“GAANO mo kakilala ang Pamilya Sandoval, Col. Abellera?” agad na tanong ni Don Fred sa kaibigang opisyal. Ito ang nagbalita sa kanya na may dalawang anak ang mag-asawang Aileen at Andrew.
“Well, boss siya ng manugang ko, Don Fred. Alam mo namang sikat sa lipunan ang pamilya Sandoval. Way back then, si Don Gustavo ang may hawak sa buong kompanya nila but according to my source, namatay ang don dahil sa isang plane crash,” sagot ng opisyal saka naupo sa swivel chair.
“Pero hindi rin naman lingid sa ating lahat, Col. Abellera, na iisa lang ang anak ng mag-asawa. Paanong nangyari na may anak silang dalawa and the worst is isa pa itong abogada?” Konting-konti na lang ay madudulas na ito sa tunay na kaugnayan sa “pagkamatay” ng anak ng kaaway at tinik sa lalamunan nila.
“Diyan ka nagkakamali, Don Fred, dahil may dalawang anak si Andrew Sandoval. According to my daughter-in-law, isang abogada ang bunsong anak nito samantalang ang panganay ay negosyante na siyang kasalukuyang nakahawak sa negosyo nila,” kibit-balikat na wika ng opisyal.
Hindi nakapagsalita ang don. Mahigit dalawang dekada na ang nakararaan simula nang dalhin sa kanya ang bagong silang na sanggol. Twenty-eight years to be exact nang nasa kanya si Jhay-R.
Naidispatsa na rin niya ang doktor para wala nang maging dahilan pa na maungkat ang tungkol dito.
“Thinking of something, Don Fred? Wanna share it with me?” pukaw ng opisyal sa Don na napalalim na yata ang pag-iisip dahil hindi na yata siya naririnig.
“Huh! No—nothing. I need to go,” nauutal na wika ng Don.
Sa kanyang isipan ay kailangan na niyang kumilos habang maaga pa. Hindi puwedeng may ibang makaaalam sa lihim niyang pinakaiingatan.
“Okay, go ahead, Don Fred. Basta’t bumalik ka lang kapag handa ka na sa sasabihin mo. Just remember na walang lihim na hindi nabubunyag,” makahulugang tugon ng opisyal, bagay na ikinatigil ng papaalis nang si Don Fred.
Imbes na muling lingunin ang kausap ay dumeretso na lang siya nang napag-isip-isip niyang baka mahalata siya ng opisyal lalo na’t parang may alam na ito. His mind was telling him that no one will know about what he’s keeping for more than two decades.
Pero kagaya ng madalas sabihin ng mga tao,
“Matalino man ang matsing, naiisahan din.” Sa simpleng iginawi ng don ay agad nakahalata ang opisyal na may itinatago ito.
“Well, well, well. Alam ko nanang may kailangan ka kaya mo ako sinadya. Sige lang, Don Fred. Kung gag*han, pagbibigyan kita,” ani sa kawalan ng opisyal habang nakatanaw sa daang tinahak ng Don.
*****
SAMANTALA, kahit umuusok ang ilong ng dalaga dahil sa naganap sa kanilang tahanan ng umagang iyon na naging dahilan ng pagkahuli niya sa trabaho’y nagawa pa rin niya ang trabaho niya.
“Sino naman kaya ang distorbong ito?” yamot na sambit nito nang tumunog ang kanyang cell phone.
From: Unknown Number
Lunch time na, Madam Tigreng Nagkatawang-tao, baka naman puwede na tayong kumain nang magkalaman ka naman kahit konti.
“Tsk! Ang Poncio Pilato nga namang ito, naalala na naman akong buwisitin. Ano’ng akala sa akin ng pesteng ito, patpatin? Aba’y may panalo pa naman ako kapag sumali ako sa mga pageant. Saka paano niya nakuha ang number ko?” nakasimangot na wika ng dalaga.
Nagtitipa pa lamang siya ng sagot dito pero muling tumunog ang kanyang hawak na cell phone para lang malaman na ito pa rin ang sender ng message.
From: Pulubing Poncio Pilato
Naku, tigreng nagkatawang-tao, baka mas mangayayat ka niyan kapag lagi kang ganyan. Gusto mo dalhan kita diyan? Ay huwag na pala, madam, mas mabuting ikaw na mismo ang lumabas, bakasakaling makasagap ka ng ibang impormasyon.
Nang dahil sa inis ay hindi na naituloy ng dalaga ang pagtitipa para sagutin ang mensahe nito, bagkus ay sinulyapan niya ang orasan at nang napagtanto ang oras ay napangiwi siya.
“Kaya naman pala nang-iinis na naman ang Poncio Pilatong ’to, baka nagugutom na. Tsk! Kung hindi lang sana sa kasong ito, hindi ko pagtitiisan ang Herodes na ito, eh. Pero kawawa din, baka nagutom na ang mga anaconda sa tiyan,” muli ay bulong niya habang inaayos ang ilang papeles sa ibabaw ng lamesa niya pero nang napagtanto ang salitang binitiwan ay napabunghalit siya ng tawa.
Murder!
*****
“I’M going home na. Ikaw na ang bahala dito, ha. If anyone will call and ask for me, alam mo na ang isasagot. Here’s the money, you may buy your foods but make sure that you will close the office,” paalam ng dalaga sa secretary niya sabay abot ng limandaan.
“Thank you, ma’am, pero aba’y kahit mag-eat-all-you-can ako, hindi ko magagamit lahat ito,” wika nito.
“Problema ba ’yon? Eh ’di itago mo nang may panghapunan ka, basta huwag mong pabayaang nakabukas ang opisina, ha. Sige na, mauna na ako’t may dadaanan pa ako,” sagot ng dalaga saka ipinagpatuloy ang paglabas sa opisina.
Nang nawala na sa paningin ang boss ay iniligpit na ng secretary ang dapat niyang iligpit para makapunta na rin sa canteen.
“Hay, ang bait talaga ni Attorney. Halos hindi ko pa nagamit ’yong ibinigay niya noong isang araw, mayroon na naman,” may ngiti sa mga labing wika nito.
*****
WALA naman sa isipan ng binata ang asarin ang amo niyang dalaga pero napansin niya kasing wala pa itong kain simula umaga dahil ang kapeng hawak nito’y naibuga sa kanya tapos lampas na naman ang lunch pero hindi pa niya ito nakitang humawak ng kahit anong pagkain. Hindi pa rin ito lumabas kahit itinext niya na ito.
“Mabuti na lang naibigay sa akin ni Ma’am Sheryl Ann ang number ng tigreng ’yon, naku!” ngiting-ngiti niyang sambit habang nakataas ang mga paa na nakapatong sa manibela.
Isa siyang alagad ng batas at ito’y lingid sa kaalaman ng lahat kaya malaya siyang nakamamasid tungkol sa kanyang trabaho.
“Kumusta naman kaya ang assignment ng mga siraulo kong kaibigan? Naku, sana naman kahit papaano hindi kasingtigre ng—”
“Hoy, pulubing Poncio Pilato! Manibela ’yan, hindi racking chair!”
Sa gitna nang pag-i-imagine, este pag-iisip ng binata ay nagulantang siya sa tinig ng dalaga. Dahil sa gulat ay pabigla niyang naibaba ang paa pero dahil sa nabigla siya ay nagkamali siya ng galaw kaya naman nahulog siya, mabuti na lamang at naitukod niya ang kamay kaya hindi siya tuluyang nahulog sa baba o sa mismong harapan ng dalaga.
Dahil dito’y napabunghalit ng tawa ang kanina’y parang tigreng dalaga samantalang ang binata’y hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Hindi maipinta ang expression ng mukha niya.
“Tsk! Next time kasi, huwag mong gawing racking chair ang manibela. Mamaya niyan eh masira pa ’yan, sa laki mo ba namang tao,” mapanuksong wika ng dalaga na nagbubunyi ang kalooban.
“’Buti nga sa ’yo! Nakaganti rin ako,” kulang na lang ay sabihin niya.
“Para ’yon lang, masisira na agad? Eh, mas mabuti na ang malaking tao dahil may ililiit pa kaysa sa tulad mong tigreng nagkatawang-tao, payatot pa,” paismid namang sabi ng binata saka pinausad ang sasakyan ng dalaga.
“Kumain ka na ba? Aba’y baka kasalan ko pa kapag magka-ulcer ka niyan,” tanong ng dalaga imbes na patulan ang pang-aasar nito. And besides, nakararamdam na rin siya ng gutom kaya naisipan niyang tanungin ito.
“Maraming salamat pero kumain na ako ng sinigang na dahon ng gumamela, may sahog na bunga ng ampalaya at mangga. Ang payatot na tulad mo’y mechado ang bagay o ’di naman kaya’y adobong palaka at adobong chocolates para manaba ka,” sagot nito kaya naman muling naasar ang dalaga.
“Hoy, pulubing Poncio Pilato ka, imbes na magpasalamat ka eh kung ano-ano pa ang sinasabi mo! Kung ayaw mong kumain, ’di huwag! Dalhin mo ako sa kainan, gusto kong kumain ng ginataang gulay!” singhal nito na salubong pa ang kilay.
“Naku, hindi bagay—”
Hindi na natapos ni Phillip ang pagsasalita dahil agad niyang tinapakan ang preno nang makita ang taong parang takot na takot sa gilid ng daan.
“What the hell are you doing?!” malakas na sigaw ni Princess Ann lalo at kamuntikan na siyang mapasubsob sa upuan. Pero hindi ito pinakinggan ng binata, bagkus ay ipinarada nito ang sasakyan saka mabilis na bumaba.
“Miss, okay ka lang ba?” Agad na tanong ni Phillip sa babaeng halatang takot na takot.
“Ha? Oo—hindi,” pautal-utal nitong sagot.
“Don’t be afraid, miss. May maitutulong ba ako sa iyo?” muli ay tanong ni Phillip dahil sa tinig at hitsura pa lamang ng babae ay halatang may kinatatakutan ito.
“Nasiraan kasi ang sasakyan ko diyan kaso wala ni isa ang nais tulungan ako, malayo pa naman ang lalakbayin ko,” sagot ng dalaga na hindi mapakali.
Igininala ng binata ang paningin at hindi nga siya nagkamali, may isang itim na Porsche car sa isang tabi.
Dahil hindi mahintay ni Princess Ann ang pulubing Poncio Pilato ay naisipan niyang bumaba para alamin kung ano ang ginagawa nito.
“Hmmm . . . May taste ang Poncio Pilatong ito, ah. But teka lang, parang nakita ko na siya dati, ah?” bulong nito nang makita ang babaeng kausap ni Phillip.
Tahimik siyang lumapit sa dalawa kaya dinig na dinig niya ang tinuran ng lalaki.
“Kung okay lang sana sa ’yo mag-change tire sana dahil uuwi pa ako ng La Union. Huwag kang mag-alala, magbabayad ako kahit malaki basta maayos ang sasakyan ko,” aligagang wika ng babae na hindi sinasadyang nahagip ng paningin ang kasama ni Phillip na walang iba kundi si Princess Ann.
“Pero okay lang din kung hindi na, baka kasi nakakadistorbo ako sa inyo ni Ma’am,” bawi nito sa naunang sinabi kaya naman napalingon ang binatang si Phillip.
“O, Madam Tigreng— Bakit ka bumaba?” agad na wika ni Phillip na bahagyang nautal. Ayaw rin naman niyang mapahiya ito kaya bigla niyang binawi ang sinabi.
Hindi pinansin ng dalaga ang sinabi ng binata bagkus ay lumapit ito sa babae.
“Huwag kang mag-alala, miss, aayusin ng Poncio Pilatong ’yan ang sasakyan mo kaya’t huwag kang mag-isip ng bayad dahil libre niyang gagawin ’yan. Pero teka lang, miss, ano ba’ng ginagawa mo dito sa daan na ’to? I mean, bakit hindi ka kasi sa main road dumaan? Siya nga pala, miss, what’s your name?”
Ako ang hiningal sa mga tanong mo, Attorney! Tuloy ay hindi agad nakasagot ang babae dahil sa sunod-sunod na tanong ni Princess Ann.
“I-I’m Gracelyn Pimentel, Ma’am. May humahabol kasi sa akin kaya iniligaw ko sila from the main road kaya ako napadpad dito but it became worst dahil na flat tire naman ang sasakyan ko,” sagot nito.
Although ramdam niyang hindi masamang tao ang mga nasa harapan niya’y mas pinili pa rin nito ang huwag sabihin ang buong pangalan.
“I guess hindi naman tayo nagkakalayo ng edad, Miss Gracelyn, kaya tawagin mo na lang akong Princess at siya si Poncio Pilatong Phillip. Maaari natin siyang tawaging kuya,” pagpapakilala ng dalaga na napahagikgik sa huling tinuran habang pinapalitan ni Philipp ang gulong ng kotse ni Gracelyn. Kahit alam niyang magkasing-edad sila ng Poncio Pilatong pulubi ay bawi-bawi lang.
“Ikaw, tigreng nagkatawang-tao, ako na naman ang nakita mo. Maanong ipakilala mo ako nang may lambing? Ganito, oh: ‘Siya si Phillip the handsome,’” wika nito saka bumaling sa dalagang tinulungan.
“Miss Gracelyn, okay na sasakyan mo. Payo ko lang kapag ganitong may biyahe ka na malayo, dapat huwag kang lumayo sa main road para in case of emergency ay mas may makakakita sa iyo kasi ang daang ito’y bihira lang madaanan. Have a safe trip, miss. Panatilihin mong matalas ang pakiramdam mo, sigurado namang may telepono ka kaya just make a phone call to the cops kapag may iba kang mararamdaman,” sinserong wika ni Phillip.
Hindi siya rude na tao, hindi rin mapili sa mga taong nakasasalamuha at isa na rito ang dalagang natulungan. Magaan ang pakiramdam niya rito na parang matagal na niya itong kakilala.
“Maraming salamat, K-Kuya Phillip, Princess. Sige, mauna na ako ha, at maraming salamat muli sa inyo. Huwag kayong mag-alala, susundin ko ang payo ninyo,” tugon nito.
Pero bago pa ito makatalikod ay . . .
“Dapa! Miss Gracelyn! Princess Ann!” malakas na sigaw ng binata dahil bigla na lamang may nagpaulan sa kanila ng bala kasabay ng pagdaan ng isang sasakyang hindi nila alam kung saan nanggaling.
Hinila ni Princess ang bagong kakilala at nagkubli sa sasakyan nito samantalang hinabol ng Poncio Pilatong pulubi ang sasakyan na nagpaulan sa kanila ng bala.
“I guess huwag ka na munang umuwi ng La Union, Miss Gracelyn. Sumama ka na lang muna sa amin, bukas ka na lang umuwi or tawagan mo ang pamilya mo para hindi sila mag-alala sa ’yo. Hindi ka safe, I can feel that,” sabi ng dalaga na ang kanang kamay ay nakahawak sa kausap samantalang hawak ng kaliwang palad ang kalibre kuwarenta y singkong baril na hindi alam ng kasama kung saan nanggaling.
“Siguro nga, Miss Princess,” tipid na tugon ni Gracelyn.
Isa rin siyang abogada na tulad niya ay maraming death treath na natatanggap kaya naisipan niyang sumang-ayon na lamang sa bagong kakilala. Ramdam naman niyang sinsero ang dalawa na kahit sa mismong harapan niya’y nagbabangayan.
Hindi tumigil si Phillip sa paghabol sa sasakyang nagpaulan sa kanila ng bala. Saka lang siya tumigil nang makalayo na ito nang husto.
“Hindi ko alam kung sino sa amin ang target ninyo pero huwag kayong magpakasigurado dahil hindi ko kayo uurungan!” ngitngit na ani nito na pansamantalang tumigil pero agad ding tumalima nang maalala ang dalawang babae.
“O, Madam Tigreng Nagkatawang-tao, saan mo nakuha ang baril na ’yan? Dapat ikaw ang humabol sa mga ’yon nang nakaehersisyo ka sana.” Sa gitna ng komosyon ay nagawa pa nitong asarin ang among dalaga.
“Ikaw, Poncio Pilatong pulubi, kapag ako ang tuluyang mabuwisit sa iyo, ire-report kita. Aba’y ako nga dapat ang magtanong niyan. Ikaw na ewan kung saang lupalop ng mundo nanggaling eh may baril.” ’Ayun, bumalik ang mala-tigreng dalaga.
Pero hindi na iyon pinatulan ni Phillip dahil walang nakaaalam na lahat ng armas niya ay lisensiyado.
“Isama mo na lang muna sa inyo si Miss Gracelyn. Mahirap na, baka mas mapahamak pa siya,” aniya.
“Hope you don’t mind, Miss Gracelyn. Iniisip lang namin ang kaligtasan mo. Don’t worry, mabait naman ang tigreng nagkatawang-tao na ’yan,” baling nito sa bagong kakilala.
“No, it’s okay, Kuya Phillip, Miss Princess Ann. Thank you for the care even if you only met me now,” tugon ni Gracelyn.
“Huwag mong pansinin ang Poncio Pilatong pulubi na ’yan, Miss Gracelyn. Tara na sa sasakyan mo, ako ang magda-drive. Hayaan mo siyang sumunod sa atin, alam naman niya ang daan,” ingos sa binata na wika ni Princess Ann kahit ang dalaga ang kausap.
Nawala na ang gutom niya!
Deep inside of Gracelyn, nais niyang humalakhak dahil sa paraan ng tawagan ng mga bago niyang kakilala.
Ilang sandali pa ay tahimik na nilang binaybay ang daan pauwi sa tahanan ng mga Harden.
*****
SA kabilang banda, kulang ang salitang “galit” para ilarawan ni Don Fred ang nararamdaman nang oras na iyon.
“Mga wala kayong kuwentang kausap! Iisang babae lang, hindi n’yo pa naitumba? Gusto n’yo bang kayo ang itumba ko ngayon din?” malakas nitong sabi habang nagliliyab ang mga mata.
“Kasi naman—”
“Ano na naman ang dahilan n’yo ngayon, ha?! Ang idispatsa lahat ng star witnesses sa kaso ng anak ni Hepe nahirapan kayo, and this time iisang babae, nahihirapan pa rin kayong lahat?! What kind of people are you?!” putol nito sa tauhan.
Nahintakutan naman ang mga tauhan nito. Kahit pa sabihing dati na itong naninigaw sa kanila, hindi ito naging palabunot ng baril o hindi nito ugaling manutok kaya naman natakot sila dahil kinuha nito ang shotgun nitong nasa dingding.
“Isang tanong, isang sagot, Damian, at sa inyong lahat! Bakit hindi ninyo napatay ang pinapadispatsa ko sa inyo?!” malamig na tanong nito.
Without hesitation, sa takot na mamatay, they answered in unison.
“Si Sandoval, boss, nandoon,” they answered.
Sa narinig ay hindi na nagdalawang-isip ang don at kinalabit niya ang hawak na shotgun!