ILANG sandali na ang nakalipas pero hindi pa rin makapaniwala ang mag-asawang Andrew at Aileen sa pinanood na video. “I know, Mommy, Daddy, na hindi rin kayo makapaniwalang tulad ko pero ako mismo ang nakasaksi sa pangyayaring iyan kaya ko kinuhanan ng video para may ebidensiya ako, at higit sa lahat, para maipakita sa inyo ang sinasabi ko.” Hindi man makapaniwala si Gracelyn at mas lalong hindi makahuma pero nagawa pa rin niyang ipaliwanag ang side niya. “Anak, saan natin siya matatagpuan? Kahit hindi n’yo sabihin, alam kong nasa isip n’yo din na makapagpasagawa tayo ng DNA. Sapat na ang video na iyan upang gumawa tayo ng hakbang and we all know what I mean,” makahulugang wika ni Andrew. “Kaibigan at kapwa ko abogado ang boss niyang si Phillip pero sa pananalita’t galaw niya’y isa siya