Chapter 14

1937 Words

Tahimik na kami sa buong oras ng biyahe namin pauwi pagkatapos ng usapan namin ni Yuri tungkol sa mga anghel at demonyo. Kataka-taka nga na hindi ginawang biro iyon ni Marco o hindi man lang niya nagawang sumingit man lang. Saka lang nga siya tila nagkabuhay muli nang mag-drive thru kami sa paborito na niyang fast food chain. Nang makababa kami sa sasakyan at kaagad na sinalubong kami ng mga kasambahay sa pangunguna ni Aling Naomi. "Kumusta ang araw n'yo ngayon?" Nakangiting tanong niya at dahil sa akin siya nakatingin ay ako na ang sumagot sa katanungan niya. "Medyo maayos naman po," magalang kong sabi. Marahil ay nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya naman agad na nawala ang ngiti niya at saka nag-aalalang tumabi sa akin. "May naging problema ba sa eskuwelahan, Jay? O baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD