NAGULAT lahat ang mga empleyado ng Sandoval Incorporation dahil sa hindi inaasahang pagdating ng big boss ng naturang korporasyon. “Good morning, guys,” bati nina Andrew at Aileen sa lahat ng mga nadaraanan nilang empleyado. Sa mga taong walang ibang ginagawa o tanging trabaho lang ang kanilang inaasikaso ay normal day lang ang araw na iyon pero sa mga mahilig sa tsismis, sila ang maingay. “Eh, ano naman kung dumating si Sir? Pag-aari naman nila ang kompanya. Saka ano’ng problema doon samantalang sila nagpapasahod sa atin?” kibit-balikat ng mga matitinong trabahador. Samantalang inis at pagkagulat naman ang rumehistro sa mga taong walang ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng kanilang kapwa. “Ano na naman ang problema ng mga ’yan? Bakit sila nandito?” Mga salita namang binitiwan ng mga