“ALAMIN ninyo ng mga kasamahan mo, Damian, kung saan nakatira ang Sandoval na ’yon pero huwag kayong tatanga-tanga dahil ayaw kong sasablay kayo sa oras na ito. Maliwanag ba?” utos ni Don Fred. “Masusunod, bossing. Pero alam ba ito ni Senyorito?” sagot ni Damian. “No! Kaya ko kayo binibilinan na mag-ingat at huwag gagawa ng ikakasira ng plano ko. Alamin ninyo kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Sa madaling salita, alamin ninyo kahit kaliit-liitang bagay ukol sa kanya,” ani ng Don na nakatanaw sa malayo. Dahil dito, hindi nito napansin ang reaksiyon ng mga tauhan at ang lihim na pagtitinginan ng mga ito. “Ah, boss, maaari bang magtanong?” bakasakaling tanong ng isa nitong tauhan. “Kung itatanong mo kung bakit ayaw kong malaman ito ni Jhay-R, huwag mo nang ituloy dahil hindi k