Naiinis si Vivian dahil wala siyang nakuhang matinong sagot mula sa mga kaibigan niya nang mag-imbestiga siya tungkol kay Ice sa nangyari noong nasa bar sila. Pero bandang huli ay nauunawaan din iyon ng dalaga dahil mga lasing naman na talaga ang mga ito noon. Nakakainis lang dahil hindi nasagot ang pagdududa niya tungkol kina Stephen at Ice. "Super higpit naman pala niyang boyfriend mo, Vivz," tudyo sa kaniya ni Shaira nang sabihin niya rito na grounded siya for two days dahil sa ginawa niya noon sa bar. Tinawanan pa nito ang sitwasyon niya kaya lalo siyang nayamot. "Hindi ko nga siya boyfriend. He's just my bodyguard," pagtatama ni Vivian. Ilang beses na niya iyong sinasabi sa kaibigan niya pero ayaw nitong maniwala. Hindi raw ganoon ang nakikita nito sa kanilang dalawa ni Ice noong ga