Katatapos lang kumain nina Vivian at Ice. At katulad ng nakagawian ay ang binata na naman ang nag-insist na magligpit at maghugas ng pinagkainan nila. Kahit anong pilit niya na tutulong ay hindi talaga siya pinapayagan nito. Para magpatunaw ng kinain ay tumambay muna sa gilid ng bintana si Vivian. Hinila niya roon ang pangalawahang couch at nangalumbaba. Ngayon na grounded na naman siya for another two days ay lalo siyang nakaramdam ng pagkabagot. Hindi lang ang night life ang nami-miss ng dalaga kundi lalo na ang buhay na mayroon siya noon bago siya winasak ni Clinton. Nami-miss na niya ang mag-design, ang mag-handle ng event, ang makatanggap ng papuri mula sa mga customers... Kumusta na kaya sana ngayon ang shop ko kung hindi ko isinara? Marami pa rin kaya akong naging kliyente? "A