Chapter 12

1634 Words

Nagulat ako dahil nang makarating kami ni Marco sa first floor ng building ay naroon na si Yuri at naghihintay. Alam kong wala naman siyang ibang hinihintay roon kung hindi kami ni Marco. Magsasabay-sabay rin ba kaming kakain ng pananghalian? "Mabagal kumilos si Jay kaya ngayon lang kami," agad na sambit ni Marco nang makalapit kami kay Yuri at mapatingin ito sa kanya. Tila nagsusumbong pa siya kahit wala namang sinasabi o tinatanong si Yuri. Ang nakapagtataka pa ay tumango lang si Yuri sa kanya bago tumingin sa akin. "Let's go," paanyaya niya sa akin. "Ha? Let's go saan?" tanong ko kahit alam ko na ang binalak ng dalawa. "Lunch," simple niyang sagot na waring nagtataka rin siya na kailangan ko pang itanong ang bagay na iyon. "Teka, akala ko sa bahay n'yo lang libre ang pagkain ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD