[Christen Park] KINABUKASAN ay tumuloy kami ni Mikko Jang sa tahanan ng professor namin noon na si Professor Sullivan. Nagtagpo muli ang mga mata namin ng may-edad na lalaki matapos ang limang taon. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami ni Mikko. Isa siyang Australian, mas maputi na ang kanyang nakakalbong buhok, payat lang siya na naglalaro sa anim at mahigit na talampakan ang taas. Nakasuot lang siya ng pajama na halatang galing siya sa kanyang higaan at nagkataon lang na inabala namin siya ni Mikko. Kumakapal na ang eyebags niya na tinakpan lamang ng bilog na salamin sa mata. Ayon kay Mikko ay isang pharmaceutical scientist ang lalaki kaya siguro ganoon na lang ang kanyang awra. Pinatuloy niya kami sa loob at hinandaan kami ng meryenda. Hindi siguro siya makapaniwala na makalipa