[Christen Park] AGAD NA bumalot ang lamig sa katawan ko kahit na makapal ang suot kong winter coat matapos kong lumabas ng gusali ng library. Iniwan ko lang ang lahat ng gamit sa locker at hindi na nag-abala pang ibalik ang mga iyon sa dormitoryo bago ako tumungo sa apartment ni Professor Sullivan. Umaabot ang puti kong kasuotan hanggang binti. Makapal din ang aking suot na itim na sapatos. May suot din akong makapal na winter hat dahil siguradong sasakit ang ulo ko sa lamig ng paligid kapag wala ako niyon. Halos mamuti na ang siyudad at hindi na makita ang totoong kulay nito dahil sa niyebe “Christen, where are you going?” Nagulat ako sa tanong sa akin ni Maria na humabol sa akin, sinabayan niya ako sa paglakad papalabas. I almost forgot about her. Isa siyang undercover na dark gua