Ilang lingon muna ang ginawa ko at nang makita kong wala namang malapit na estudyante sa akin ay nag-type na ako sa keyboard ng laptop. Kagagaling ko lang sa dalawang propesor ni Yuri at imbes na ang PowerPoint presentation ng mga iyon ang ginagawa ko ngayon, heto ako at nagre-research tungkol sa "demonic possession." "Demonic possession involves the belief that a spirit, demon, or other entity can control a person's actions. Those who believe themselves to be possessed commonly claim that symptoms of demonic possession include missing memories, perceptual distortions, loss of a sense of control, and hyper-suggestibility," basa ko sa isang artikulo na lumabas galing sa Google. Nagdikit ang mga kilay ko. Parang hindi naman tugma sa nangyari kay Yuri ang mga nabasa ko bukod doon sa unang