TUMATAWANG mag-isa si Don Fred habang hawak ang envelope na naglalaman ng DNA result. “Sabi ko na nga ba, eh. Bakit ngayon ko lang ito naisipang gawin? Well, well, well. Hindi ang mga kagaya ninyo ang magpapabagsak sa akin. Mga langgam lang kayo kumpara sa isang pader na tulad ko,” tumatawang wika nito habang palakad-lakad. Yes, it is! Jhay-R and Phillip are the missing twins of Andrew Sandoval and Aileen Sandoval. How? Ang taong may konsensiya pa at hindi pa gaanong masamang tao’y may nakasilid pang pagsisisi at ang doktor na nagpaanak sa huli ay hindi pa lubusang isinanla ang kaluluwa sa taong sakim sa pera at kasikatan, kaya imbes na ibigay ang kambal kay Don Fred ay dinala niya ito sa taong alam niyang may mabuting kalooban at iyon si Aling Wilma, ang kinikilalang ina ni Phillip.