Pagkatapos umunat ni Vivian ay napatingin siya sa puwesto ni Stephen. Tumingin siya sa suot na relo at kumunot ang noo niya nang makitang mag-aalas dose ng tanghali na pala. Napahaba pala ang tulog niya. Pero ang ipinagtaka ng dalaga ay kung bakit wala pa rin si Stephen. Sa pag-aakalang nasa labas lang ito ng tent ay nagmamadali na nag-ayos ng sarili niya si Vivian at lumabas. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Sa halip ay si Ice ang nakita niyang nakatayo sa hindi kalayuan at may kausap sa cellphone. Mukhang seryoso ito. Napaismid si Vivian. Siguradong ang Clarisse na iyon na naman ang kausap ni Ice. Tapos kapag nagkaharap silang dalawa, sasabihin na naman nito na siya ang mahal nito. Nang lumingon sa kaniya si Ice ay huli na para umiwas ng tingin a