CHAPTER 9 – First Date

1648 Words
[Christen Park] "OH MY, Christen Park! Don't tell me nanghihinayang ka sa kiss kaya masama ang tingin mo sa akin. We can re-take it if you want," nang-iinis na wika niya sa akin. Hindi ko napigilan na pisilin ang magkabila niyang pisngi. "Doctor Mikko Chen Jang, alam kong libre ang mangarap. Hindi por que ikaw ang senior surgical doctor at ako ang junior mo ay may karapatan ka nang mang-bully. Okay?" ang sabi ko sa kanya habang pisil nang may pangigigil ang pisngi niya. Nilaparan niya ang pag-ngiti "Hmm… Bakit hindi mo na lang aminin na hindi ka pa nahahalikan?" Lumuwag ang pagkakapisil ko sa pisngi niya. Ang talipandas! There is no way na umamin ako sa kanya. "Excuse me! Hindi por que, hindi kita sinagot noon ay ibig sabihin na wala akong nagustuhan na ibang lalaki, okay? Nagkaroon ako ng—” inilahad ko sa kanya ang sampung daliri ko. “Sampung boyfriend! Iba-iba ang lahi! Gets? Sampu!" saka ko saka siya inirapan. Well, sampu naman talaga ang lahat ng naging crush ko, at lahat sila ay naging boyfriend ko nang sabay-sabay. Hindi nila alam iyon, break na kami kapag nalaman nila. Nagsalubong ang kilay niya sa nadinig sa akin. katakot -takot na irap muli ang ibinigay ko kay Mikko. Hindi ko napansin na nagsimula na pala ang laban at tumalsik ang bola sa gawi ko. "Watch out!" malakas na sabi niya. Mabilis na tumayo si Mikko at niyakap ako para protektahan sa lumipad na bola patungo sa akin. Tumama ang bola sa likod ni Mikko. Rinig ko ang mlakas na pagtama ng bola sa likod niya. Nakita ko ang pagngiwi niya kaya napatulala ako. Kung hindi niya isinanggalang ang sarili, malamang na ako ang nasaktan sa aming dalawa. "Christen Park…" bulong niya na parang nagdedeliryo. "Are you okay, Mikko Jang?" nag-aalala na tanong ko. "'Yung juice mo natapon na sa shorts ko." "Ha?" Tumayo siya mula sa pagkakayakap sa akin at kitang-kita ang dilaw na mantsa sa gitnang bahagi ng puting shorts niya, sentrong-sentro na para bang umihi siya sa salawal! Nanlaki ang mata ko. "Oh my gosh!" bigla akong nataranta. May lumapit sa amin na mga organizers ng game na iyon. "Sir, are you okay?" tanong ng isa kay Mikko. "I'm alright..." Kumuha ako ng tissue mula sa bag ng mga pagkain para sana punasan ang salawal niyang nagkaroon ng juice ngunit agad kong binawi dahil imposible na punasan ko ang hinaharap ni Doc. Mikko. I could feel the heat on my face. Napangiwi ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pwedeng tapunan ng juice, doon pa sa lugar na iyon. "Christen Park, huwag mo masyadong titigan, nahihiya siya," sabi sa akin ng kumag na si Mikko. I coughed. Binawi ko ang tingin mula sa kanyang shorts at iniiwas iyon. Inangat ko ang paningin. Mas lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Daglian akong tumikhim, nakabawi rin naman ako agad. "Excuse me! It's not my first time na makakita ng reproductive organ ng lalaki, okay?" balik ko sa kanya. The nerve! Nakita ko na ngumiti siya nang makahulugan. Sa propesyon ko na bilang doktor, ilang Dakota Harrison Plaza na ang nakita ko at nag-hello sa akin nang personal. May lumapit sa 'min na lalaki. Player ng Melbourne team. Oh my gulay! kamukha niya talaga si Fernando Jose! Ang tunay na Fernando Jose. Bigla ay parang gusto kong umawit ng “Rosalinda.” "Sir, I'm sorry, it was me who threw the ball," pagpapaumanhin niya, halata ang pagsisisi sa na nakaguhit sa kanyang mukha. Matalim ang mga tingin na ipinukol ni Doc. Mikko kay Fernando Jose. Nilingon niya ako matapos masiguro na ayos lang si Mikko. "Miss, are you okay?" Tumango ako sa kanya. Humarang muli si Mikko Jang sa pagitan namin. Nawala sa paningin ko si Sergio este si Fernando Jose. "Come with me, masakit ang likod ko. Please check my back. It really hurts, Doktora," saad niya na may pagsumamo sa mga mata. Agad akong nag-alala. Tinulungan niya ako sa bolang iyon kaya normal na mag-alala ako sa kanya. “Naku! Gano’n ba? Tara na.” Sininop ko na ang lahat ng gamit ko. Nang tumayo ako ay agad akong hinarangan ni Mikko Jang sa lalaki. Pinipilit ko na hawiin ang katawan niya para makita muli si Fernando Jose at nang makapagpaalam na uuna na kami at sabihing ayos lang kami ngunit nabigo ako. "B-b-bye…" paalam ko kahit hindi ko nakikita si Kuyang Team Melbourne Agad niya akong inakbayan at idikit ang ulo ko sa dibdib niya, para bang nais niya akong itago sa kung saan. "We are going," narinig kong sabi ni Mikko sa lalaki. "Okay, I'm sorry," sagot nito. Ngumiti lang siya at saka ako iginiya habang pigil niya ang ulo ko na hindi na makalingon pa kay Fernando Jose. Nagpaalam ako sa huli nang hindi ko na siya muling nakita. Sayang talaga! "Pwede bang alisin mo 'yang braso mo na nasa balikat ko?" Nakasimangot na tanong ko kay Mikko Jang habang lumalayo kami sa maiingay na mga manonood. Nginitian niya lang ako at hindi niya inintindi ang sinabi ko. "Christen Park, ganyan ba ang bayad mo sa akin matapos kitang iligtas sa tumalsik na bola? Masakit pa naman. Sa tingin ko nga ay may pasa ang likuran ko." Nakita ko na parang nahihirapan siya. Bahagya akong naguilty dahil sa reklamo niya. "Kailangan ko lang ng suporta, malaki naman ang muscles mo kaya kayang-kaya mo ako," dagdag ng hudyo. Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ko kay Mikko at tangi kong naisagot sa kanya. Wala na akong magagawa dahil ako ang nag-iisa at tanging kasama niya sa lugar, ako pa ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Pagtitiisan ko na lang ang kumag. Pagdating namin sa hotel ay nagpalit agad siya ng damit. "Let me see your back," sabi ko sa kanya nang lumabas siya ng kwarto. Ngumiti siya saka inangat ang laylayan ng suot niyang T-shirt. Wow! Pandesal! Lumitaw sa mga mata ko ang curvy body ni Doc. Mikko. Hindi masyadong malaman at hindi rin payat. Tipong Lee Jong Suk. Ngayon ko nga lang din napansin na may hawig din siya kay Lee Dong Wok. Madami na akong nakitang sexy na katawan ng lalaki. Unahin na natin ang kuya ko na si Cally at ang pinsan kong si Matthew at Anthony na parang gising sila nang magpasabog si Lord ng kaguwapuhan, ngunit ngayon lang ako napalunok. "Huwag mo ‘kong titigan ng ganyan. I'm shy," tudyo na naman niya sa akin Napalitan ng inis ang aking pagnanasa. Halos lumaki ang butas ng ilong ko. "It's not as if you are a pogi." ‘Tapos ay katakot-takot na pag-irap na naman ang ibinalik ko sa kanya. Heto na naman siya at poging-pogi sa sarili. Though, I agree na pogi naman talaga si Doc. Mikko pero hindi ko iyon aaminin sa kanya! Never! "Let me see your back," ang nasabi ko kaysa tudyuin na naman ako ng kolokoy. Ngumiti lang siya sa akin saka umupo sa silya. Nagpunta naman ako sa likuran niya na makinis at bahagyang may kalaparan. Susuriin ko na sana iyon nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Napilitan ako na tingnan ang cellphone ko at ang tumatawag. Sinilip ko sa screen nito kung sino ang istorbo—ang pinsan ko na si Matthew o kilala namin sa pangalang Mat-mat. Sinagot ko iyon habang sinuri ko ang likuran ni Doc. Mikko. "Yes, Matty?" Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng aking pisngi at balikat. "Christen, I have a job for you. I wanted to create a Super Saiyan robot but I need your help about the DNA. Can you help me?" tanong ng pinsan ko na si Matthew. "No problem, wait a sec." Interesado ako sa sasabihin ni Matty pero gusto ko munang tapusin ang problema ni Mikko Jang. Ayoko kasing pinagsasabay ang mga ginagawa ko. One at a time lang dapat. Wala naman akong makita na kakaiba kung visual ang titingnan sa likuran ni Doc. Mikko. Pinindot-pindot ko ang likuran niya para kapain kung saan siya masasaktan. "Sa itaas Doc. banda," sabi niya. Sinunod ko ang gabay niya. "Taas ng kaunti... Kaliwa… Kanan... Oh… yes… Stay right there… d’yan lang, d’yan lang. Push it, push it harder. Ohh… yes!" Napaungol ang kolokoy sa mga pagpindot-pindot ko sa likuran niya. I was speechless. "Ten-ten, what are you doing? Is there a man beside you?" narinig ko bigla na tanong ni Matty sa kabilang linya. I almost forgot about him. "Ahh! No! No! It's not what you think." "Eh, h’wag ka nang mag-alala. I'll keep my mouth shut basta ba you'll share it with me," tudyo niya sa akin. Nakikita ko sa imahinasyon ko na nakangisi si Matty sa America habang kausap ako. "Matty, hindi kita tutulungan kapag nangulit ka pa! At sasabihin ko kay Tita Kiana na may nabuntis ka!" Banta ko. "Okay, your poging pinsan has cut the line. Please dial again later. Toot toot…" saka ko narinig ang totoong 'toot toot' mula sa linya. Ibinaba ko ang telepono at hinarap si Mikko Jang. Hindi mag-iisip ng kakaiba ang pinsan ko kung hindi dahil sa kolokoy na ito "Hoy, Mikko Jang, ano ang gusto mong palabasin?" nakapameywang na tanong ko. "Nothing, did I say something? I want a massage, bayad man lang sa pagligtas ko." Hindi ako makahagilap ng isasagot sa kanya. O, di ba ang kapal ng muks?! "Sige na doktora, I like your soft hands. It can relax my tense body. I will do the same with you." Inirapan ko siya. "I don't want your massage!" pero nakakatawa na pinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanya. Para bang may power si Mikko para pasunurin ako sa mga sasabihin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD