DAHIL sa putok na hindi nila alam kung saan nanggaling ay nagkakumahog ang magkakaibigan sa pagligtas sa dalawang babae nilang kasama. “What’s happeni—” tangkang tanong ni Princess Ann pero agad itong pinutol ni Phillip. “Ikaw ang sumugod dito, tigreng nagkatawang-tao, kaya mamaya ka na magtanong kung ayaw mong mamatay, unless na pagod ka nang kumain,” sagot ng binata saka hinila ito palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigang pumasok para agapan ang kanyang ina. Magsasalita pa sana ang dalaga pero mabilis na sumabad si Joe. “Ah, Pareng Phillip, Attorney Harden, baka naman puwedeng lumayo na lang muna tayo dito sa lugar na ’to. Mamaya na kayo magpatuloy sa inyong bangayan ’cause as you can see, nasa alanganing situation tayong lahat,” malakas nitong saad sa pagitan ng pakikipagbarilan sa