CHAPTER SIX

2182 Words
“TAKE it or leave it!” ismid na sabi ni Don Fred. “Pero ano ba ang kasalanan nila sa ’yo at gusto mong ipa—” Pinutol ng don ang pagsasalita ng doktor. “Ang sabi ko, take it or leave it, hindi ko sinabing maaari kang magtanong. Just tell me kung hindi mo kaya ang ipinapagawa ko nang maipasa ko sa iba. But take note na alam mo na kung saan ka lulugar oras na hindi mo magawa ang nais ko,” pananakot pa nito. Don Fred is one of the richest men in the whole region. Kinatatakutan siya ng karamiham dahil sa yaman at sa mga kaya niyang gawin gamit ito. Kapag pera ang kumilos, lahat nagagawa niya lalo na sa mga madaling masilaw sa kinang nito. “Pero reputasyon ko ang nakasalalay dito, Don Fred. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kapwa ko manggagamot kapag malaman nila ang kalokohan na gagawin ko?” aniyang muli ng doktor. “Matanong nga kita, Doc. Noong tinanggap mo ang una kong offer, naisip mo ba ang bagay na ’yan? Noong pumasok ka sa grupo ng mga mukhang pera, naisip mo rin ba kung ano ang maaaring dulot nito? Ngayon isang tanong isang sagot, Doc; maaasahan ba kita sa p*****************l ng mortal kong kaaway? Well, nasa ’yo na ’yan kung gagawin mo ’to o hindi dahil kilala mo ako; hindi tumatanggap ng excuses. Nakinabang ka na kaya dapat makinabang din ako. Remember na hawak ko kayo sa leeg ng pamilya mo kaya you don’t have any choices at all,” pang-iinsultong pahayag ng Don. Hindi na nakaimik ang doktor dahil totoo naman kasi ang tinuran nito. Malaki ang naitulong nito sa kanya at sa buong pamilya niya. Ito ang tumulong sa kanya no’ng mga panahong nagsisimula pa lamang siya bilang manggagamot. “Well, kung ayaw mo, ibibigay ko na ’yan sa iba, Doc. At gaya ng sabi ko, asahan mo ang kapalit ng pagtanggi mo sa akin,” muling wika nito nang hindi na nakasagot ang kausap. “Sige, Don Fred, ako na ang gagawa, pero sana naman huwag mong idamay ang pamilya ko. Alam mo namang sila lang ang mayroon ako,” may pagsukong sagot ng doktor. Para namang nanalo sa lotto ang don dahil sa narinig. “Akin ang huling halakhak! Hindi kayo ang makakahila sa akin pababa,” mala-demonyong sabi nito na ang mga mata’y parang nagliliyab na apoy. “At ikaw naman, Doc, papayag ka naman pala’y ang dami mo pang pasikot-sikot. Sabi ko naman sa ’yong madali lang akong kausap, eh,” tuwang-tuwa pa nitong sabi sa doktor habang tinatapik-tapik ang balikat nito. Few hours later . . . “PAANO nangyari ’yon, Doc? Monthly ang prenatal checkup ng asawa ko, paano nangyaring patay ang kambal namin?” Hindi matukoy kung ano ang damdaming lumulukob kay Andrew nang mga oras na ’yon. “Normal death ang tawag diyan, Mr. Sandoval, dahil paglabas pa lang nila ay patay na sila. I’m so sorry for your lost, sir,” malungkot na sagot ng doktor. “No! Sabihin mong nagbibiro ka lang! Tell me that you just— Paanong—” Hindi matapos-tapos ni Andrew ang nais sabihin dahil hindi niya matanggap na muli na namang nawala ang sanggol nila. Ilang taon din ang lumipas simula nang huling magbuntis ang misis niyang si Aileen. Laking tuwa nga nilang mag-asawa dahil sa wakas ay natupad na ang matagal nilang pinapangarap na magkaroon ng kambal na anak pero ngayon ay muli na namang nawala ang sanggol. Mahirap para sa isang magulang ang pinagdadaanan nila. Wala pang malay ang asawa niya pero hindi na niya alam kung paano ipagtatapat dito ang nangyari sa kanilang anak. “Sorry, Mr. Sandoval, dahil hindi ko magagawa na magsinungaling. Para saan pa na nag-aral ako ng medisina kung magsisinungaling lang ako? Nasa iyo na kung ayaw n’yong maniwala. Basta ako, ’tapos na ang trabaho ko, and besides nandiyan na ang mga bata. I’m going,” wika nito saka tumalikod na. Nagmadali siyang magtungo sa kinaroonan ng kambal na bagong silang. “I’m so sorry, kids, but I need to do this. God, please forgive me but I also love my family,” may luha sa sulok ng mata na bulong nito. In his mind, tutal hindi alam ng don na kambal ang anak ng mag-asawa ay naisip niyang dalhin na lang ang isa sa mga ito at iuwi sa bahay nila. “Problem will never be solved by another problem, honey. Sinunod mo na ang utos ng don at huwag mo nang dagdagan pa. Isauli mo ang batang ’yan at aminin ang lahat sa mag-asawa, at higit sa lahat, humingi ka ng kapatawaran sa kanila. Pero kung ipagpipilitan mong dito na lang sa atin ang bata, ako na ang nagsasabi sa ’yo na kami ng mga anak mo ang tuluyang mawawala sa buhay mo,” salungat ng misis niya nang ipinagtapat niya ang nagawang kasalanan. Hindi na nagdalawang-isip ang doktor. Binalot nila nang maayos ang dalawang lampin ang kambal. Ang isa ay dinala ng asawa nito sa mansiyon ni Don Fred samantalang siya ay halos maiyak pero wala na siyang pagpipilian. “Huwag kang mag-alala, baby, dadalhin kita sa taong aalagaan ka nang parang tunay na anak. When you grow up, malalaman mo rin ang lahat, mahahanap mo rin ang tunay mong magulang dahil lalagyan ko ng pangalan ang lampin mo, at higit sa lahat, ipaparehistro kita para may lead ka na mahanap someday ang pinagmulan mo. I’m so sorry, baby,” naiiyak na aniya ng doktor habang inaayos ang basket na paglalagyan ng sanggol. Nilagyan din niya ito ng gatas na maaaring ipainom ng makakikita rito. “HANEP, Wilma, maano bang sagutin mo na ako at ako na ang bubuhay sa iyo? Naku, kapag ako ang mapapangasawa mo, hindi mo na kailangan pang magtrabaho dahil kahit mahilata ka maghapon, maibibigay ko ang gusto mo,” maangas na sabi ng manliligaw ni Wilma. “Aba’y sa lagay na ’yan, aber, saan ka kukuha ng ipambubuhay mo sa akin? Mahiya ka nga sa maitim pa sa puwet ng kaldero mong balat!” naka-cross arm pang sabi ng dalaga. “Grabe ka naman, Wilma. Kasing-itim talaga ng kaldero? Maraming pera sina Mommy at Daddy. Sa madaling salita, mayaman kami kaya sagutin mo na ako’t magpakasal na tayo,” naka-puppy eyes pang wika ng lalaki na mas ikinainit ng ulo ni Wilma. “Alam mong lalaki ka, hindi ko ugaling manlait, nagpapakatotoo lang ako kaya umuwi ka na’t huwag nang bumalik dito. At para sabihin ko sa iyo, hindi ang mga magulang mo ang mapapangasawa ko kung sakali kaya’t huwag mo silang ipananggalang, saka hindi ako mukhang pera, ’yan ang itatak mo sa kapiranggot mong utak. Mag-aasawa ako pero sa taong mahal ko at hindi sa kagaya mong mayabang na nga, maitim pa sa kaldero. Hala, uwi ka na!” lukot ang mukha na aniya ni Wilma. “Bye, honey my love, so sweet. I shall return tonight,” pahabol pa nito kaya naman muling nag-init ang ulo ng dalaga. “Huwag ka nang bumalik kahit kailan, n***o!” inis niyang sagot pero mas nainis lang siya sa sagot nito, nag-iwan pa ito ng flying kiss. Hindi na siya nagpunta sa palengke para magtinda ng karne’t isda kasama ng mga magulang niya dahil nasira na ang araw niya . “Madapa ka sanang n***o ka! Ambisyoso ka talaga, buwisit! ’Di bale sanang n***o ka kung hindi ka mayabang, mama’s boy ka pang n***o ka. Madapa ka sana!” ngitngit na bulong ni Wilma. Papasok na sana siya sa kanilang tahanan nang may napansin siyang basket sa tabi ng basurahan nila. Hindi na sana niya ito papansinin pero parang may kung anong puwersa na humihila sa kanya para balikan ito, only to find out that there’s a baby inside of the basket. “Diyos ko! Namamaligno na ba ako? Ano ba ’yan, karma agad sa pagdadasal ko ng masama laban sa negrong ’yon?” Para siyang engot na bulong nang bulong. Ilang ulit din niyang kinusot-kusot ang kanyang mga mata para makasigurado na hindi siya dinaraya ng paningin pero gano’n pa rin, nandoon pa rin ang sanggol na mahimbing ang tulog. ‘Kunin mo na, hija, parang awa mo na. Alam kong may mabuti kayong kalooban at hindi n’yo siya pababayaan,’ piping bulong ng isang anino habang nakatanaw sa dalagang parang namamaligno sa bata. Pinakinggan ito ng langit dahil agad na dinampot ng dalaga ang basket saka ipinasok sa kanilang tahanan. “Sorry ulit, baby, dahil sa nagawa ko. Huwag kang mag-alala dahil nasa safety ka na,” muli ay sambit ng nilalang na nakatanaw kay Wilma. Nang nakasigurado ang taong nakamasid na nakapasok na ang dalaga dala ang basket ay tahimik na rin itong umalis. ***** “HEPE naman, walang ganyanan. Aba’y alam mo namang hindi alam ni Inay ang tunay naming trabaho ’tapos ako ang ibibigay mong bodyguard ng mala-tigreng ’yon?” kunot-noong angal ni Phillip. Mahigit isang buwan na ang nakararaan simula nang mangyari ang engkuwentro nila ng babae sa presinto pero hinding-hindi niya makalilimutan ang mukha nito. Napakaamo at maganda ang mukha nito pero maldita naman. “’Tol, aba’y ayaw mo niyan, makakasama mo ang tigre sa kabahayan?” pangangantiyaw ni Arnold. “Shut up will you?!” angil dito ng binata dahil naiisip pa lang niya’y baka mapatulan pa niya ang tigreng iyon nang wala sa oras. Pero mas nangantiyaw lang ang mga kaibigan nito dahil sa inaasta niya. “Ayaw mo niyan, pare? Kung ako sa iyo, go na, p’re. Alam mo kung bakit? Una, hindi ka na lalabas sa gabi at hindi ka na mapapalo ni Nanay Wilma. Pangalawa, it’s your chance to explore the Philippines, p’re. Bigatin ’yon kaya I’m sure kahit saan, kasa-kasama ka.” Hindi matukoy ni Phillip kung nang-aasar ba ito o ano dahil nakangisi ito. Akmang babatukan sana ito ng binata dahil sa panenermon nito pero agad itong nagtago sa likod ng hepe kaya naman pumagitna na ito. “Tama na ang asaran na ’yan. Actually, lahat kayo’y may assignment pero inuna ko lang itong kay Princess dahil siya ang may hawak sa kaso ni Marco. Kayong apat, si Princess, at ang pamilya lang namin ang nakakaalam na buhay siya kaya kailangan ko ang kooperasyon ninyo,” ani nito bago bumaling kay Phillip. “Maasahan ba kita, Chief Inspector Phillip Sandoval?” bigkas nito sa buong pangalan ng binata. Yes, they are! The four of them are part of the police department but it’s unknown to all, even to their own family. The chief of police is the only person who knew them inside out! They belong to the investigation department. They are the undercovers of the Chief of Police Frank Fuentes. “’Tol, kinakausap ka ni Chief,” pukaw ni Leo sa binatang nakarating na yata sa Basilan ang pag-iisip. “Huh! Oo na— Ay ano ’yon?” Tuloy ay hindi niya mapagtagpi-tagpi ang sinasabi dahil sa gulat. “Walang bawian, Inspector Sandoval. Ikaw na ang private bodyguard ni Princess Ann. Don’t worry, dahil bukod sa sahod mo sa trabaho mo’y iba pa ang sahod mo sa kanya. Mayaman ang inaanak kong iyon kaya hindi ka magsisisi sa pagtanggap mo nito,” may ngiti sa mga labing wika ng chief of police. Bumaling din ito sa tatlo pang kaibigan ni Phillip at sila naman ang binigyan ng panibagong assignment. “Good luck sa trabaho ninyo, guys. I’m leaving na, baka may makahalata pa, eh ’di bokya kayong lahat kapag nagkataon. Here’s the address of my nephew, Sandoval. You may start your new job tomorrow morning," wika ng hepe bago ito tuluyang umalis. Sumaludo naman ang tatlo pero si Phillip ay nanatiling nakaupo at ang mukha ay lukot-lukot pa rin. Pagkaalis ng hepe ay parang mga palakang nabasa sa tubig-ulan tatlo dahil tuwang-tuwa sila sa bago nilang assignment pero ang binata ay nakasimangot pa rin. Tinawanan na lang nila ito dahil alam nilang ito ang pinakamasungit sa kanilang lahat lalo na kapag nasa katwiran. Lihim silang nagkatinginan. Binuhat nila si Phillip at ginawa itong parang bola bago ibagsak sa sofa saka nila ito tinakbuhan. “Letse kayong tatlo! Bumalik kayo dito, mga baliw!” sigaw ni Phillip pero halakhak lamang ang naging tugon ng tatlo saka ipinagpatuloy ang paglayo mula sa kanya. Hindi na rin nagtagal ang binata sa hideout nila. Inayos na rin niya ang sarili saka umuwi. ***** KINABUKASAN, pababa pa lamang ang dalaga mula sa hagdan ay sinalubong na siya ng isa nilang kasambahay. “Good morming po, Ma’am Princess. May naghahanap po sa iyo sa labas. Hindi ko po siya pinapasok dahil hindi ko kilala,” sabi nito. “Morning din sa iyo, Linda. ’Sunod na ako, kukunin ko lang ang kape ko sa kusina,” tugon nito. Sa paglabas niya’y naibuga niya ang hinihigop na kape nang mapagsino ang taong naghahanap sa kanya. She knew him! He’s the one who . . . “You? What the hell are you doing here in my house?” malakas pa sa kulog na sabi niya sa kaawa-awang lalaking nabugahan ng kape!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD