"Kilala ko ba ang sinasabi mong crush dati?" tanong ni Ice sa tono na para bang close na close na uli sila at normal lang na mag-share sila ng sikreto sa isa't isa. "H-hindi," pagsisinungaling ni Vivian. Kung wala siyang lakas ng loob noon para aminin iyon kay Ice ay lalo na ngayon. Hindi niya sigurado kung siya ba ang babaeng mahal na tinutukoy nito. At hindi rin alam ni Vivian kung handa na ba uli ang puso niya na magmahal at magtiwalang muli. Masaya at kuntento na siya na may paghanga pa rin siya sa dating kaibigan. "For sure, isa iyon sa mga kaklase o kaibigan mo na mayaman kaya hindi ko kilala," walang kangiti-ngiti na komento ni Ice. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin ito at saka naglakad papasok sa dating opisina. Kailangan na niyang dumistansiya rito bago pa man nito ma