya bigla kaming naghiwalay.
"T-thanks!" halos hindi siya makatingin sa akin. I can see her cheeks and ears turned red like an apple. I know that my eyes are smiling. A joy suddenly bursts inside my heart.
'Christen Park' I will always remember this name.
Siya ang unang babae na nambasted sa akin noon, ang unang babae na inibig ko at akalain mo na unang babae din na nahalikan ko. I am looking forward kung ano pa ang mga 'Unang' magaganap sa pagitan namin.
Ito talaga ang ibig kong sabihin sa kasabihan na 'Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.'
If I couldn't get her five years ago, maybe this time… I have a chance!