CHAPTER 64

3238 Words

Dahil hindi na talaga sila binalikan ni Stephen kaya silang dalawa na lang talaga ni Ice ang nagpatuloy sa pag-akyat sa bundok papunta sa camp site. Sa buong oras ng paglalakad nila ay napansin ni Vivian na todo alalay sa kaniya ang binata pero pilit siyang lumalayo. Ayaw na niyang umasa sa mga pa-fall na galawan nito. Medyo mainit na bago pa man sila makarating. Ramdam ng dalaga na pinagpapawisan na siya. Kaya huminto siya sandali para magtali ng buhok. Tinamad na siyang maghalungkat ng suklay sa bag niya kaya basta na lang niya iyon ipinusod. Napansin naman niya na nakatingin sa kaniya si Ice. At nagulat na lang siya na nang bigla itong lumapit sa kaniya at masuyong pinunasan ang pawisan niyang noo gamit ang sariling towel nito. Dahil sa pagkabigla kaya hindi nakaangal pa si Vivian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD