CHAPTER TEN

2571 Words
PAGKAHATID ni Phillip sa dalawang dalaga sa tahanan ng mga Harden ay agad siyang umuwi. Maghapon din niyang hindi nakausap ang kanyang ina. They are not living luxuriously even he can provide their needs pero kahit gano’n pa ma’y maayos naman ang kanilang pamumuhay. Bungalow man ang bahay nilang mag-ina pero hindi masasabing bahay ng pulubi at hindi rin bahay ng mayaman. Walang-kaalam-alam ang nanay niya na isa siya sa mga opisyal ng kapulisan sa kanila kaya’t ayaw rin niyang malaman nito na galing sa marangal ang ikinabubuhay nilang mag-ina bukod sa pagtitinda nito sa palengke. Dito sila sa Baguio napadpad mag-ina matapos nilang magpalipat-lipat nang ilang taon. “Kahit anuman ang mangyari, anak, hinding-hindi tayo magkakalayo,” tandang-tanda pa niyang wika ng nanay niya. Sa pagkakaalala sa karanasan nilang mag-ina’y napangiti na lamang siya. ‘Minsan parang nais kong mag-isip na hindi mo ako anak, Inay, pero alam ko namang wala iyong katotohanan at hindi ko iyon pinagdududahan. Kahit saang anggulo tingnan, wala tayong similarities pero malay natin, baka kay Tatay ako kumuha ng features. Hay naku, Inay, marami akong ikukuwento ngayong araw sa iyo, baka hindi tayo matutulog nito kapag isa-isahin ko ang pang—’ “Hoy, Phillip anak, wala ka bang balak pumasok, ha? Aba’y kanina pa kita nakikita diyan na para bang namamaligno. May kinasangkutan ka na namang gulo, ano?” tinig ng kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. “Inay naman, bakit ka ba nanggugulat? Paano kung may sakit ako sa puso’t bigla na lang akong mawalan ng buhay dahil sa gulat?” nakangiwing sambit ng binata pero pingot lang ang napala niya sa ina. “Ikaw, Phillip, kung kailan ka nagkakaedad saka ka pa nagloloko, ah. Saan ka na naman galing, ha? Aba’y maghapon kang wala sa bahay ’tapos bigla kang darating na para bang daig mo pa ang mga maligno diyan sa kanto. Ngayon sabihin mo na nanggugulat ako,” kunot-noong ani Aling Wilma. Dahil dito’y mas napangiwi ang binata. Nakalimutan pa yata niyang magpaalam bago siya umalis. Hawak ang taingang piningot ng ina’y yumakap siya rito saka bumulong. Kahit gano’n ang nanay niya sa kanya’y mahal na mahal niya ito. “Si Inay naman, oo. Porke ba nawala ako maghapon, may masama na naman akong ginawa? Baka naman may trabaho lang ako kaya ako hindi nakauwi maghapon. Ayaw mo ba n’on, Inay, na sa araw na ako nawawala pero sa gabi’y nandito ako?” napangingiting wika ng binata. “Naku, magtapat ka, anak, kung saan ka galing. Mamaya mabalitaan kong nasa police station ka na naman,” hindi kumbinsadong sagot ng matanda. Pero hindi sumagot ang binata bagkus ay iginiya ang ina sa loob ng bahay nila. Hindi pa siya handang ipagtapat dito na isa siyang alagad ng batas dahil ayaw na ayaw niyang nag-aalala ito. Kaya naman imbes na ipagtapat dito kung saan siya galing ay pinanindigan niya ang sinabi na galing siyang trabaho. “Alam mo, Inay, huwag mo silang paniwalaan dahil mga tsismosa’t tsismoso lang ang mga ’yan. Akong nagsusumikap para makatulong sa ’yo kahit papaano, ako pa ang lagi nilang nakikita. Kapag ako ang napuno, naku—” Pero ang moment nilang mag-ina ay binulabog ng malalakas na kalampag mula sa kanilang pinto. “Bilisan mo, anak, baka kung ano na ’yan,” may pagmamadaling utos ni Aling Wilma kay Phillip. “Nandiyan na! Makakatok naman, parang magigiba ang bahay!” inis na sigaw ni Phillip habang tinatawid ang pagitan ng maliit nilang sala papuntang pintuan. Pagbukas pa lamang ni Phillip sa pinto ay sumalubong na ang posas sa kanya. “You’re under arrest, Mr. Sandoval,” wika ng hindi niya kilalang pulis. Iba ito sa pulis na umaresto sa kanya ilang linggo na ang nakararaan, ang taong ito ay hindi pamilyar sa kanya. “What?! I’m under arrest? Why, what happened?” Sa kabila ng kabiglaan kung bakit siya inaaresto ay nagawa pa rin niyang magtanong nang sunod-sunod. “Mas mabuting sa presinto ka na lang magpaliwanag dahil kami’y napag-utusan lamang,” sagot ng unipormadong pulis. Pero bago pa siya maakay ng mga ito ay nagsalita ang ginang. “Hindi na ba kayo nagsasawa sa kakaaresto sa anak ko, ha? May napatunayan na ba kayo sa lahat ng ibinibintang n’yo sa kanya? Sige subukan ninyong ilabas muli ang anak ko sa pamamahay ko’t makikita ninyo ang inyong hinahanap!” may igting na sabad ng ginang. Dahil dito’y napalingon ang mga ito pati na si Phillip. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata dahil sa nakita. His mother was holding a calibre .45! “Inay! Ibaba mo ’yan, baka pumutok ’yan!” nahihintakutang sambit ng binata. Halatang hindi napaghandaan ng mga pulis ang ginawang iyon ng matanda. “Labas-masok ka sa kulungan, anak ko, pero ako ang higit na nakakakilala sa ’yo. Alam kong wala kang kasalanan kaya mali ang basta ka na lang nilang inaaresto, Phillip anak. Ngayong harap-harapan ang pag-aresto nila sa ’yo ay hindi ako makakapayag lalo na’t wala man lang silang mailatag na dahilan kung bakit ka inaaresto,” matiim na wika ni Aling Wilma. “Maaari po namin kayong kasuhan dahil sa panunutok mo ng baril. Illegal possession of firearms po ’yan,” paismid na ani ng pulis. “Sige lang, kasuhan mo ako ng illegal possession of firearms at kakasuhan ko kayong lahat ng trespassing. Ngayon kung ako sa inyo, umalis kayo ngayon sa loob ng pamamahay ko dahil kahit sinong Poncio Pilato’y walang makakapigil sa akin kapag gusto kong kalabitin ang hawak kong baril,” seryosong sabi ni Aling Wilma. Para namang nahintakutan ang mga pulis. Totoo naman kasing trespassing sila pero ayon sa testigo nila’y ang suki ng presinto na si Phillip ang prime suspect. “Nais lang naming ipaalam sa inyo, Misis Sandoval, na ang anak n’yo ang prime suspect sa panggagahasa sa isang nurse. She was raped and murdered—” Sa narinig ni Phillip na isa na namang kaso ang ibinibintang sa kanya’y parang nawalang bigla ang pagod niya. Lumipad nang walang pakpak ang lalaking hindi na natapos pa ang pagsasalita. “Hayup kayo! Sa tuwing may krimen, kami ng mga kaibigan ko ang lagi ninyong pinagbibintangan! Hindi n'yo ba naisip na naging suki kami presinto dahil sa kapalpakan n’yo sa trabaho? Hanggang ngayon ba naman, kami pa rin ang pinupuntirya n’yo sa lahat?! Shame on you, people!” galit na galit ang binata dahil sa muli nilang pambibintang sa kanya. In just a blinkered of an eye, tumilapon na parang papel ang dalawa pang pulis na basta na lamang pumasok sa bahay ng mag-inang Phillip at Wilma na siya ring pagdating ng tatlo pang kaibigan ng una. The most dangerous group was pissed off once again! They have only one thing in their minds. Sa pagtinginan ng tatlo’y nakabuo sila ng pagganti sa mga nakaunipormeng nilalang na hindi nila alam kung mga pulis nga ba o mga pulis patola lang. Hindi na sila nagsayang ng oras. Tatlo sila at gano’n din ang mga pinalipad nila nang walang pakpak. Sa isang iglap ay nakatali na ang mga ito sa likod ng bahay. “Sa tingin ko, mga p’re, ibang usapan na ’to. Kasi kapag inaaresto si ’Tol Phillip ay gano’n din tayo, but this time siya lang ang sinugod.” ani Leo. “Ang sabihin mo, p’re, hindi mga police under ni Chief Fuentes ang mga ’yan. Kasi kahit siraulo ang mga ’yan, hindi ’yan basta pinapatulan ni Pareng Phillip,” sang-ayon ni Arnold. “I agree, mga p’re. Saka aba’y suki tayo ng presinto kaya masasabi nating kilala na natin ang mga taong umaaresto sa atin. But the question is, ano na naman ang kasalanang ibinabato nila?” wika naman ni Joe. Sa pag-uusap nilang tatlo’y panay ang palag at tungayaw ng mga bihag nila. “Humanda kayong lahat dahil oras na makawala kami dito’y hindi lang pang-aaresto ang gagawin namin sa inyong mga rapist kayo!” sigaw ng isa. “Kaya nandito kayo para muling maghasik na naman ng lagi—” Naputol ang sinasabi nito nang suntukin ito ni Phillip sa sikmura. “Tama na, anak. Aba’y gusto mo yata ang tuluyang makulong, ah,” awat ni Aling Wilma sa anak pero hindi ito nagpapigil dahil tahimik itong lumapit sa tatlo saka pinagsisipa pa ang mga ito. Ang tatlong kaibigan niya ay agad nagsilapitan dahil kilala nila ang binata. Kapag galit ito, hindi nito sinasanto ang kahit na sino. “Pareng Phillip, hayaan mo na sila. Mas mabuting tayo na ang tutuklas kung sino ang mga ’yan. I’m sure hindi tauhan ni Hepe ’yan.” Nakalimutan yata ni Joe na nasa harapan nila ang nanay ng kaibigan nila at huli na para bawiin niya ito. “Naku ikaw, Joe, para ka namang alagad ng batas niyan. Aba’y mamaya makulong tayo nang wala sa oras. Brutality pa maikaso sa atin niyan,” agad na sabad ni Leo dahil sila lang din ang nakakaalam sa kanilang lihim tungkol sa trabaho. “Ganito na lang, guys. Alam n’yo na ang solusyon diyan,” sabi naman ni Arnold. Bago pa sila mahalata ng ina ni Phillip ay nasa harapan na silang muli ng mga pangahas. Without a word, they pulled out their magic, este ang alaga nilang ahas na plastic pero parang buhay na buhay iyon. “Hoy, mga hayup kayo! Ilayo n’yo ’yan, baka tuklawin kaming tatlo niyan. Mabuti sana kung kayo na lang,” nahihintakutang ani ng isa. “Hindi ganyan ang makiusap!” malakas na sigaw ni Phillip. Ang hindi alam ng kanilang mga bihag ay may remote ang ahas-ahasan. Hinila lamang nila nang palihim para makalapit ito. “Hoy! Mga hayup kayo! Tanggalin n’yo ’yan! Ahhh! Tulong! Sh*t! Help! Malalagot kayo ngayon nito kay Boss!” hindi magkandatutong sigaw ng tatlo. Dito nagkatinginan ang magkakaibigan dahil kumpirmadong manggagamit lang ang mga ito. These are not real policemen! Palihim namang nagbigay ng warning si Phillip sa mga kasamahan. Wala siyang balak ilihim nang panghabang-buhay ang trabaho niya sa kanyang ina pero ayaw naman niyang sa gano’ng paraan lang niya ito ipagtapat. Mahal na mahal niya ang kanyang ina higit kanino man kaya’t plano na rin niyang magtapat dito balang-araw pero sa harap ng mga demonyong kampon ni Satanas ay hindi na. “Halika na sa loob, Inay. Ang baril mo, pakibigay kay Pareng Leo. Siya raw ang huhusga sa mga ’yan,” kindat ng binata sa ina saka bumaling sa kaibigan. “Mga ’tol, kayo na ang puputol sa kaligayahan ng mga ’yan. Sigurado akong sila ang gumawa sa mga ibinibintang sa akin,” makahulugang wika ng binata. Napahagikgik ang matanda dahil sa pagkakaalala sa hawak na baril-barilan. “Akin lang ito, mga anak, dahil ito ang katapat ng mga ’yan. Huwag n’yong dungisan ang mga palad ninyo dahil lang sa kanila. Sa baril-barilan nga, takot na takot na sila, sa ahas-ahasan na ’yan pa kaya na halos mabaliw na sila? Hayaan n’yong mamatay sila sa takot, hindi dahil sa bala,” nakatawang sambit ng ginang. Dito napagtanto ng magkakaibigan kung ano ang nais ipakahulugan ng ginang kaya naman hindi na sila nag-atubling isakatuparan ang nasa kanilang isipan: Ang takutin ang tatlong pangahas para malaman kung sino-sino sila at kung sino ang nag-utos sa kanila para arestuhin si Phillip. ***** DAHIL sa sunod-sunod na pagkawala ng mga tauhan niya ay naisipan ni Jhay-R ang tuluyang sumanib sa grupo ng ama. Isa siyang alagad ng batas pero ang tunay niyang katauhan ay hindi alam ng mga kasamahan niya. Nasa military department siya pero dahil sa pera at koneksiyon nilang mag-ama’y nakagagalaw sila nang maayos at lihim. “Sh*t! Nasaan na kaya ang mga ’yon? Hindi na bumalik! Lintik lang kung sinuman ang Sandoval na iyan. Lagi na lang siya ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng mga plano,” ngitngit na wika nito habang panay ang hithit sa hawak na sigarilyo. Sa mata ng ibang tao ay isa lang itong ordinaryong yosi pero para sa kanilang nakaaalam ay isa itong droga, one of the businesses of the family. Ang hindi alam ng binata ay pinagmamasdan siya ng kanyang ama; ang kanyang partner in crime since childhood. Ito lang ang masasabing partner niya dahil hindi niya matandaan ang mukha ng kanyang ina. Ayon sa kanyang ama’y patay na ito. “Mapaimbestigahan nga ang hayup na ’yan. Parang hindi ko pa siya nakita eh, pero baka nakita ko na kaso hindi ko lang matandaan? Ever since, laging ang taong iyon ang sinasabi ni Papa na kalaban niya’t tinik sa kanyang lalamunan pero talagang hindi ko siya matandaan.” Parang baliw na bulong nang bulong ang binata habang palakad-lakad pa ito. Dahil sa napalalim ang pag-iisip ng binata ay hindi na niya namalayang nakalapit na pala ang don sa kanya. “Penny for your thoughts, hijo? May problema ka ba? Wanna share it with me?” tanong nito, dahilan para mapalingon siya. “O, ikaw pala, Dad. Halika, maupo ka muna,” agad din namang sabi ni Jhay-R. Naupo muna silang mag-ama bago tuluyang magsalita ang matanda. “Ano’ng gumugulo sa isipan mo, anak? Mga tauhan ba ang iniisip mo? Well, kung sila man, huwag mo nang pagurin ang sarili mo diyan, anak. Why? Ano’ng silbi ng pera natin kung hindi mo naman gagamitin para makahanap ng mga kapalit ng mga nagwawalaang tauhan mo? Kung tungkol naman sa Sandoval na ’yon, kilala ’yon sa presinto, suki ’yon doon kaya doon ka magsimulang mag-imbestiga. I’m sure marami kang malalaman doon. But make sure na hindi madudungisan ang pangalan mo para malaya ka pa ring makakilos,” deretsahang wika ng don. Sa narinig ay agad lumiwanag ang mukha ng binata. “You’re the best, Dad. Thank you for that. Hindi ko naisip ang bagay na ’yon kaya maraming salamat sa pagbibigay mo ng idea,” abot-taingang sagot ng binata. “You’re most welcome, anak. Ang kayamanan ko’y kayamanan mo na rin at ikaw ang tagapagmana ko kaya kung ano ang naiisip mong ikabubuti ng negosyo natin ay sige lang, anak,” tugon ng Don. Tumagal-tagal din ang usapan nilang mag-ama. “Okay, son, mauna na ako sa ’yo. I need to rest na at ikaw din, magpahinga ka na,” wika ng don pagkalipas ng mga sandali. “Sleep tight, Dad. I’m going to take a rest na rin,” tugon ng binata saka hinagkan sa noo ang ama. Hindi nga nagtagal ay nagkanya-kanya na sila ng landas and something was both playing on their mind. **** AS the days goes on, wala pa ring nagbago sa trato nina Princess Ann at Phillip sa isa’t isa kaya naman nasanay na ang mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napansin ni Princess Ann ang pananahimik ng bodyguard niya. ‘Ano kaya ang problema ng Poncio Pilatong pulubi na ’to. Hmmm . . . Nakakapanibago naman ang katahimikan niya. Ano kaya kung tanungin ko? Pero baka lumabas na naman ang pagkabungangero niyan,’ ani Princess Ann sa kanyang isipan. Ayaw-bati silang dalawa pero hindi ibig sabihin n’on na magkaaway na sila na walang pakialam sa isa’t isa. Actually, may napansin siya rito, parang hindi ordinaryong bodyguard lang ito. Kaso ayaw naman niyang magtanong dahil kahit paano’y may hiya pa rin siya rito. Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay biglang nagpapreno ang taong iniisip niya. “Wear your seat belt now!” utos nito in a very loud voice na sa unang pagkakataon ay walang “tigreng nagkatawang-tao” ang bunganga. Halos hindi pa niya naikakabit ang seat belt ay pinasibad na nito ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD