Chapter 2

1747 Words
NASA ilalim ng dutsa si Choi at abala sa paliligo nang makarinig siya ng sunod-sunod na tunog ng doorbell. Hindi niya pinansin iyon. Bahagyang masakit ang ulo ni Choi dahil nasobrahan siya nang inom kagabi sa party na inorganisa niya para sa isang kaibigan. Kailangan niyang alisin ang hangover niya gamit ang malamig na tubig mula sa shower dahil may pupuntahan pa siyang event para sa araw na iyon. Nang bahagyang nawala ang sakit ng ulo ni Choi at patayin niya ang shower ay wala na rin ang tunog ng doorbell. Umiiling na pinunasan niya ang katawan. Malamang ay prank na naman ang doorbell na iyon. Sa kabila kasi ng pagiging exclusive ng condominium building na iyon at nasa VIP pad pa si Choi ay may mga nakakalusot pa ring reporter at kung sinong mga tao na nais usyosohin ang buhay niya na bigla na lamang nagdo-doorbell. Kaya nakasanayan na ni Choi na huwag agad magbukas ng pinto at hayaan na lamang ang kung sino mang iyon hanggang magsawa. Well, that’s the prize I have to pay for being a celebrity, kibit-balikat na naisip ng binata habang nagsusuot ng roba. Pagkatapos ay mabagal pa rin ang kilos na lumabas si Choi ng banyo at tinungo ang living room. Napahinto siya at tuluyang nahimasmasan nang makita ang may-edad na babaeng nakatayo sa gitna niyon habang iginagala ang paningin sa loob ng pad niya. Isa ang may-edad na babae sa iilang taong nakakaalam kung saan nakatago ang spare key card ng pinto ni Choi. He silently groaned bago hinamig ang sarili. “`Ma, what are you doing here?” tanong ni Choi kahit na parang alam na niya kung bakit naroon ang ina. Bihira sumulpot sa pad ni Choi ang kaniyang ina dahil pinapahalagahan daw nito ang privacy niya at ganoon din sa mga kapatid niya. Maliban na lang kung mayroon silang nagawang hindi nito nagustuhan. In short, pinupuntahan lang sina Choi ng mama nila kapag manenermon ito. At kahit ilang beses pa yata nilang sabihin sa ina na masyado na silang matanda para tratuhin pa rin silang magkakapatid na parang bata ay hindi ito nakikinig. Huminto ang tingin ni Doña Edna kay Choi na lukot pa rin ang mukha. “Kanina pa ako nagdo-doorbell, Pocholo, pero mukhang wala kang balak pagbuksan ako ng pinto kaya pumasok na akong mag-isa. Sa nakikita ko ay mukhang hindi mo naman pala kailangan ng housekeeper para panatilihing malinis ang unit mo,” anito nang iginala uli ang paningin sa paligid. Iniikot din ni Choi ang kanyang mga mata sa paligid. Ang mga CD at DVD niya ay maayos na nakahilera sa magkabilang gilid ng plasma TV set niya. Kung lalapitan pa iyon nang kaunti ay makikitang nakaayos iyon in alphabetical order. Sa isang panig ay nakasalansan ang mga magazine na nakaayos naman sa date kung kailan iyon na-publish. Lahat ng gamit sa paligid ay symmetrical. Lahat ng kulay ng mga furniture at display ay color at theme coordinated. Bahagyang ngumiti si Choi dahil nakuntento siya sa kanyang nakita bago bumaling uli sa kanyang ina. “I can’t do without a housekeeper, Mama. Naiinis ako kapag may mali sa pagkakaayos ng mga gamit ko o kung may alikabok sa paligid. Nitong mga nakaraang araw ay walang naglilinis sa bahay ko kaya ako na lang ang naglilinis. At sa totoo lang, maraming oras ang nasasayang ko kung palaging ako ang gagawa ng bagay na puwede ko namang iutos sa iba.” Umiling ang mama ni Choi. “Hindi ko maintindihan kung bakit pareho kayo ng papa mo na clean freak. You’re not going to die with a little dust and disorder, hijo.” Nagkibit-balikat si Choi sa komento ng kanyang ina. “Why are you even here at this hour, Mama?” deretsang tanong ng binata. Umangat ang isang kilay ni Doña Edna nang tila maalala ang sadya. Ngunit kahit ganoon ay hindi nabawasan ang lambot ng ekspresyon ng mukha ng matandang babae. Likas kasing maamo ang mukha ng mama ni Choi, bagay na wala ni isa sa kanilang magkakapatid ang nagmana. “Dahil tumawag sa akin ang agency. They told me you fired another housekeeper unreasonably. Kung hindi pa tumawag sa akin ay hindi ko pa malalaman ang ginawa mo dahil hindi ka naman nagsasabi sa akin,” sagot ng mama ni Choi. Nagkibit-balikat uli siya. “Hindi na ako bata para isumbong pa sa inyo ang maliit na bagay na iyan, Mama. I can handle it on my own,” dahilan ni Choi. Umiling si Doña Edna at nagbuga ng hangin. “Hindi ito maliit na bagay, Choi. Sa pagkakataong ito ay gustong magsampa ng reklamo ng housekeeper na iyon laban sa `yo. She said you were sexually harrassing her at nang tumanggi daw siya ay pinagbuhatan mo siya ng kamay. It will be a big scandal. Makakasama iyon sa `yo at magagalit ang papa mo dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan ng pamilya natin. “Iyon nga lang mga tsimis tungkol sa pagiging womanizer mo ay ikinaiinit na ng ulo niya. Huwag mo ring kakalimutan ang matinding eskandalong kinasangkutan mo noon with the daughter of one of our business partners. Galit na galit ang papa mo nang mahuli kayo ng press sa aktong pumasok at lumabas sa isang hotel room. Kung hindi ko lang nakumbinsi ang papa mo na patawarin ka dahil bata ka pa noon ay baka itinakwil ka na niya. At mabuti na lamang din nakabase na ang pamilya nila sa Amerika. Tiyak na mapaparusahan ka na niya kapag nagkaroon ka pa ng malaking eskandalo, hijo,” nanenermong pahayag ni Doña Edna. Marahas siyang napabuga ng hangin. Isinuklay ni Choi ang mga daliri sa kanyang buhok. Isa iyon sa bahagi ng nakaraan ni Choi na ayaw na niyang naalala. More than three years ago had been the worst time of his life. Isang gabi lamang iyon ng pagpapaubaya ni Choi sa hayagang pang-akit ng anak ng isang business partner ng kanyang ama. One night of uninhibited and hot s*x with a very attractive woman who literally threw herself at him. He was just turning twenty-five then. Ang palaging katwiran ni Choi sa ganoong pagkakataon ay sino siya para tumanggi? In-assure din siya ng babae na nagpi-pills ito dahil ayaw raw ng babae na gumagamit ng condom. Pero bago pa man mag-check in sa hotel na iyon si Choi kasama ang babae ay sinabi na niya ritong hanggang doon lamang ang maaari niyang ibigay. It was supposed to be a one night stand. Na pagkatapos ay maghihiwalay sila na parang walang nangyari. Ngunit kinabukasan nga ay naging laman ng lahat ng tabloid at telebisyon ang mga larawan ni Choi kasama ang babae. Nagalit kay Choi ang ama dahil nang makita iyon ng business partner ni Don Jaime ay agad niyong pinutol ang koneksiyon sa pamilya nila. Milyong piso ang nawala sa negosyo ng mga Montemayor at ilang linggo silang pinagpiyestahan ng media. Kung hindi pa nagdesisyong umalis ng bansa ang pamilya ng babaeng iyon at nakialam ang kapatid ni Choi na si Raiven upang patahimikin ang mga reporter ay malamang na mas tumagal pa iyon. “Hindi na mauulit iyon, Mama. Hindi na ako ganoon katanga. And you are right, I was too young then. Hindi na ngayon,” wika ni Choi. Dahil sa pangyayaring iyon kaya hindi na basta-basta pumapatol sa kahit na sinong babae si Choi. Natuto na siya. Kahit naman ginagawa niya ang mga gusto niya ay nirerespesto ni Choi ang kanyang mga magulang. Tama nang binigyan niya ang mga magulang ng isang matinding sakit ng ulo minsan. Hindi na iyon uulitin ni Choi dahil katulad nga ng sinabi ng kanyang mama, tiyak na hindi na iyon palalamapasin pa ng papa niya. “Kaya nga. Kailangang hindi na makarating pa sa kanya ang isyung ito sa dati mong katulong,” wika ng kaniyang ina sa mas malumanay na tinig. Napasimangot si Choi. “I know our lawyer could do something about that. Lalong alam ninyong walang katotohanan ang sinasabi niya. Kaya ko pinalayas ang babaeng iyon ay dahil ilang beses na niya akong sinubukang pagsamantalahan, Mama. Akala niya yata ay papatulan ko siya,” paismid na sagot ni Choi. Nang maalala ang ilang beses na lantarang pang-aakit sa kanya ng katulong niya ay umasim ang mukha niya. Mababa ang tingin ng babae sa taste ni Choi kung iniisip nitong matutukso siya rito. Siya si Choi Montemayor. He was a prince and every woman’s dream. Ultimo mga anak na babae ng mayayamang tao na halos perpekto na ang pisikal na kaanyuan ay pumipila at nagmamakaawang pansinin lang niya. Kaya hindi basta maaapektuhan ng kung sino lang si Choi, much less a very ordinary woman. Nakita ni Choi nang umiling ang kanyang ina sa kabila ng munting ngiti sa mga labi nito. “I hope someone will come who would take away that arrogance and overconfidence of yours, hijo. That will not do you any good,” paismid na sagot uli ng mama niya.  Bumuntong-hininga si Doña Edna at malumanay na nagsalita. “Anyway, kakausapin ko ang abogado natin since ayoko nang makarating pa ito sa papa mo dahil baka mag-init lang ang ulo niya. But this will be the last time, Pocholo. Ako na ang personal na pipili ng magiging housekeeper mo dahil mukhang hindi mo kaya nang wala niyon. I hope this will be the last.” Naglakad si Choi patungo sa kusina. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ng ina. “Kung gusto ninyong huli na ito then find me a housekeeper that is older and will never even look at me with desire, Mama.” “Do you really think na hindi ka magugustuhan kapag matanda ang kukunin ko?” tanong ni Doña Edna na may bahid ng amusement ang tinig. Napatingin si Choi sa ina at napangisi. “No. I haven’t met anyone yet who didn’t have the hots for me, Mama. Masyadong maganda ang genes ng mga magulang ko.” Tumawa si Doña Edna. Nakahinga na si Choi nang maluwag dahil mukhang hindi na manenermon pa ang kaniyang ina. “Great. Then ganoon ang hahanapin ko para sa `yo,” pinal na sabi ni Doña Edna. Si Choi naman ang natawa. Iyon na ang pinakaimposibleng bagay na sinabi ng kanyang ina sa tanang buhay niya. He hadn’t met any woman, not even once, who did not fell for him. “Well, good luck, `Ma,” confident na usal niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD