“ANO’NG problema, anak? Bakit mukhang pasan mo ang mundo ngayon?” salubong na tanong ni Andrew sa anak.
“May nag-back out na investor, Daddy,” tugon ni Tyler Freud sa ama.
Ito ang pumalit sa ama bilang general manager ng Sandoval Corporation samantalang si Gracelyn ang nakamana sa pagkaabogado ng ama.
“Anak, huwag ka nang malungkot, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? At your age compared to others, malayo na ang narating mo. You studied and lived independently just to be far from us and you never used our connection just to achieve your dreams, so bakit ngayon pinanghihinaan ka yata ng loob? Is there something wrong, hijo?” tanong ni Andrew sa binata.
Pakiramdam kasi niya’y hindi lang iyon ang iniisip ng anak. Hindi man niya alam pero aalamin niya sa tamang paraan dahil ayaw niyang mas manghinayang at panghinaan ito ng loob.
“Daddy, don’t be mad at me pero can I ask you something?” nakayukong balik-tanong nito.
In his mind, hindi siya nagkakamali; may ibang dahilan ang pagkaaburido ng binata.
“Sure, hijo, go ahead. Ano ba ’yon, Tyler anak?” sagot ni Andrew.
His wife and Gracelyn are in the charity foundation na pag-aari ng pamilya Sandoval kaya silang mag-ama lang ang naiwan sa malaking bahay na minana pa ni Andrew sa yumaong ama na si Don Gustavo dahil sa plane crash.
“Totoo po ba, Dad, na malas ang pamilya natin kaya nagba-back out ang ilan sa mga investor natin?” Sa wakas ay nasabi rin nito ang nais sabihin.
Nagulat naman ang ginoo dahil sa narinig mula sa anak, though may hint na siya kung ano ang nais tukuyin nito pero gusto niyang makasigurado.
“What do you mean, hijo? And who told you that?” balik-tanong niya rito.
“Sa opisina, Daddy. Wala akong kaalam-alam diyan pero kanina narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao doon lalo na nang nag-walk out ang investor natin na ka-negotiate sana namin ng board of directors. Kaya daw unti-unting lumulubog ang kabuhayan natin ay dahil malas daw tayo; kaya daw namatay si Grandpa, kaya daw sunod-sunod ang pagkawala ng mga kapatid namin Gracelyn dahil malas daw tayo. May nabanggit din ang isa na salot daw tayo sa lipunan. Hindi nila alam na narinig ko ang usap-usapan nila pero hindi ko rin ipinaalam sa kanila ang presensiya ko sa kadahilanang wala akong alam,” mahabang paliwanag ni Tyler Freud.
Sa narinig ay kumuyom ang kamao ni Andrew. Ano’ng kinalaman ng personal nilang buhay sa negosyo? Mukhang may sumasabotahe na yata sa kabuhayan nila na hindi nila nalalaman. Paano nangyaring salot sila ng lipunan? Kailan nagsimulang lumubog ang kompanya nila samantalang maayos ang takbo at kita nito?
“Stop bothering yourself, son, dahil lahat ng ’yan ay walang katotohanan. Don’t worry, I’ll come with you to the office tomorrow para linawin ang lahat ng iyan. And besides, hijo, you’re a businessman and you know the flow of our business so ano’ng ikinakabahala mo? Don’t mind them on their murmuring as long as walang katotohanan ang mga sinasabi nila. Just go ahead with your ways in handling the business,” ani Andrew.
For the first time kasi ay nakita niyang gano'n ang anak kaya naman labis siyang nababahala. Tahimik na tao ang mga anak niya pero delikado ring magalit ang mga ito, kaya siya bilang ama ng mga ito ang pumapagitna sa kanila.
“Mabuti pa nga, Daddy, dahil wala akong alam diyan sa kamalasan issue na ’yan. And besides, anong kinalaman nila sa private life natin?” tugon din sa wakas ng binata.
“Iyan ang aalamin natin, anak. Kung anuman ang pinagdaanan namin ng mommy n’yo ni Gracelyn ay wala na sila roon. Just focus yourself to your work,” muli ay wika ni Andrew.
“Yes, Daddy, I will,” tugon ng binata.
*****
LABIS-LABIS ang takot na lumukob sa nurse nang nagising ito’t nasa madilim na lugar siya.
“Diyos ko, nasaan na nga ba ako? Sino ba kasi ang mga ’yon at bakit sila naghahanap ng confidential files ng mga pasyente?” bulong niya na ang buong akala niya’y siya lang ang nasa kuwartong iyon kaya naman nagulat na lamang siya nang may nagsalita sa likuran niya.
“Isang tanong, isang sagot, miss, kung ayaw mong tuluyan kang mabura dito sa mundo. Ano ang ginagawa ng abogadang iyon sa pagamutan ninyo?” ani ng tinig na hindi niya alam kung saan nagmula.
Dahil hindi niya alam at hindi nakikita kung saan nanggagaling ang tinig ay napalingon-lingon siya at mas nagulat nang bumakas ang ilaw at napagtantong nasa tabi lamang niya ang nagsasalita.
“I’m here, you fool!” may igting ang boses na wika nito kaya naman labis siyang nahintakutan dahil ang mga mata nito’y namumula; ang buong mukha’y parang sinapian ng demonyo.
“Ano’ng kailangan mo?’ Sa kawalan ng masasabi o bunga ng pagkagulat ay iyon lang ang nabitiwan niyang mga salita.
“Bingi ka ba? Ang sabi ko, ano’ng ginagawa ng abogadang iyon sa pagamutan?” ismid na ani Jhay-R.
“Aba naman, Mr. Sa dami ng taong nasa pagamutan, malay ko ba kung sino sa kanila ang tinutukoy mo!” tugon ng nurse.
Hindi inaasahan ng nurse ang paghablot nito sa kanya, dahilan para mapunit ang uniform niya.
“Kinakausap kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos, hayup ka! Kitang-kita naming magkausap kayo bago kami lumapit sa iyo ’tapos sasabihin mong hindi mo kilala ang taong tinutukoy ko?” mas nagliliyab ang mga matang angil ng binata.
In her mind, naisip niyang baka ang bantay ng nasa pribadong silid sa room 8 ang tinutukoy nito pero alam niyang it’s against the law of protocols ang ipamalita outside the hospital ang files ng mga pasyente. Maaaring mawalan sila ng trabaho at higit sa lahat, may chance pang ma-blacklist sila sa mga pagamutan.
“Ano, magsasalita ka ba o ito ang nais mo?”
Nagulantang siya nang magsalita ito sa mismong punong-tainga niya sabay pisil sa maumbok niyang dibdib. Sa kabiglaan ay mabilis niya itong nasiko saka tinakbo ang pinto pero hindi pa niya nahahawakan ang doorknob ay muli siya nitong nahablot.
“Aba’y kung ayaw mong makuha sa santong dasalan, lintik kang babae ka, sa santong paspasan, hindi ka na makakaligtas!” Kung kanina'y nagliliyab sa galit ang mga mata, this time ay ngising-aso na ito na mas ikinatakot ng kaawa-awang nurse.
“H-Huwag! Parang awa mo na, huwag,” nahihintakutang pagmamakaawa nito pero ngisi lang ang isinagot nito sa kanya saka mabilis na itinali ang kanyang mga kamay.
“Wala pang nakakahindi sa alaga ko, lintik kang babae ka! Ngayon magsalita ka kung gusto mo pang makalabas nang buhay sa loob ng kuwartong ito!” tuwang-tuwa pang ani Jhay-R na ang mga palad ay patuloy na humahagod sa kabuuan ng nurse.
Sa isip naman ng nurse, wala namang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya o hindi, bakit pa niya isusugal ang buhay ng mga taong tinutukoy nito samantalang kaya naman niya itong pagtakpan? Hindi na siya muling nagsalita pa. Kahit anong salita ng binata’y wala na siyang isinagot.
Mas nagalit ang binata sa pananahimik ng nurse kaya matapos niyang mairaos nang paulit-ulit ang sarili ay parang walang nangyari, basta na lamang niya itong pinagbabaril hanggang sa mawalan ng hininga ang kaawa-awang nurse.
“Itapon n'yo ang hayup na ’yan, Damian. Wala naman tayong mapapala diyan, eh,” kibit-balikat nitong utos sa katiwala ng ama nang naayos na niya ang sarili mula sa panggagahasa sa nurse na pinatay din niya.
Puno man ng agam-agam ang mga tauhan ng ama ay wala ni isa sa mga ito ang nangahas na magsalita bagkus ay sinunod nila ito. Isinilid nila ang nurse sa isang garbage bag bago inilabas sa madilim na kuwartong iyon.
*****
PINALIPAS muna ng dalaga ang galit niya sa Poncio Pilato niyang bodyguard bago muling bumaba.
“Hmmm . . . Paano kaya naging bodyguard ang pulubing Poncio Pilatong ’yon? Kung hindi ako nagkakamali’y siya iyong sinasabi ni Chief Fuentes na suki ng kulungan. Teka lang!” parang siraulong bulong ng dalaga habang pababa sa hagdan na walang-kamalay-malay na ang tinatawag na pulubing Poncio Pilato ay nasa sala nila; dito ito pinatambay ng mag-asawang Sheryl Ann at Raven II.
“Tsk! Parang baliw ang tigreng nagkatawang-taong ito, bulong nang bulong parang bubuyog,” ismid din na ani Phillip.
“Ano kaya ang gagawin ko para—” Pero ang muling pagsasalitang mag-isa ng dalaga ay naputol dahil napansin ang lalaking kinaiinisan.
“Oh, you're still here? Aba’y kailangan ko na talagang kausapin si Hepe dahil sa pagkakamaling pagkuha sa iyo bilang bodyguard. Matanong ko lang, paano mo ako mapoprotektahan sa mga masasamang-loob diyan sa tabi-tabi kung suki ka ng kulungan? Sige nga, aber?” salubong ang kilay na wika ng dalaga.
“Alam mo, Miss Tigreng Nagkatawang-tao, imbes na sayangin mo ang laway mo diyan, ireserba mo na lang ’yan para sa trabaho mo. Saka ewan ko sa ’yo, ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang mala-amasona diyan. Tsk!” ganting wika ni Phillip, dahilan para mag-isang linya ang malalagong kilay ni Princess.
“Aba’t hoy, pulubing Poncio Pilato, saan ka kumuha ng karapatan para pagsabihan ako nang ganyan? Gusto mo yatang ikaw ang ipa-hearing ko ngayon, ah,” wika ng dalaga na muling nagkalinya ang noo.
“Kung gusto mo ikaw na tigreng nagkatawang-tao. Saka puwede bang ibaba mo na ang kilay mong ’yan, mas hindi nakikita ang mata mo niyan, eh. Kung ako sa ’yo, imbes na ngumawa ka diyan nang ngumawa, sumunod ka na sa akin sa sasakyan para makapunta na tayo sa trabaho mo’t may gagawin pa ako!” singhal ng binata saka nagsimulang lumakad palayo sa among tigre. Pero hindi pa ito nakalalayo ay muli itong humarap saka nagwika.
“Bilisan mo diyan, Madam Tigreng Nagkatawang-tao, dahil late ka na nang ilang oras sa trabaho mo. Sayang ang ipinapasahod sa iyo ng gobyerno, este lugi sila sa ginagawa mo. At huwag kang kukupad-kupad diyan dahil hindi kita ipagbubukas ng pinto,” pahabol nitong sabi bago tuluyang lumabas.
Para tuloy sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ng mga magulang at kapatid habang naglalakad papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.
“Just do the right thing, hijo. Bahala ka na kung paano mo siya pakikisamahan as long as hindi kayo magkakasakitan. Go ahead tutal alam ko namang hindi mo magagawang manakit ng taong walang-kalaban-laban lalo na sa babae,” ’ika nga ng ama nito na sinegundahan ng loko-lokong kapatid ng tigreng nagkatawang-tao.
“Mabait naman ’yang si Princess, bro, nagkataon lang siguro na nagsimula kayo sa bangayan kaya ganyan. But believe me, kapag magkakuhanan kayo ng loob, baka magkagustuhan pa kayo,” panunukso pa nito.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod dito na nag-aalburoto ang kalooban. Sa tanang buhay niya’y noon lamang siya nakaranas ng gano’n.
“Lintik ka talagang pulubing Poncio Pilato ka! Madapa ka sanang tao ka!” ngitngit na bulong ng dalaga habang nakasunod dito.
Pabalibag niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya na halos ikayanig nito pero wala siyang pakialam dahil sasakyan naman niya ito, para kahit papaano’y makaganti siya sa pulubing Poncio Pilato. Pero ang hindi niya alam ay ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan siya sa side mirror.
‘Kung gaano kaamo ang mukha mo, gano'n naman kasama ang ugali mong tigre ka,’ ani nito sa sarili saka walang babalang pinasibad ang sasakyan na hindi man lang tinanong kung saan niya ito ihahatid.
*****
SA opisina ni Don Fred, hindi ito mapakali na palakad-lakad sa harapan ng lamesa niya.
“Paano nangyari ’yon? Hindi ’yon puwedeng mangyari! Lintik kasi ang doktor na ’yon eh, mukhang pera!” kuyom ang kamaong wika ng don na sige pa rin sa kapaparoo’t parito.
Nakarating sa kanyang kaalaman ang matagal na niyang ibinanaon sa limot tungkol sa batang ipinadukot niya dati, o mas tamang sabihing pinapalitan niya ng patay na sanggol.
“Iisa lang ang anak nila sa pagkakaalam ko pero paanong may anak silang babae na abogado pa? Ano’ng ibig sabihin nito? Hindi ito maaari! Kailangang makagawa ako ng paraan para tuluyan silang mawala sa landas ko!” muli ay ngitngit ng Don.
Dahil sa kagustuhang mapatunayan ang nakarating na impormasyon sa kanya ay agad niyang dinampot ang wireless phone sa lamesa niya saka agad-agad nag-dial ng numero. Kailangan niyang makausap ang mga taong maaaring makatulong sa kanya para maidispatsa ang mga balakid sa kanyang mga plano.
Ang mga taong binabalot ng kasamaan ay gagawin ang lahat para lang makamit ang ninanais kahit pa buhay ang maging kapalit nito.